[ALANA]
"Ma, kailangan po ninyong ubusin ang pagkain." Pakiusap niya sa ina.
Umiling ito at ibinaba ang kamay niyang may hawak na kutsara. "Busog na ako, anak."
"Pero konting subo po lang kayo, eh."
"Mamaya na lang, anak. Gusto ko lang humiga ulit."
Inalalayan niya ito at pinahiga sa kama. Pansin niya na pahina ito ng pahina at mas gusto nitong humiga kesa lumabas ng bahay.
"Nga pala Alana, anong gusto mong gawin natin sa birthday mo? Magi-eighteen years old ka na sa susunod na linggo."
Oo nga pala. "Wala po. Huwag niyo po muna alalahanin ng kaarawan ko. Ito po muna kalusugan ninyo ang uunahin natin."
"Alana, kaarawan mo kaya dapat i-prioridad natin iyan. Isang beses lang natin iyan ise-celebrate at tiyaka, hindi ka na bata."
"Mama, hindi naman po ako bata."
"Alana, makinig ka. Pagdating mo sa edad na desi-otso, magiging babae ka na. ibig sabihin, kaya mo na ang sarili mo at ikaw na ang magdedesisyon anong gusto mong gawin sa buhay mo."
"Ganoon po ba, mama? Eh di, pag eighteen na ako, papaya na kayong magpa-check up?"
"Bakit?" nagtatakang tanong nito.
"Sabi ninyo magagawa ko na anong gusto ko pag naging eighteen na ako."
"Ikaw talaga." Natawa ito. "Sige na anong gusto mo para sa birthday mo? Gusto mo ba maghanda tayo ng party?"
"Ayoko po, mama. Wala naman po akong gustong gawin sa kaarawan ko."
"Hindi naman tama iyan, anak. Birthday mo tapos hindi tayo maghahanda?"
"Wala po talaga sa akin iyon, mama. Kung gusto po talaga ninyo eh, siguro konting salo-salo na lang kasama sila Aling Martha at Ate Julia."
"Sige, gagawin natin iyan at ang mga ihahanda natin mga paborito mong mga pagkain."
"Salamat po, mama."
"Alana, makinig ka sa akin. Pag nasa tamang edad ka na, dapat panindigan at alam mo ano man gusto mong maging at desisyon sa buhay. Kung alam mo na wala kang tinatapakang tao, gawin mo ang nararapat na nasa tingin mo ay tama. At saan ka man magpunta, alalahanin mo na mahal na mahal ka ni mama. Alagaan mo mabuti ang sarili mo."
"Si mama talaga ginagawa ko naman po oyan. At mahal na mahal ko din po kayo. Pangako ko tatandaan kop o ang sinabi ninyo . Pero mama, mat gusto ko akong regalo."
"Ano iyon anak at ibibgay ko."
"Pagkatapos ng birthday ko, pa-check up na po tayo, ah?" ngiting sabi niya.
"Ikaw talaga. Sige na nga."
"Yehey! Salamat, mama!"
Buti naman pumayag na ang mama niya. Sa totoo lang, hindi niya iniisip na gumawa ng mga bagay na magbabago ang buhay niya. Maayos na ang kalagayan niya ditto. Tahimik ang buhay ditto sa napakagandang isla at kasama ang ina niya at mga taong na buong pusong pinagkakaktiwalaan niya. Iyon lang. masaya, tahimik at konten siya sa buhay niya mahihiling lang niya sa kanyang kaarawan na sana magiging mabuti na ang kalusugan ng kanyang ina.
[Theresa (Mother/Parent) POV]
"It's very rare na ikaw ang tatawag sa akin, Theresa."
Bago niya ito tawagan, hinintay muna niyang makaalis si Alana sa bahay. Sinadya niya na sa tagal ng panahon, ngayon lang siya nakapagdesisyon na kausapin ang dating asawa at ama ni Alana. Alam na niya na hindi na siya magtatagal pa sa tabi ng kanyang anak kaya kahit labag man sa loob niya na gawin ito, para din ito sa kinabukasan ng anak niya.
"Kung hindi mo lang pinilit ang sarili mo na umalis kasama ang anak natin at manirahan diyan, hindi ninyo sana mararanasan ang hirap ngayon---"
"Kung hindi mo inuuna ang adiksyon mo sa pagsusugal, siguro magkasama pa rin tayo. Mabuti namulat ang isip ko na iwan ka at tumira sa tahimik na buhay ng anak mo."
"Kaya ka lang ba tumawag dahil susumbatan mo na naman ako? It's been so many years Theresa. Akala mo ba ganyan pa rin ako hanggang ngayon?"
"Hindi, Francisco. Alam ko at ramdam ko na nagbago ka na. May huling hiling ako at sana gawin mo."
"What do you mean?"
Huminga siya ng malalim. Mabigat man sa loob pero kung ito lang ang paraan para guminhawa ang buhay ni Alana. "Si Alana, ipagkakatiwala ko na siya sa iyo."
"What?"
"Alam ko na hindi na ako magtatagal pa na maalagaan siya. Ayoko maging inosente siya sa mundo. Gusto ko na maranasan niya ang buhay na dapat para sa kanya. Kahit papaano, naipalaki ko siya bilang isang mabuting bata. Nakikiusap ako Francisco, ikaw na ang bahala sa anak natin."
Hinintay niya ang sagot nito. "Sige, papayag ako. Ako na ang bahala sa kanya."
"Salamat. Ibibigay ko ang buong tiwala ko sa 'yo. Mahalin mo si Alana. Ibigay mo sa kanya ang mga pangangailangan niya at patapusin mo siya sa pag-aaral."
"I will."
"Salamat." Hindi niya kayang sabihin sa anak ang realidad na mawalala na siya sa tabi nito. Kahit pupunta pa siya sa doctor, wala na rin lunas ang sakit niya. Sana lang, magiging matatag ito at pagdarasal niya na magkakatagpo ito ng totoong magmamahal sa kanya.
[ALANA]
Araw ng kanyang kaarawan. Araw ng pagsasaya kasama ang mga mahal niya sa buhay pro ang isa sa pinakaimportanteng tao ay wala na. Wala na ang kanyang ina. Biglaan ang nangyari. Akala niya natutulog lang ito kaya pinabayaan niya lang pero umabot na lang tanghali, hindi pa rin ito gumigising. Hindi niya inisip na iyon na pala ang huli.
Mabuti tinutulungan siya nila Aling Martha at anak nito na si Ate Julia sa pagaasikaso sa burol ng mama niya. Wala siyang kapera-pera at hindi niya alam anong gagawin niya. Hindi na nga niya alam kung umiyak ba siya basta't wala siyang nararamdaman. Parang namanhid ang buong katawan niya sa bilis ng pangyayari.
"Ayos ka lang, Alana?" tanong ng Ate Julia niya. Tumabi ito sa kanya habang pinagmamasdan ang kabaong ng mama niya.
"Okay lang po, Ate."
"Pinagusapan naming ni mama na sa ka na manirahan. Huwag kang magalala, magiging maayos ka sa amin---"
"Baka po maging pabigat lang ako sa inyo, ate."
"Hindi! Alana, tinuring ka na naming kapamilya. Mahala ka namin pati na ang mama mo kaya hindi ka namin iiwan."
"Hindi ko po akalain na ganito ang mangyayari."
"Alana, sobrang nararamdaman namin ang sakit na wala na si Antie Theresa pero intindihin mo ang gusto niya na ayaw na ayaw niya na maging malungkot ka. Iniwan ka man niya, kahit saan ka man magpunta, nasa tabi lang siya at binabantayan ka. Gusto ng mama mo na mangarap ka. Tuparin mo anong gusto mo sa buhay."
Iyan nga ang palaging bilin ng mama niya. Pero, papaano niya gagawin iyan na wala na ito sa tabi niya? Sino ang masasabihan niya ng kanyang problema? Siya lang ang inspirasyon niya sa buhay.
"Alana, may bisita ka." Tawag sa kanya ni Aling Martha.
Paglingon niya, isang matandang lalaki na nakasuot ng salamat at naka pormal na damit. Naglakad ito papunta sa kabaong ng mama niya. Ilang minuto din itong pinagmasdan ang mama niya. Nang matapos ito, lumapit naman ito sa kanya.
"Alana, pwede ba kitang makausap?"
"Ba-bakit po? Sino po kayo?"
"Ako ang papa mo."
TO BE CONTINUED...
Comments (2)
See all