[ROMAN]
"Oh my god, dude! It's freaking three in the morning!" angal nito.
Hindi siya mapalagay dahil sa nangyari kanina lang, hindi niya alam anong susunod niyang plano pagsikat ng araw! Kailangan niyang makahanap agad ng solusyon. Kaya tinawagan niya ang kanyang kaibigan na si Howard.
"Magaling ka naman maghanap sa mga nawawalang tao, 'di ba?"
"So?"
"I need you to find Francisco Ramos."
"Ah, that man? Bakit? Nawawala? Tinakasan ka na?"
"Yeah. Besides that, nandito ang anak niya."
"What the---? Really?!"
"Really! Oh my god! Kung alam ko lang ito---"
"Hold up! Nagising tuloy ako. Nandiyan ang anak ni Franciso sa bahay mo? Sa ganitong oras?"
"I thought she was a burglar o baka naligaw lang pero ng malaman ko kung bakit siya nandito, hindi ako makapaniwala. Ginawang kolateral ni Francisco ang anak niya."
"No way."
Siya din hindi makapaniwala. "Nabasa ko ang sulat ng Papa niya. This can't be real. Hindi naman ako nangangailangan ng tao, ang kailangan ko ay pera. How am I going to do with that woman?! Ilang milyon ang utang ng lalaking 'yon sa akin tapos ang ibabayad niya sa aking ay mismong anak niya? This is stu*pid."
"Relax lang. Oh, sige tutulungan kitang hanapin ang lalaking 'yon. Hindi nga lang kita matutulungan diyan sa anak niya. What's she look like? Maganda ba? Sexy?"
"I don't have time of your nonsense, Howard. I felt bad for that gir---woman. Wala itong kaalam-alam na tinaboy ito ng sariling ama dahil lang sa utang. He was a dumb man giving his daughter away para takasan ang problema."
"Well, ang importante naman sa lalaking 'yon ay ang sarili niya. Gagawin nito kahit sa anong paraan para takasan ka."
"Kung pwede lang, gawin mo 'yon ipapagawa ako. I really need to see that man at isauli ang anak niya."
"Roger. Mamaya, pupunta ako sa office mo para naman makapag-chika pa ako ng marami. Or pupunta na lang ako diyan sa bahay mo para makilala ko naman 'yan mistery woman na 'yan."
"No. See you in the office. Bye."
"Dude! You're such a killjo---" agad niyang in-off ang tawag. Kailangan niyang masolusyonan ang problema nito sa lalong medaling panahon. Ayaw niyang may hinahawakang responsibilidad other than sa kanyang mga negosyo.
[ROMAN]
"This is very interesting. And weird!" manghang sabi ng kanyang kaibigan na si Howad ng mabasa nito ang sulat galing kay Francisco. Ang lalaking "binigay" ang sariling anak para pambayad sa utang nito sa kanya.
"It's awful! I need the money na hiniram niya hindi gawing bambayad ang anak niya! This is ridiculous! Anong palagay niya sa akin? Tatanggap ako ng pro*sti*tution?!"
Hanggang ngayon nanggagalaiti pa rin siya sa nangyari. Pakiramdam niya naisahan siya ng matandang 'yon! Sa tingin ba nito madali sa kanyang tanggapin bilang kabayaran ang anak nito? Hindi pa siya baliw!
Kahit ganoon, hindi naman niya kayang palayasin agad ang babae. Kita niya sa mukha nito ang pagod at nilalamig din ito dahil nakatambay ito sa labas habang umuulan. Bago siya umalis, tinawagan niya si Aling Nora ang tagalinis ng kanyang bahay na samahan muna ang babae.
He promised that girl na hahanapin niya ang ama nito at hahanapin talaga niya ang lalaking 'yon at sisiguraduhin niya na mababawi niya ang inutang nitong malaking halaga sa kanya.
"Relax. I know ang mga babae ang lumalapit sa 'yo so hindi mo na kailangan kumuha pa ng babae para ikama---"
"Will you shut up? Ang dami ko na ngang pinoproblema dito, sumisingit ka pa sa mga jokes mo hindi nakakatawa. Ano ng update sa paghahanap mo kay Francisco?"
"Well, about that... I already have some information. Didiretsuhin na kita. Francisco just got out of the country."
"What country?"
"Naka-state sa ticket na papunta ito sa Argentina and napagalaman namin na pumunta lang ito doon para umalis ulit papunta sa ibang lugar."
"Did you track down saan ang next destination niya?"
"Actually... No."
"You have gonna be kidding me, Howard."
"Yeah! Ibang klase pala ang lalaking 'yon. Pati ako maiisahan niya. Ang galing ng tactic niya, eh. I guess seryoso talaga na taguan ka. Besides, sa tingin niya din sapat na ang kanyang anak na maging collateral sa mga utang niya."
Anong susunod na gagawin niya? At anong gagawin niya sa anak nito?! He can't believe it na naisahan siya ng kanyang empleyado. Ilang milyon ang utang nito sa kanya. Pati ang eskandalong kinsangkutan nito, nadamay siya pati na ang kanyang negosyo! Hindi lang pera ang dapat nitong bayaran sa kanya!
"So, what are you going to do now? And how about the girl?"
"I don't know. Wala akong plan B."
"Hey, are you sure na walang alam ang anak ni Francisco?"
"Maybe? Noong unang kita ko sa kanya, parang wala siyang alam sa nangyayari o sa pinagkakagawa ng ama niya. Ang sabi lang niya, hinatid lang siya ni Francisco sa bahay at iabot sa akin ang sulat."
Napaisip ito. "Hmm... I think impossible na wala siyang alam."
"What do you mean? Na magkasabwat ang mag-ama?"
"Yeah. I mean, bakit pumayag ang babaeng 'yon na dalhin at patirahin sa isang bahay na hindi naman niya kilala? And you're a guy, living alone in your fabulous house. Alam iyan ni Francisco, 'di ba? Baka ginagamit ng lalaking 'yon ang kanyang anak para... akitin ka? You said she looks so innocent na parang hindi siya eighteen years old so, maybe malaking advantage para kay Francisco na gamitin ang anak niya as collateral?"
Howard has a point. What if nagmamaang-maangan lang ang babaeng 'yon at ang totoo, alam nito ang plano ng ama at nagtutulungan ang dalawa para pagkaisahan siya? Pero, ng unang kita pa lang niya sa babaeng 'yon, para siyang isang tao na masyadong inosente. Para bang walang masyadong alam sa mga nangyayari sa paligid nito. Ang sabi nito kinuha ito ng ama sa isla para pagaralin. So, ano ba ang totoo?
"Remember Roman, hindi lahat ng mga taong nakapaligid mo mapagkakatiwalaan. Marami na rin taong nagtangkang pabagsakin ka how much more ngayon na gamitan na ng sariling kadugo para pagkaisahan ka." Advise nito.
"I got it."
"Magisip ka. Baka 'yan pa ang ikakabagsak mo."
He must decide.
[ALANA]
Nagiisa siya ngayon sa bahay dahil kailangan pumunta ni Aling Nora sa palengke. Gaya ng kagawian niya, nanatili lamang siya sa kwarto habang nilalaro ang mga laruang binili para sa kanya. Sa ganitong paraan hindi siya nababagot at kung nababgot na siya, matutulog na lang siya.
Masaya ang agahan niya kanina. Ang dami niyang kinain at ang sarap magluto ni Aling Martha. Bawing-bawi ang kanyang maramdamang pagod dahil sa unang pagkakataon, nakakakain siya ng mga pagkain na nakikita lamang niya sa mga magazines. Iyan kasi ang libangan niya kapag kasama niya si Aling Martha. Marami itong mga magazines kaya nakakatakam ang mga nakikita niyang pagkain.
Ilang oras na siyang naghihintay sa balita. Alam na kaya ni Ser Roman kung nasaan ang kanyang ama? Sana naman makita na nito ang Papa niya para makauwi na siya sa bahay nito. Mas gusto niya doon na lang manatili kesa dito. Noon naman unang tapak niya dito sa siyudad, palagi na lang wala ang Papa niya sa bahay kaya hindi na nito kailangan pa na makiusap ng ibang tao para patirahin siya. Gusto man niyang umuwi sa totoong tahan niya sa isla, hindi pwede dahil pinaghahawakan niya ang kanyang pangako sa kanyang ina na magpapatuloy siya sa pagaaral.
Hindi na siya makapaghintay pa na makaalis dito.
Narinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas. Sumilip siya sa bintana at nakita niya na papasok ang sasakyan at nakita din niya si Ser Roman na lumabas doon. Sa wakas, nakauwi na rin ito. Sana naman maganda ang ibabalita nito sa kanya.
Lumabas siya sa kwarto at inabangan ito.
Pagbukas nito ng pinto, nagulat ito ng makita siya. "God, you shock me!" bulalas nito.
Hindi niya alam anong sinasabi nito pero hindi na niya inintindi 'yon. "May balita ka na ba tungkol kay Papa? Nagusap na ba kayo?" agad niyang tanong rito.
"Sorry, pero ang totoo hindi pa."
"Huh? Pero magkilala naman kayo 'di ba?"
"Yes, pero siguro hindi ko na siya makikita at makakausap sa ngayon."
Hindi magandang balita ang bumungad sa kanya. Papaano na ito ngayon?
"Pasensya ka na dahil hindi kita matutulungan sa Papa mo."
"Ga-ganoon ba?"
"At sad to say pero kailangan mo na rin umalis."
Nagulat siya. Paaalisin siya? Papaano na ito? Saan siya pupunta?
To be continued...
Comments (0)
See all