[ALANA]
Nagulat siya sa huling sinabi nito. Papaalisin na siya dito sa bahay.
"Hindi talaga kita patirahin dito ng matagal. Una, walang sinabi ang Papa mo na dito ka sa akin titira at pangalawa, kahit kailan hindi ako magpapatira ng ibang tao dito sa bahay ko. Kahit si Aling Nora, pagkatapos ng trabaho niya uuwi agad sa kanila that's why you can't stay here. Pwede ka naman umuwi sa inyo. Sa bahay ng Papa mo."
"Hi-hindi ko kasi alam papaano makakapunta sa bahay niya. Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito sa siyudad."
"Then, 'di ba ang sabi mo kinuha ka ng Papa mo sa lugar mo? Edi, doon ka na lang umuwi. Saang lugar para ma-schedule kita ng barko papunta doon."
Pilit niyang inaalala anong pangalan ng islang tirahan niya. Buong buhay niya doon siya kasama ng kanyang inang nanirahan, eh ngayon hindi niya natatandaan anong pangalan ng isla na 'yon!
"Um, hi-hindi ko din alam saan at anong pangalan ng lugar na 'yon."
Tila nagulat ito sa sagot niya. "Hindi mo alam? Bakit?"
"Alam ko naman pero... hindi ko matatandaan. Hindi ko kasi inisip na tandaan ang pangalan at kung saan ako nakatira."
"Papaano ka uuwi niyan? Hindi mo alam saan address ng Papa mo at hindi mo alam anong pangalan at lugar saan ka nakatira?"
"Pa-pasensya na." nakakahiya man pero 'yan ang totoo. Hindi naman niya inasahan na pupunta siya sa ibang lugar kaya hindi na niya inaalala ang kahit ano kahit man lang ang pangalan kung saan siya nakatira. "Um, kung pupwede ba na dito muna ako kahit ilang araw pa? Hindi ko kasi alam ang pasikot-sikot dito sa siyudad."
"I'm sorry pero hindi pwede." agad sabi nito.
"Pwede ako muna ang maglilinis ng bahay mo? Marami akong alam sa paglilinis. Tinutulungan ko minsan si Aling Martha na maglinis sa resort at iba't ibang bahagi lalo na sa tabing dagat. Hindi ako magiging sagabal basta't dito muna ako tutuloy."
Napaisip ito. Sana naman pumayag ito. "Sorry, hindi talaga pwede. Enough na si Aling Nora ang magaasikaso ng mga gawain at ayoko na may kasama ako dito sa bahay." Napabuntong hininga ito. "Wait here. May tatawagan lang ako baka makatulong hanapin ang address ng Papa mo. Habang naghihintay ka, ayusin mo na ang mga dala mong gamit, okay?"
"Si-sige."
Umalis muna ito sa kwarto. Siya naman ay hinahanda ang mga gamit niya. Para siyang maiiyak ano mang oras dahil paaalisin na siya nito. Ibig sabihin, paglabas niya dito sa bahay, siya na lamang magisa at wala ng tutulong sa kanya. Poproblemahin pa niya saan siya tutuloy at wala din siyang dalang pera!
Sana hindi na lang siya sumama sa Papa niya. Sana nandoon pa rin siya sa isla kasama sila Aling Martha at Ate Julia.
Binaba niya ang kanyang dalang gamit at pinuwesto sa harapan ng pinto. Ilang minuto ay bumaba na rin ang lalaki. May ibinigay itong maliit na papel. "Ito ang address ng bahay ng Papa mo."
"Salamat po." kinuha niya ito.
May binunot ito sa bulsa. Binuksan nito ang pitaka at naglabas ng pera. Ibinigay ito sa kanya. "Konting tulong ko para naman hindi ka mahirapan."
Malaking pera din ang ibinigay sa kanya. Nagpasalamat siya rito. "Alam mo na ang address sa bahay ng Papa mo, doon ka na lang. Pasensya ka na hindi kita maihahatid dahil may meeting pa ako. So, kaya mo naman sumakay ng taxi, 'di ba?"
"Ah...o-oo."
"Good. So, pwede ka ng umalis. Magiingat ka."
"Salamat po. A-aalis na po ako."
Tumango lamang ito bilang sagot. Binuhat niya ang kanyang mga gamit papalabas ng bahay hanggang makalabas siya ng gate. Palingon-lingon siya sa daan na hindi niya alam saan siya pupunta. Ang una niyang naisip ay puntahan ang address sa bahay ng kanyang ama. Baka sakaling umuwi 'yon doon at kung wala naman, baka pwedeng doon muna siya mananatili.
Ngayon lamang siya nakatok sa kanyang sitwasyon. Nandito siya sa isang lugar na hindi alam saan tutungo. Iniwanan siya ng kanyang pagkakatiwalaang tao sa isang estranghero na hindi naman siya kilala at pinaalis sa bahay nito.
Pero, hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Palaging sinasabi ng kanyang ina na maraming paraan para masolusyunan ang bawat problema kaya kahit saan man siya, makakaya niya ito at magiging maayos din ang lahat.
Nagsimula na siyang maglakad. Oo nga pala, tinanong siya ng lalaki kung marunong ba siya sumakay ng "taxi", nagisnungaling siya na alam niya. Dahil hindi pa siya nakakasakay nun.
[ALANA]
Palakad-lakad lang siya sa daan. Hindi niya alam saan siya pupunta o makakarating pa ba siya sa bahay ng kanyang ama. Palagi siya nagtatanong kung saan makikita ang adres na binigay ng lalaki sa kanya pero halos naman ng kanyang napagtanungan ay hindi alam saan at kung meron man, sabi nila na malayo daw at kailangan talaga niyang ng masasakyan para makapunta doon. Kaso nga lang, wala naman siyang nakikitang jepney man lang o kaya naman tricycle. Ang nakikita lamang niyang mga sasakyan ay parang pangmayaman. Saan ba siya dinala ng kanyang ama? Sa pagaakala niya magiging maayos siya pag sumama siya dito pero bakit ganito ang nangyayari? Kung alam lang niya papaano umuwi sa isla, kanina pa niya ginawa.
Kaya heto siya, ilang oras na din siya naglalakad sa kalye. Nakaramdam na siya ng gutom at uhaw. Buti na lang meron siyang nakitang maliit na tindahan na nagtitinda ng mga kakanin. Lumapit siya doon at bumili ng isang ballot ng bibingka at tubig. Pagkakuha niya sa pagkain, agad niyang kinain ang mga ito. Unang subo pa lang niya, nalalasahan na niya yata ang pinakamasarap na pagkaing natikman niya! Hindi pa kasi siya kumakain ng pananghalian. Malapit na rin gumabi.
"Dahan-dahan lang sa pagkain, hija." Ngiting sabi ng tindera sa kanya. "Gutom ka yata masyado. Hindi ka ba nakakain ng maayos sa inyo?"
"Opo, eh. Hindi pa ako nananghalian."
"Bakit naman?" sinilip nito ang kanyang mga dalang gamit. "Lumayas ka ba sa inyo, hija?"
"Hindi po." Hindi siya lumayas, pinalayas siya. "Hinahanap ko po kasi saan ang address sa bahay ng Papa ko."
"Ah, ganoon ba? Mukhang galing ka pa sa malayong lugar. Alam mo ba saan nakatira ang Papa mo?"
"May binigay po sa akin na address pero hindi ko po alam papaano makakarating doon."
"Sumakay ka na lang ng taxi para mas madali."
"Um, hindi ko po alam..."
"Hindi mo alam papaano sumakay ng taxi? Ah, kuha ko na. Saan ka ba nanggaling, hija?"
"Nakatira po ako sa isla kaya wala po akong masyadong alam dito sa siyudad. Kailangan ko lang po makauwi sa tirahan ng Papa ko kasi pinaalis ako sa bahay na titirhan ko sana. Sabi ng may-ari, wala raw sinabi si Papa tungkol sa pagtira ko doon kaya pinaalis ako. Wala akong alam na pwede kong tirhan kaya uuwi na lang ako sa bahay ni Papa."
"Eh, kung sa isla ka na lang umuwi?"
"Hindi ko naman po kabisado anong pangalan ng isla."
"Kawawa ka naman. Huwag kang magalala. Pagkatapos mo d'yan, ako na ang papara ng taxi para makasakay ka agad at makauwi na sa inyo."
"Naku! Maraming salamat po!" Buti na lang pumunta siya dito at tinulungan siya sa kanyang malaking problema ngayon. Sa wakas, makakauwi na din siya.
To be continued...
Comments (0)
See all