Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Prologue

Prologue

May 02, 2025

Ang mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Akin

PEOPLE'S HOUR | SPECIAL FEATURE
(PTV4, Prime Time Interview)

Sa isang kilalang Medical Talkshow Program ng Istayson.

Anchor: "Ngayong gabi sa ating espesyal na edisyon ng People's Hour, kasama natin ang isa sa mga pinakakilalang psychiatrist sa bansa — Dra. Tanya Martinez, isang eksperto sa larangan ng cognitive neuroscience at dream psychology. Dra. Martinez, magandang gabi po."

Dra. Martinez: "Magandang gabi rin po."

Anchor: "Doktora, sa inyong pag-aaral, marami po ang nagtatanong: gaano nga ba kalalim ang kapangyarihan ng ating isipan, lalo na pagdating sa mga panaginip?"

Dra. Martinez: (Ngumingiti, marahang nagsisimula)
"Ang isipan ng tao ay may kapangyarihang hindi pa lubusang nauunawaan. Kaya nitong bumuo ng mga mundo — buo, detalyado, may simula at wakas. Mga mundong hindi natin kayang abutin habang gising... ngunit sa ating pagtulog, nagiging tahanan."

"Ang tawag ng marami: panaginip. Ngunit para sa iba, ito ang tanging realidad na ayaw na nilang iwanan."

Anchor: "Ibig sabihin po ba, Doktora, may mga pagkakataon na ang panaginip ay mas totoo pa kaysa sa mismong mundo ng pagdilat?"

Dra. Martinez: (Tumingin sa camera, seryoso ang tinig)
"Sa panaginip, ang puso ay malaya. Walang batas. Walang bawal.
Doon, puwedeng magmahal kahit hindi dapat.
Puwedeng maging ina, kahit hindi kailanman nanganak.
Puwedeng maging masaya, kahit ang totoo'y malungkot."
"At minsan—kapag paulit-ulit nang binabalikan ng isipan ang isang panaginip, kapag gabi-gabi na itong binubuhay... hindi na ito basta imahinasyon. Nagiging buhay ito. Nagiging totoo."


Anchor: "At kapag nawala ang mundong iyon, Doktora?"

Dra. Martinez: (Mahinang ngiti, pero ramdam ang bigat)
"Ang sakit ay kasing lalim ng pagkawala sa tunay na mundo."

Anchor: (Tahimik sandali, bago magsalita)
"Maraming salamat, Dra. Martinez, sa napakalalim at makabuluhang pagbabahagi ninyo ngayong gabi."



At Ngayon,

Ito ang kwento ng isang babaeng minsang nagmahal.
Hindi sa gising.
Hindi sa tamang panahon.
Hindi sa tamang lalaki.

Nagmahal siya... sa mundo ng panaginip.

At dito nagsisimula ang isang kakaibang paglalakbay—
ang kwento ni Dra. Clarisse Villanueva.

sherwinrreyes
Sherwin

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 73.6k likes

  • Invisible Boy

    Recommendation

    Invisible Boy

    LGBTQ+ 11.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.3k likes

  • Arna (GL)

    Recommendation

    Arna (GL)

    Fantasy 5.4k likes

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 46.9k likes

  • Earthwitch (The Voidgod Ascendency Book 1)

    Recommendation

    Earthwitch (The Voidgod Ascendency Book 1)

    Fantasy 2.8k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin
Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

748 views0 subscribers

Ang Mga Lalaking Kailan Ma'y Hindi Naging Sa Akin

Isang anak.
Isang ama.
Pareho mong minahal.
Pareho mong nawala.
At pareho... hindi kailanman naging sa'yo.

Sa pagitan ng panaginip at katotohanan, isang babaeng doktor ang dadaan sa pinakamasakit na paglalakbay ng kanyang buhay-
Ang matutong magmahal, mawalan, at bumangon muli...
kahit ang lahat ng minahal niya ay nanatiling alaala lamang.
Subscribe

19 episodes

Prologue

Prologue

93 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next