"Ma'am, gising na po. Nandito na tayo."
Unti-unti kong iminulat ang aking mata. Agad akong napatingin sa babaeng kumalabit sakin at bahagyang ngumiti bago tumayo. Pagkababa ko ng eroplano ay agad kong inasikaso ang aking mga bagahe.
Medyo masakit pa ang katawan ko sa haba ng biyahe. Feeling ko ay nabugbog ako ng dalawang tao. Nag-inat muna ako habang hinihintay ang bagahe kong makarating sakin. Matapos nito ay dumiretso na ako sa labas kung saan naghihintay si Rose.
Inangat ko ang sunglasses ko at kinuha ang cellphone ko sa loob ng bag ko. Agad kong hinanap ang number ni Rose at tinawagan ito.
"Nasan ka na? Ang init-init dito, Rose. Baka naman gusto mong dalian?" Naghintay ako nang ilang sigundo bago magsalita ulit.
"May kausap ba ako?" Narinig ko ang buntong hininga mula sa kabilang linya.
"Sandy, ano kasi eh..." Aniya na para bang kinakabahan.
"Anong meron? Gaga 'wag mong sabihin na wala kang balak sunduin ako." Iritadong sabi ko sa pinsan ko.
Narinig ko siyang nagsasalita sa kabilang linya ngunit wala na ang aking atensyon sa kaniya. Ang mga mata ko ay nakafocus sa lalaking naglalakad papunta sakin.
Anong ginagawa niya rito?
Nakasuot siya ng itim na T-shirt at pants. May nakaharang na salamin sa mga mata niya ngunit alam kong sa akin siya nakatingin.
Napaawang nang bahagya ang labi ko nang huminto siya sa aking harapan.
"Welcome back, Sandy."
Napako ako sa aking kinatatayuan at patuloy na nakatingin sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang sunglasses at sinabit iyon sa kanyang damit. Ang mga mata ay nakatingin lamang sakin at may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
"Siya ang nagpumilit na sumundo sa'yo. Di ko na napigilan, sorry." Rinig kong sabi ni Rose. Hindi ko namalayan na di ko pa pala naibababa ang call. Pinatay ko ito at ibinalik ang phone ko sa bag.
"Bakit ka nandito?" Iyan lamang ang nasabi ko habang sumusunod sa kanya. Kinuha niya na kasi ang aking mga bagahe at nilagay ito sa loob ng sasakyan niya.
"I'm taking you with me. Marami tayong dapat pag-usapan. Enough running away, Sandy." Aniya at sinara ang trunk ng sasakyan.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya at hinintay siyang makapasok. Isang salita lamang ang naglalaro sa isipan ko ngayon.
Shit!
Comments (0)
See all