Isang Kwento ng Pagmamahal na Hindi Inangkin, Pero Totoo.
Para sa lahat ng minahal nang tahimik, totoo, at walang hinihinging kapalit.
Sa mga puso na piniling hindi ipaglaban—pero hindi rin iniwan.
At para sa kanya...
Kung alam mong ikaw 'yon—salamat.
Nahanap kita sa buhay na ito.
Kaunting mensahe sa mga mambabasa:
Naisip kong gumawa naman ng kwento na gamit ang aming wika.
Hirap na rin kasi ako mag-Ingles.
At saka...
Mas gusto ko sanang ilahad ang kwentong ito na parang kwentuhan lang sa gabi—habang nakaupo sa baywalk, may hawak na kape, at may kasamang tahimik na buntong-hininga.
Kung nandito ka para sa kwentong di kailangang sumigaw para maramdaman...salamat.
Kasi ito 'yon.
Wala kang mababasang halikan dito.
Walang iwananan ng asawa.
Walang eskandalo.
Pero baka may matagal ka nang damdamin na naririnig sa pagitan ng katahimikan. At nais mo lang maranasan na ilabas ang damdaming 'yon— kahit lamang sa pagbabasa ng isang kwentong kathang-isip gaya nito.
KAHIT SA BATANES
Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na.
Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog.
Ngunit si Celina ay hindi rin buo.
Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya.
Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon.
Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan.
Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa.
Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang...
Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam.
KAHIT SA BATANES
Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.
Comments (0)
See all