Ang Ultimate Freedom Online o mas kilala sa tawag na UFO ay isang proyektong nilikha para sa ikasisiya ng lahat ng gamers. Ito na ang pinaka-engrandeng laro na pwede mong makita sa internet.
Sa oras na mag-login ka na ng iyong account, magtatanong agad ang laro ng gusto mong IGN o in-game name, at ng nais mong maging Unique Class na ikaw lang ang pwedeng magkaroon.
Kagaya nalang ng account ko, ako nga pala si Dylan at sa sobrang pag-iisip ko ng astig na pwedeng gamiting pangalan ng character ko, di ko na namalayan na Dylan din ang nailagay kong IGN. Sobrang bano di ba? Pero hinayaan ko nalang kahit libre ko sanang marerename yung IGN ko dahil ako ang main developer at project head ng UFO. Pero syempre hindi alam yon ng lahat dahil kahit isearch mo sa internet kung sino talaga ang pasimuno ng laro, company name at mga sponsor namen ang mahahanap mo. Mas importante pa rin sa akin na maging totoo ang pangarap kong laro kesa sa pagsikat ng pangalan ko. #Bayani yata to para sa mga kapwa ko gamers na umay na sa paulit-ulit at boring na laro.
Pero balik tayo sa Unique Class, ang inilagay ko para sa character ko ay Chaotic Battlemage. Kung bakit iyon ang pinili ko ay sa kadahilanan gusto ko lagi sumali sa kaguluhan, at ayaw ko sa mage na bato lang ng bato ng skills sa malayong distansya.
Isang araw, matapos ang sobrang laki naming update para sa UFO. Nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan sa pantry at may order na pagkain ang mga big boss ng company.
"Great job guys! Siguradong mababaliw na naman sa tuwa ang mga gamers sa lupit ng mga idinagdag nating features. Cheers to our continuous success! Kahit ako excited na subukan yung mga bagong pakulo ng UFO, ang #1 game sa buong mundo!" wika ng isa sa mga big boss namin.
"At syempre guys wag natin kalimutan kung sino ang utak at ang siya ring ama ng sobrang successful na game na ito, walang iba kundi si sir Dylan. Ibaba muna natin ang ating mga iniinom at bigyan siya ng masigabong palakpakan!" dagdag pa ng isa naming boss.
"Thank you po mga sir! Pero gusto ko rin sana pasalamatan lahat ng mga Programmers ng ating company para sa walang sawang pagbubuhos ng kanilang mga kakayahan sa araw-araw. Lalo na at sobrang bigat ng huling update na tinapos nating lahat, pakiramdam ko nga tiangge na ang mga isip nila sa dami ng mura. Pero kidding aside, maraming salamat at nagawa natin lahat ng kailangan para sa update. Cheers para sa ating lahat." yan ang nasabi ko para mawala agad sa akin ang atensyon ng lahat.
Matapos ang kasiyahan ay dumiretso na ako sa kwarto para matulog. Ilang araw na rin akong puyat, buwan na nga yata. Ah basta, pagod ako at bigla na lang nagcollapse sa antok.
Napansin ko ang biglang buhos ng ulan sa labas na may kasamang malalakas na kulog at matatalim na kidlat na lalong nagpabilis sa pagbagsak ng aking katawan at sa isang saglit lamang ay nakatulog na ako.
Comments (0)
See all