Chapter One Part I: The Bully
Sunod sunod na mararahas na pagkatok ang narinig ni Reileigh mula sa pinto ng kaniyang silid. Alam niyang hindi ito isa sa kanilang mga butler or maid kaya ibig sabihin yung batang Blaise na iyon ang malamang na kumakatok kaya hindi na siya nag-abala pang pansinin ito. Pinagpatuloy na lang niya ang kaniyang pagbabasa, tutal ay tiyak na mapapagod at titigil din naman ito sa pagkatok. Isa pa, wala naman siyang planong makipagkaibigan dito.
Hindi nga siya nagkamali dahil ilang saglit lang ay tumigil din ang mga pagkatok. Pero ang hindi niya inaasahan ay nang marahas na magbukas bigla ang pinto ng kaniyang silid at isang galit na galit na Blaise ang pumasok mula rito.
" Sinong nagbigay ng susi sa iyo? " ang naiiritang tanong ni Reileigh kay Blaise.
" Tsk. Kanina pa ako kumakatok, bakit hindi mo ako pinagbubukasan ha? " ang maangas namang balik na tanong nito sa kaniya.
" Bakit naman kita pagbubuksan? Sino ka ba? Hindi naman tayo close. Isa pa, wala akong ibang pinapapasok dito. " ang maangas din niyang balik na tanong rito.
Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Blaise. Tapos ay pinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib sabay ngisi sa kaniya.
" Hindi mo narinig ang sinabi ng Mama mo? Dapat daw, magturingan tayo na magkapatid. " ang sabi pa nito sa kaniya.
" So? Anong pakielam ko dun? Umalis ka na nga lang kung wala ka namang kailangan. Iniistorbo mo ang pagbabasa ko. " ang malamig at masungit niyang pagtataboy dito saka muling ibinalik ang paningin sa librong binabasa niya.
Napasinghap naman siya sa gulat nang bigla at marahas mawala ang librong binabasa niya mula sa kaniyang mga kamay. Kinuha pala ito ni Blaise saka pabalag na itapon sa kung saan.
" Anong- Bakit mo ginawa yun! " ang inis niyang sigaw dito.
'Anong karapatan nitong ganunin ang libro? Patay talaga siya sa akin kapag may nakita akong sira doon!' Ang inis niyang hayag sa sarili.
" Maglaro tayo. " ang saad at pagbalewala naman nito sa sinabi niya na animo'y walang narinig.
Hindi naman siya makapaniwalang napatingin dito.
'What?! Ginulo niya lang ako para lang ayaing maglaro? Ano ba sa salitang hindi kami close ang hindi nito maunawaan?' Ang naiiritang saad niya sa sarili habang matalim na nakatingin kay Blaise.
" Ayoko. Maglaro ka mag-isa. " ang pagsusungit niya rito saka siya tumayo para sana kunin uli ang libro niya nang bigla siya nitong hatakin sa kaniyang kanang braso at saka dire-diretsong hinila palabas ng silid.
" Nababagot na akong maglaro mag-isa. Tutal trabaho naman ng pamilya niyong alagaan ako, dapat ay aliwin mo ako. Kung hindi ay magsusumbong ako sa Mommy kong binabalewala niyo lang ako rito. " ang mala amo nitong saad sa kaniya na ikinainis naman niya.
'Spoild brat! Grr! Akala naman niya natatakot ako.' ang inis niyang komento sa kaniyang isip.
" Edi magsumbong ka! " ang asik niya rito sabay bawi nang malakas sa kaniyang brasong hatak hatak nito dahilan upang marahas itong matumba sa sahig.
Gulat naman itong napatingin sa kaniya, siguro ay ngayon lang may lumaban dito. Sinamaan lang naman niya ito ng tingin saka uli naglakad pabalik sa kaniyang kuwarto. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo nang isang katawan ang malakas na tumama sa kaniya dahilan upang matumba sila pareho sa malamig na sahig ng pasilyo.
" Argh! Ano bang ginagawa mo?! Bitiwan mo nga ako?! Ano ba?! Blaise! " ang sigaw ni Reileigh habang nagpupumilit na kumawala mula sa ilalim ni Blaise at sa mahigpit nitong pagkakayakap sa bewang niya.
" Hah! Matapang ka pala ha? Akala ko pa naman isa ka lang nerd at uhuging bata sa school. Pero tutal marunong ka naman palang lumaban edi magkasubukan tayo! " ang hamon nito sa kaniya habang pilit siya nitong pinipiin sa sahig na nauwi naman sa pagrarambulan nila.
Sa ganung posisyon sila naabutan ng mama ni Reileigh na kakauwi lamang mula sa isang event. Agad tumaas ang kilay nito at tumalim ang tingin sa kanila.
" Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin. " ang walang emosyong utos nito sa kanila.
Agad naman silang tumayo at inayos ang sarili habang sinusundan nila si Mrs. Santiago.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sa opisina ni Mrs. Santaigo.
" Ano iyong nakita ko kanina huh? Nag-aaway ba kayo? Hindi ba't sinabi kong magturingan kayong magkapatid dahil matagal din kayong magsasama? " ang malamig na turan nito sa dalawang batang nakaupo sa harap ng kaniyang mesa habang nakaharap sa isa't isa.
" Hindi po. " ang magalang na sagot ng dalawa.
" Ganun ba? So, ano yung nakita ko kanina? At huwag niyong sasabihing naglalaro lang kayo dahil dinig na dinig ko ang sigawan niyo. " ang mataray nitong pagtatanong.
Kapwa naman napalunok ang dalawang bata. Balak na sanang magpaliwanag ni Reileigh ng unahan siya ni Blaise.
" Inaaya ko lang po siyang makipaglaro sa akin ng video games pero ayaw niya po ma'am, tinulak niya ako kaya gumanti lang po ako. " ang edited na paliwanag nito saka palihim na nginisihan si Reileigh na ikinatalim naman ng tingin ng isa.
" Siya naman po ang unang nanggulo, nagbabasa ako nung bigla na lang siyang pumasok sa kuwarto ko at saka ako hinila palab- "
" Tahimik. " ang malamig na pagputol sa kaniya ng ina dahilan upang mapatingin siya rito. Pero agad din siyang napaiwas ng tingin nang makita niya ang galit sa mga mata nito.
Palihim siyang napakuyom ng kamao dahil alam niyang hindi na naman siya ang papanigan ng kaniyang ina.
" Palagi na lang ba ganito Reileigh? Ilang beses ko na bang sinabi sa'yong bawas bawasan mo iyang pagbabasa mo at makihalubilo ka naman sa iba? Pero ano? Sa tuwing may makikipagkaibigan sa iyo palagi na lang ganito? Kapag nangyari pa uli ito, ako na ang nagsasabi sa iyo, lahat ng mga libro mo maliban sa mga study books mo ay kukunin ko. Lahat ng mga collections mo. Maliwanag ba? " ang kalmado nitong paalala sa kaniya subalit isang tingin lamang sa mga mata nito ay alam na kaagad ni Reileigh kung ano ba talaga ang nais nitong ipahiwatig.
'Isang reklamo pa ang narinig nito mula sa batang Alvarez ay mapapahamak ang mga pinakakamal niyang libro.'
Kaya labag man sa loob ay napilitan siyang sumang-ayon.
" Maliwanag po. " ang mahina't tipid niyang sagot.
" O siya, siya, maglaro na kayong dalawa at ayoko nang maulit pang muli ito, nagkakaintindihan ba tayo? "
" Opo. " ang sagot nilang dalawa saka sila sabay na lumabas sa opisinang iyon.
Paglabas nila ay isang nang iinis na ngisi ang nakaguhit sa mga labi ni Blaise habang nakaakbay sa balikat ni Reileigh na matalim namang nakatingin sa kaniya pero wala itong ginawa upang tanggalin ang pagkaka akbay nito sa kaniya.
" Kung sumunod ka na lang sana kaagad sa gusto ko edi sana hindi na humantong pa sa ganito. " ang nakangising demonyong sumbat nito sa kaniya.
Ngayon na talaga napapatunayan ni Reileigh kung gaano talaga ka-bully ang isang Blaise Alvarez.
Note: First two chapters ay tungkol sa kabataan nila, sa chapter three pa mag-uumpisa ang love story nila.
Next Update: Monday.
Thanks for reading ^.^
~~~~Raica Kaihawa
Comments (0)
See all