Here's the part two guys!
Chapter One Part II: The Bully
Mula noong araw na dumating sa bahay nila si Blaise ay hindi na natahimik ang mundo niya. Bihira na nga lang din siyang makapagbasa dahil palagi na lang siyang ginugulo ni Blaise o inaayang maglaro nito ng mga video games na wala naman siyang kagana ganang laruin. Ano bang maganda sa mga barilan, sapakan o dota o ano pa mang nilalaro nito. Wala naman, mas gusto niya pang manood ng mga tungkol sa bituin at kalawakan kaysa ang maglaro ng mga ganun. Tuwang tuwa naman ang isa dahil palagi itong nananalo laban sa kaniya. Ang isa niya pang ikina iinis ay ang mga butler at maid nitong mga nagsidatingan noong nakaraang araw kaya halos mapuno tuloy ang mansyon nila sa dami ng mga bagong tauhan na dumagdag.
Hindi na tuloy siya makapaghintay na magpasukan na, nang makalayo rin siya sa wakas sa pasaway na Blaise na iyon. Nakakasigurado naman siyang hindi siya lalapitan nito sa kanilang eskuwelahan dahil sa reputasyon nito. Sikat ito at outcast siya. Tiyak siyang hini ito lalapit sa isang tulad niyang outcast ng school.
Sa ngayon ay kasalukuyan niyang pinagtataguan si Blaise, nasa pinakadulo siya ng teritoryo ng kanilang lupain at malapit na sa bakurang pader nila. Nakaupo siya sa isang matabang sanga ng isang puno at doon ay tahimik at malayang nakakapagbasa siya. Bukod din sa tahimik at presko ang hangin doon ay walang maingay at makulit na Blaise ang nanggugulo sa kaniya.
Subalit, sa kalagitnaan ng kaniyang pagbabasa ay isang bola ng basketball ang biglang tumama sa mukha niya dahilan upang magulat siya at kamuntik pang malaglag. Galit ang mga matang hinanap niya kung sino'ng bumato sa kaniya nun kahit na ba alam na niya kung sino ang pangahas na ito. Tama nga siya ng hinala dahil sa ibaba niya ay nakita niya ang nakangisi at nakapamulsang si Blaise habang nakatingin sa kaniya.
" Loko ka ah! Muntik na akong mahulog! Anong gagawin mo kung nahulog ako hah? Hindi ka ba nag-iisip? " ang inis niyang sabi rito.
Hindi naman siya pinansin nito bagkus ay muli nitong kinuha ang bolang ipinangbato nito sa kaniya.
" Hoy! Aba't ang sama talaga ng ugali mo noh? "
" Tss. Yan ang napala mo dahil sa pag-iwas ang pagtatago mo sa akin. Akala mo ba talaga eh matataguan mo ako Lei? " ang inis din nitong sabi sa kaniya.
Napabuntong hininga na lang siya saka sinamaan ito ng tingin. Wala na talaga siyang masabi sa batang ito. Magbabasa na lang sana uli siya nang muli siya nitong batuhin, sa pagkataong ito ay ang libro naman niya ang pinuntirya nito dahilan upang mahulog iyon.
" Argg! Blaise! " ang inis niyang sigaw dito.
Ito pa lang ata ang nag-iisang taong mayroong kakayahang ubusin ang pasensya niya sa loob lang ng ilang minuto.
" Bumababa ka diyan at maglalaro tayo ng basketball. " ang utos ng kamahalan sa kaniya.
Sinamaan naman niya ito nang tingin saka humalukipkip.
" Hindi ako marunong. "
" So? Edi tuturuan kita. Dali! Bumaba ka na riyan o baka gusto mong sirain ko 'tong libro mo. " ang utos at pagbabanta pa nito.
Nilapitan pa nito ang nahulog niyang libro at akmang aapakan pa nito iyon, na ikinalaki naman ng kaniyang mga mata.
" Oo na! Oo na! Baba na po kamahalan! Naku subukan mo lang apakan niya at yari ka talaga sa akin! " ang naiirita niyang banta rito.
Napangisi naman ito sa kaniya.
" Tss.. Sa susunod na taguan mo pa ako, aabutan mong sira sira na yang mga libro mo dun sa kuwarto mo. " ang pagbabanta pa nito na ikinabahala naman niya.
" Subukan mo lang. " ang banta rin niya rito.
" Talaga. " ang paghahamon pa nito.
Nang sa wakas ay makababa na siya sa lupa ay mabilis siya nitong inakbayan sa kaniyang balikat at nakangising iginaya papunta sa isang maliit na basketball court malapit sa kanilang mansyon.
Sa basketball court.
Isang malakas na paghalakhak ang umalingawngaw mula rito. Hindi kasi mapigilan ni Blaise na mapatawa nang malakas at halos maubusan na siya nang hangin sa kakatawa dahil kay Reileigh. Nakabusangot naman ang mukha ni Reileigh na muling pinulot ang bola ng basketball. Halos hindi kasi umabot sa kalahati ang bola ng basketball nang subukan niya itong ibato papasok sa ring, partida, napakalapit na niya roon.
" Tumigil ka nga! Ang taas kaya. " ang angil niya sa huhahaglpak na sa tawang si Blaise.
Totoo naman, halos wala pa siya sa kalahati ng taas ng ring. Mas lalo namang tumawa si Blaise dahil sa sinabi niya.
" Ang liit liit mo kasi. " ang pang aalaska pa nito.
'Wow. Makalait eh halos magkasingtakad lang naman kami.' ang yamot niyang sabi sa kaniyang isipan.
Pabalibag niyang ibinato ang bola sa direksyon ni Blaise saka niya ito iniwan.
" Pikon lang Lei? Woy! Sandali lang! " ang pang-aalaska at natatawang paghabol pa nito sa kaniya.
Hindi naman niya ito pinansin at nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad, subalit naabutan naman siya nito at muling inakbayan sa kaniyang balikat. Ginulo pa nito ang kaniyang buhok at muli siyang inasar na bansot.
Pagkarating nila sa mansyon ay dagli silang sinalubong ng mga maids at inasikaso sila. Pero hindi sila pinansin ni Reileigh habang inutusan naman sila ni Blaise na magdala ng makakain sa kuwarto niya. Gustuhin man ni Reileigh na sa kuwarto niya tumuloy ay wala naman siyang nagawa noong hatakin siya ni Blaise patungo sa kuwarto nito. Napabuntong hininga na lang siya habang walang gana na pinagpipindot ang hawak niyang controller at bored ba nakatingin sa tv screen.
Hindi na talaga siya makapaghintay na magpasukan na. Dahil kaunti na lang ay baka mabaliw na siya sa sobrang pagkainis sa batang kasalukuyang katabi niya sa kama nito.
~~~~Raica Kaihawa
So, starting tomorrow full chapter na ang iu-upload. Medyo nagbago kasi ang flow ng story na sobrang makakaapekto sa time line ng story kong ito. Mas gusto ko kasi munang i-build ang friendship nila bago ko simulan ang kanilang love story. Probably yung first four to five chapters ay tungkol sa childhood muna nila.
Thanks for reading! :)
Comments (0)
See all