Chapter Two Part I: Boy, you're in trouble
Sa wakas, pasukan na. Dumating na rin ang araw na pinanabikan ni Reileigh, dahil sa wakas kasi ay mayroon na siyang pagkakataon na makalayo mula kay Blaise. Iyon ang akala niya.
"Lei!" ang malapad na ngiting salubong sa kaniya ni Blaise nang buksan niya ang pinto ng kaniyang kuwarto.
Walang emosyon naman niya itong tinignan sabay sukbit nang kaniyang backpack sa kaniyang likod.
"Ano na naman ang kailangan mo?" ang malamig niyang tugon kay Blaise.
Inisahang hakbang naman siya nito sabay akbay sa kaniyang balikat. Naka uniform na rin ito katulad niya. Isang light blue na polong may pulang ribon sa kuwelyo, itim na shorts at halos kumikinang na sa kintab ang suot nitong itim na sapatos.
"Syempre, ano pa ba. Sabay tayong papasok noh."
"Mauna ka na lang, magbibisikleta na lang ako papasok, tutal, malapit lang naman ang school natin." ang malamig niya pa ring sagot dito.
Naramdaman naman niya bigla na humigpit ang pagkaka-akbay nito sa kaniya, ngunit hindi na lamang niya iyon pinuna.
"Hindi pwede. Kailangang sabay tayo. Isa pa, parehas naman tayo ng section. Grade Four Dahlia ka rin hindi ba?"
'What? Magkaklase kami? Ano ba 'yan.' ang paghihimutok niya sa kaniyang sarili pero sa labas ay pinanatili niyang wala siyang pakielam sa sinabi nito.
"Ano naman? Hindi naman ibig sabihin nun eh kailangang sabay na tayong pumasok. Isa pa, ang aga-aga pa noh." sagot niya pa sabay tanggal sa braso nitong naka-akbay sa kaniyang balikat ngunit muli lang naman siya nitong inakbayan.
"Sino ba ang nasusunod sa'ting dalawa, ha?" ang maangas nitong tanong na nagpatahimik naman sa kaniya.
"Ano? Sumagot ka ngayon." ang pag-uudyok pa nito.
Hindi niya ito sinagot at napatingin na lang siya sa kaliwa niya na mayroong naiinis na ekpresyon sa mukha.
'Nasunod na naman ang hari.' ang inis niyang sabi sa sarili.
Sa loob ng limousine na pagmamay-ari ng pamilya nila Blaise ay tahimik lang na nakatanaw sa labas at nakasandal sa bintana ng sasakyan si Reileigh. Si Blaise naman ay abala sa paglalaro ng video games sa cellphone na hawak nito. Makalipas lang ng mahigit kumulang limang minuto ay narating na rin nila ang malaking kulay asul na gate ng Harold S. Academy. Doon palang ay bubungad na kaagad ang isang napakalaking puno ng acaica na sinasabing mahigit dalawang daang taon na ang tanda.
Naroon na kasi iyon bago pa man maitayo ang eskwelahang nila at ang sabi sabi, mayroon daw elementong nakatira doon kaya noong subukan itong putulin dati ay hindi magawa. Nasisira lang ang lahat ng bagay na ginagamit upang maputol iyon, kaya naisip na lang ng nagpatayo ng eskuwelahan nila na huwag iyon putulin at sa halip ay pinabago na lang nito ang unang estraktura at desenyo ng kanilang paaralan.
Sa ngayon ay nakatayo ito sa gitna ng kanilang paaralan at binabakuran ng mga naggagandahang mga pulang bulaklak ng Santan Flower. Hindi naman sila natatakot doon dahil mayroong paniniwala rin ang kumalat sa kanilang paaralan, na isang mabuting elemento ang nakatira doon na siyang nagsilbi na ring tagabantay ng kanilang paaralan.
Matapos mai-park ni Mang Ronald, ang kanilang driver, ang limousine na sinasakyan nila ay agad na bumaba si Blaise habang siya naman ay nanatili muna sa loob at hinintay na mauna munang umalis si Blaise. Ayaw niya itong makasabay. Period. Pero mukha wala talaga siyang takas mula rito, dahil nang mapansin nitong wala siyang balak na bumaba ay inis nitong tinungo ang parte ng sasakyan kung nasaan siya at walang anu-anong binuksan ang pinto, saka siya nito hinila palabas.
"Akala mo, matatakasan mo naman ako ha." ang sabi nito sa kaniya habang mahigpit na hawak ang kaniyang braso.
Marahas naman niya iyong binawi.
"Ano ba'ng problema mo ha? Wala na tayo sa bahay kaya pwede ba, lubayan mo na ako? Eh sa ayokong kasabay ka eh! Bakit ka ba namimilit?" ang napipikon nang sabi ni Reileigh kay Blaise.
"Eh sa gusto ko eh. May magagawa ka ba?" ang mapanghamon naman nitong sagot.
Sa inis naman niya ay malakas niya itong itinulak dahilan upang mapaupo ito sa sementong lupa. Agad naman itong tumayo at itinulak din siya nang malakas dahilan naman upang tumama siya sa sasakyan, mabuti na lang at nakuha niya kaagad ang kaniyang balanse kung kaya hindi ganun kalakas ang naging impak sa kaniya nang pagtama.
Sinamaan naman niya nang tingin si Blaise, ganun din naman ito sa kaniya.
" Ikaw! " ang sigaw niya sabay sugod dito.
Sinalubong naman siya nito at kapwa sila natumba sa sementadong lupa. Nasa ibabaw siya at mahigpit na hinawakan sa kuwelyo si Blaise, bumawi naman ito at hinawakan rin siya sa kaniyang kuwelyo saka pinagpalit ang kanilang puwesto. Nagpagulong gulong pa sila at palitan nang puwesto habang pilit na sinusubukang sapakin ang isa't isa. Agad naman silang pinaghiwalay ni Mang Ronald at dalawang guard pa ng paaralan. Kapwa sila may mga galos sa katawan at mukha habang matatalim ang mga tingin ipinupukol nila sa isa't isa nang sa wakas ay mapaghiwalay at maitayo sila ng mga umawat sa kanila.
Dahil naman doon, sa unang araw nang pasukan ay napatawag kaagad sila sa guidance office.
Guidance office.
Nakabusangot pareho ang mukha ng dalawang bata habang magkaharap silang nakaupo sa magkaibang upuan sa harap ng lamesa ni Mrs. Lumagpit, na siyang guidance councilor ng paaralan.
"Pwede niyo bang ipaliwanag sa akin kung bakit unang araw nang pasukan ay gumawa kaagad kayo ng gulo?" ang mariing tanong ni Mrs. Lumagpit kina Blaise at Reileigh.
"Siya po kasi eh!" ang halos sabay naman nilang sagot sabay belat sa isa't isa.
Napailing na lang si Mrs. Lumagpit at muli silang tinanong. Kinuwento naman ni Reileigh ang nangyari.
"Dahil lang gusto kang makasabay pumasok nitong si Blaise ay nangyari ang lahat ng gulong ito, ganun ba?" ang kalmadong tanong nito kay Reileigh matapos nitong magsalaysay.
"Opo."
"Bakit mo naman ayaw siyang makasabay?" ang pag-uusisa pa nito.
Natahimik naman si Reileigh at nag-isip nang idadahilan.
"Pupunta po sana muna ako sa library para magbasa." ang naisagot niya na lamang.
"Sinabi mo naman ba ito sa kaniya?"
"Hindi po Ma'am." ang mariing singit naman bigla ni Blaise dahilan upang tignan siya nang hindi natutuwa ni Mrs. Lumagpit.
Napayuko naman si Blaise at bumulong bulong.
"Ipinaliwanag mo ba ito sa kaniya iho?" ang muling tanong niya kay Reileigh.
Tanging pag-iling lang ang isinagot ni Reileigh
"Ok." ang sabi nito bago bumaling ang attensyon kay Blaise dahilan upang kabahan naman ang isa.
"Ikaw naman, bakit mo naman siya pinipilit na sumabay sa iyo sa pagpasok? Gayong ayaw naman pala niya." ang nang-uusisang tanong pa ni Mrs. Lumagpit.
Hindi naman nakasagot si Blaise dahil wala itong maisip na isagot. Hindi rin niya alam kung bakit gusto niya itong laging kasama, kaya pinili na lang niyang huwag sumagot.
Napabuntong hininga naman si Mrs. Lumagpit nang mukhang wala talagang balak sumagot si Blaise.
"Pasensya na mga iho, pero kailangan ko itong ipaalam sa mga guardian niyo."
Kapwa napalunok ang dalawang bata sa kanilang narinig.
'Yari.' ang sa isip nilang dalawa.
~~~~Raica Kaihawa
New Update Schedule: Every night at 6 pm.
All right, I change my mind, araw-araw na akong mag-u-update rito, pero part I and part II, kada chapter, dahil gusto ko rin itong ipasa as a light novel dun sa publishing company na gusto kong apply-an. After kong matapos ito.
Thank you for reading. :)
Comments (0)
See all