Chapter Two Part II: Boy, you're in trouble
Laking papasalamat na lang ni Reileigh na wala pareho ang kaniyang mga magulang sa araw na iyon, dahil kapwa abala ang mga ito sa kanilang mga trabaho at ilang araw pa bago sila makakauwi. Kung kaya't ang butler ng pamilya lang nila, na si Butler Arold, ang pumunta sa guidance office upang kausapin si Mrs. Lumagpit. Dahil naman sa kasalukuyang nasa kanilang pangangalaga si Blaise ay ligtas din ito mula sa mga magulang nito. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay hindi sila nakatanggap ng tawag at sermon mula sa kanilang mga ina.
Sa ngayon ay kakatapos lang ni Reileigh na gawin ang kaniyang mga assignment at plano ng magbasa ng isang libro na tinatalakay ang tungkol sa planetang Saturn. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kuwarto at pumasok na naman nang walang pahintulot si Blaise. Nagsalubong naman ang kaniyang mga kilay nang makita na naman niya ito.
" Ano na naman ba ha? " ang iritable niyang tanong habang naghihinalang nakatingin rito.
Isang malapad na ngiti naman ang itinugon nito sa kaniya dahilan upang mas lalo siyang maghinala rito.
"Hindi ba't mahilig ka sa mga stars?" ang nakangiti nitong sabi.
Kahit naghihinala man ay tumango pa rin siya. Bigla naman itong tumakbo pasampa sa kaniyang kama, dahil nasa pinakasulok siya katabi ng pader ay hindi kaagad siya nito gawang hilahin. Matapos nitong makalapit sa kaniya ay agad din siya nitong hinila sa kaniyang braso at hinila palabas, hawak hawak niya pa rin ang librong binabasa niya sa kaniyang kaliwang kamay habang nagpapatianod siya kay Blaise. Dinala siya nito sa kuwarto nito at doon niya nakita ang isang napaka gandang bagay.
" Woah! Panong- bakit may ganito ka? " ang hindi niya makapaniwalang tanong kay Blaise.
Sa kama kasi nito ay nakakalat ang hindi pa na a-assemble na mamahalin at magandang modelo ng telescope.
" Pinadala kanina ni Daddy, nakuwento ko kasi kung gaano ka kanerd sa mga butuin kaya ayan binilhan niya ako para daw magkasundo tayo. " ang mayabang at nakangiting kwento nito.
Nagtila anghel naman bigla sa paningin niya si Blaise dahil ipinakita nito ito sa kaniya. Matagal na kasi niyang pangarap na magkaroon ng ganito pero ayaw lang ng kaniyang mama, baka lang daw mas lalo siyang mahumaling sa mga walang kwentang bagay.
" Ayoko naman dyan kaya ibibigay ko na lang sa'yo.." ang sabi pa nito.
Lalo namang nagliwanag at kumislap kislap sa paningin niya si Blaise, akmang yayakapin niya sana ito nang bigla na naman itong tubuan ng mga sungay sa noo.
" Pero syempre may kapalit noh. " ang nakangising dagdag nito.
Napabuntong hininga naman siya bigla dahil gustong gusto niya talaga yung telescope, sayang naman kung ang demonyong Blaise lang na ito ang gagamit or worst baka itapon lang pa nito iyon.
" At ano naman yun? "
Napangiti naman ito ng kakaiba.
" Malalaman mo rin bukas. " ang pamisteryosong sagot nito na nagpataas ng mga balahibo niya sa katawan.
Pakiramdaman niya kasi ay isinangkot niya ang sarili sa isang malaking gulo. Napaisip siya tuloy kung papayag ba siya o hindi at kalimutan na lang niya ang tungkol sa telescope? Pero hindi niya kasi gusto ang nanaramdaman niya sa nais nitong hingin kapalit sa kaniya kaya.... Huwag na lang siguro.
" So ano? Payag ka? "
" Ayoko na lang. " ang sagot niya na nagpawala naman sa mga ngiti nito sa labi.
" Sino naman ang may sabing pwede kang tumanggi? " ang maangas nitong tanong.
Nag-init naman bigla ang ulo niya.
'Aba't loko 'to ah. Nagtanong pa, wala naman pala akong choice. Buwisit. Yabang talaga!' ang inis niyang saad sa sarili bago niya kinalma ang sarili dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan ang galit niya.
" Wala naman pala akong choice, bakit nagtanong ka pa? " ang sarkastiko niyang sagot.
" Sinasabi ko lang. " ang hirit pa nito.
" Oo na, oo na, kamahalan. Masaya ka na? " ang iritable niyang sabi sabay akmang lalabas sana nang pigilan siya nito.
" At saan ka pupunta? " ang parang tangang tanong nito.
" Sa kuwarto ko, saan pa ba? " ang sarkastiko niyang sagot.
" Hindi. Dito ka matutulog. "
" Ano? Bakit naman ako dito matutulog? Ayoko ngang katabi ka. "
Lalabas na sana uli siya nang pigilan na naman siya nito.
" Ano ba Blaise?! Naiinis na naman ako sa'yo ah! "
" Tsk. Sinabing dito ka matutulog eh. " ang inis nitong sabi sabay hila sa kaniya papunta sa kama nito, kamuntik pa nga niyang madagaan yung telescope nang bigla siya nitong itulak pahiga doon.
" Dito ka matutulog o wawasakin ko ito. " ang banta nito sabay turo sa telescope na nasa gilid niya, sinamaan naman niya ito ng tingin.
'Napaka spoiled talaga! Lahat na lang gusto, siya ang masunod! Ano naman ba ang mapapala niya kapah dito ako natulog?! Naku!' ang inis na inis niyang sabi sa sarili.
" Diyan ka lang. Maliligo lang ako. Kapag hindi kita naabutan dito, yari ka talaga sa akin. " ang utos at banta pa nito sa kaniya.
Inirapan niya na lang ito't hindi pinansin. Tinitigan pa siya nito ng ilang segundo bago pumasok sa banyo nito. Inabala naman niya ang sarili niya sa pagligpit ng telescope. Naisip niya pang umalis na lang pero nagbago din agad ang isip niya dahil baka ano na lang ang gawin nito. Pero ipinapangako niya sa kaniyang sarili na, makakaganti rin siya rito.
~~~~Raica Kaihawa
Thank you for reading.
Comments (0)
See all