Both chapter three part I and II ang in-upload ko po ngayon.
Salamat sa paghihintay.
Chapter Three Part II: Mad
Binabagabag pa rin si Reileigh kung bakit ayaw ni Blaise na sumali sa basketball team gayong mahusay naman ito, kaya hindi na niya natiis at tinanong na niya ito habang naglalakad na sila pauwi at patungo na ngayon sa parking lot ng school.
"Bakit nga pala ayaw mong sumali sa kanila kanina? Eh mahusay ka namang maglaro ah." ang nakapamulsa niyang tanong.
Napansin naman niyang natensyon ang mga balikat nito.
"Ano ba'ng pakielam mo? Eh sa ayoko, may magagawa ka ba?" ang masungit nitong sagot sa kaniya.
'Tsk. Nagtatanong lang eh.' ang inis niyang sabi sa sarili.
"Tss. Edi wag mong sagutin." ang inis din niyang sagot saka siya nagpatiuna sa paglalakad.
Tahimik lang silang dalawa habang nakasakay sa limousine, na bahagya namang ikinaiilang ni Reileigh. Hindi kasi siya sanay na tahimik o walang ginagawa si Blaise, hindi siya sanay makita itong tahimik at walang emosyong nakatanaw lang sa labas ng sasakyan. Nakakapanibago. Pero wala naman siyang ginawa upang kausapin ito. Hanggang sa makarating na sila sa kanilang mansyon ay wala ni isang salita ang namutawi sa kanilang dalawa.
Bahagya naman siyang natuwa dahil sa wakas ay nagkaroon din ng katahimikan ang buhay niya, na sa wakas ay makakapagbasa na uli siya ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Tinapos niya muna ang isa niyang assignment sa Filipino bago siya mag-umpisang magbasa.
Kinabukasan.
"Hoy." ang masungit na bungad sa kaniya ni Blaise paglabas niya ng kaniyang silid.
Napabuntong hininga naman siya. Mukhang sandali lang ang kapayapaan at katahimikan niyang natamo kagabi.
"Bakit?" ang tanong niya rin.
Napa cross arm naman ito at matalim na tumingin sa kaniya.
'Ano na naman ang kasalanan ko sa kaniya?'
"Anong bakit? Akala mo nakakalimutan ko na ha." ang sabi nito na hindi naman niya naiintindihan.
"Nakalimutan ang alin?"
"Yung kapalit ng telescope." ang iritable nitong sabi.
"Oh." ang wala naman niyang emosyong reaksyon.
"Anong oh? Tsk. May ipapagawa ako sa iyo at kapag pumalpak ka, yari ka sa akin." ang sabi at banta nito.
"Oh, eh ano naman iyon?" ang tanong na lang niya.
"Ngayon papasok yung kapatid na lalaki nung nakaaway kong lalaki dati doon sa kabilang school. Gusto ko, sa lunch time ay kaibigan mo siya tapos dalhin mo dun sa C.R. malapit sa gym ng mga table tennis. Ako nang bahala pagkatapos." ang maangas nitong utos sa kaniya.
"Ano naman ang gagawin mo dun sa bata?" ang nanghihinalang tanong niya.
"Psh. Wala ka na dun."
"Ayoko."
"Ano?" ang hindi naman nito makapaniwalang tanong sa kaniya.
"Ayoko. Malamang ay sasaktan mo lang yung bata kahit naman hindi siya yung may kasalanan sa iyo. Kung gusto mo, ikaw ang gumawa. Wag mo akong maidamay damay sa mga kalokohan mo." ang inis niyang sabi rito.
Tumalim naman ang mga tingin nito sa kaniya't napakuyom ng mga kamao. Lumalim din ang paghinga nito, tanda na nagagalit ito sa kaniya. Inihanda naman niya ang kaniyang sarili kung sakali mang sugurin siya nito, pero sa halip ay tinalikuran lang siya nito at galit na nagmartsa palabas.
Sa sasakyan ay katahimikan na naman ang namutawi sa kanilang dalawa ganun rin noong makarating sila sa eskuwelahan, dahilan upang mapag-usapan na naman sila. Magkalayo kasi sila sa isa't habang naglalakad, di tulad nitong mga nakaraang araw na kung hindi ito nakaakbay sa kaniya ay panay naman ang kulit nito sa kaniya. Kung anu-anong bulung bulungan ang kaniyang naririnig na hindi naman niya pinapansin.
Lunch Break
"Mauna ka na sa Canteen, bilhan mo na rin ako ng pagkain at hintayin mo ako doon." ang utos ni Blaise sa kaniya bago siya nito iwanan sa classroom nila.
Napailing na lang siya at kinuha ang bag nitong iniwan lang nito basta, matapos niyang ligpitin ang mga gamit nila ay nagtungo na siya sa canteen. Mahigit kumulang dalawampu't minuto rin ang lumipas bago niya makitang pumasok ng canteen si Blaise. Agad naman siya nitong nakita't nakangiting lumapit sa kaniya, siya naman ay patapos na kumain nang mga sandaling iyon. Naghihinala naman niya itong tinignan nang umupo ito sa upuan kaharap niya. Nawala naman ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng nagtatakang ekpresyon ang makikita sa mukha nito.
"Bakit ganiyan ka matakatingin?" ang tanong nito.
"Anong ginawa mo? Tinuloy mo pa rin ba yung plano mo dun sa bata?" ang nang-uusig niyang tanong dito.
Kakaiba kasi ang mga ngiti nito kanina nang pumasok ito sa canteen.
"Eh bakit ka ba masyadong concern? Huwag ka mag-alala, binagyan ko lang ng welcome greeting yung bata." ang iritable naman nitong sabi sa kaniya.
"Ok. Sabi mo eh."
Mamaya na lang siguro niya aalamin, wala kasi siyang tiwala sa sinabi ni Blaise.
"Tss." ang tugon na lang nito saka nag-umpisang kumain.
Paalis na sana sila ng canteen nang may mahagip ang pandinig ni Reileigh.
"Ay. Grabe, kawawa talaga yung bata dun, alam ko kanina pa yun dun eh. Hindi pa siguro yun nakakakain." ang sabi ng isang batang babae na kakarating lang at umupo sa may bandang likuran nila.
"Oo nga eh. Balita ko, ngayon pa lang yun pumasok pero ganun kaagad yung nangyari sa kaniya."
Napatingin naman siya kay Blaise at nahuli niya itong nakangisi, nang mapatingin ito sa kaniya ay pinaningkitan niya ito ng mga mata. Napairap naman ito.
"Oh. Saan ka pupunta?" ang bigla nitong tanong nang mauna siyang maglakad.
"Edi hahanapin yung bata, ang sama mo talaga, hindi naman yun yung nakaaway mo ah." ang inis niyang sabi.
Hinabol naman siya nito at tinangkang pigilan.
"Huwag ka ngang nangingielam." ang iritableng sabi nito sabay hawak sa braso niya.
Pero kapwa naman sila napatigil nang makita nila di kalayuan ang isang batang lalaki na basang basa ang uniform at umiiyak habang akay akay ng isang janitor.
"Tss. Parang binasa lang, makaiyak wagas." ang naiiritang bulong naman ni Blaise sa tabi niya.
"Eh kung sayo kaya gawin yan." ang sabi naman niya sabay bawi sa braso niyang hawak nito.
"Aba, subukan lang nila at mayayari sila sa akin." ang maangas naman nitong sabi.
"Magbago ka nga. Akala mo ba nakakatuwa yan?!" ang pasigaw niyang sabi rito na dahil sa lakas ay nakaagaw na sila ng atensyon.
Dahil halos nasa entrance na sila ay natuon ang lahat ng mga mata sa kanila. Iniwan naman niyang tulala doon si Blaise.
~~~~Raica Kaihawa
Whaaa. Excited na akong lumaki sila. Hehe, kaunting tiis na lang guys :)
Comments (0)
See all