Chapter Four Part I: Friend Issue
Halos mag-iisang linggo nang hindi nagpapansinan sina Blaise at Reileigh mula noong mag-away silang dalawa sa canteen ng kanilang school. Hindi kasi talaga matiis ni Reileigh ang ugali nito lalo noong makita niyang mayroon itong binully na inosenteng bata. Si Blaise naman ay sa halip na humingi ng tawad ay pinaiiral ngayon ang kaniyang pride dahil kahit hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang nangyari.
"Magbago ka nga. Akala mo ba nakakatuwa yan?!" ang sigaw nito sa kaniya na ikinabigla naman niya.
Oo, madalas silang mag-away pero hindi niya pa ito nakitang ganito kagalit sa kaniya.
"Ganito na ako kaya wala ka nang magagawa. Isa pa, bakit naman ako magbabago ng dahil sa kaniya o sa'yo?" ang maangas naman niyang balik na sabi rito.
"Grabe, hindi talaga ako makapaniwala sa sama ng ugali mo! Hindi na ako magtataka kung bakit wala kang kaibigan." ang panunudyo nitong sabi sa kaniya na hindi naman niya nagustuhan.
"Anong ibig mong sabihin ha?!" ang pasigaw na rin niyang sabi at inambahan pa ito.
"Na ayokong makipagkaibigan sa taong tulad mo!"
"Edi wag! Akala mo naman kung sino ka?!" ang napipikon niyang sagot saka niya ito marahas na itinulak sa balikat nito.
Gumanti naman ito at itinulak din siya sa kaniyang balikat.
"At sino ka rin ba sa akala mo ha? Tingin mo ba talaga ay mag-aaksaya ako ng panahon para kaibiganin ka?" ang balik naman nito sa kaniya.
"Aba't sumosobra ka na ha! Baka gusto mo maranasan at malaman kung bakit ako sikat at kinakatakutan." ang pagmamayabang niya pa rito.
"Hah! Ano namang paki ko? Eh hindi naman ako takot sa iyo. Duwag ka naman eh, kaya bakit ako matatakot?"
Dahil tuluyan na siyang napikon sa pinagsasabi nito ay inambahan niya ito ng suntok pero nakaiwas ito. Nang susubukan niya sana uli ay tumunog naman ang bell kaya pumuputok ang butsi niyang iniwanan na lang si Reileigh doon. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo ay nilingon niya pa uli ito at pinagbantaan.
"Hindi pa tayo tapos."
Pero mula nang sandali na iyon ay hindi na silang dalawa muling nagpansinan. Lumipat na rin nang upuan si Blaise at sa harapan na ito nakaupo kung saan ay may ilang mga lalaki at babaeng sabik na makuha ang kaniyang atensyon. Nakikita naman ni Reileigh na madali lang ito nakahanap ng mga kaibigan kaya pinabayaan na lang niya. At least, ngayon ay tahimik na uli ang kaniyang buhay, nang medyo nga lang.
Mula kasi nang araw na iyon ay matatalim na mga tingin at bulung bulungan na ang sumasalubong sa kaniya sa kanilang paaralan. Laking pasasalamat na lang niya at hindi pa ito nakakarating sa kaniyang ina, na sa ngayon ay kasalukuyang nasa ibang bansa para sa clothing business nito.
Naka bisekletang pumasok ng school ngayon si Reileigh dahil iniwan siya nila Blaise at nauna ng pumasok, sabi naman ng mga maid ay pabalik na rin ang driver nila dahil kani-kanina pa naman na umalis ang mga ito. Pero hindi na niya inantay pa ito at nagbisekleta na lang siya.
Kasalukuyan niyang inaayos ang kaniyang bisekleta nang may mapansin siyang isang batang lalaki na hanggang balikat lang niya, sa tingin ay nasa grade two pa lang ito.
Silang dalawa na lang kasi ang nasa parking lot, malapit na rin kasi namang mag bell. Nasa gilid lang ito ng isang kotseng maliit na kulay itim na mayroong hello kitty, na naka park naman malapit sa parking space para sa mga motor at bisekleta. Medyo pamilyar ang mukha nito sa kaniya hanggang sa mapagtanto niyang ito yung binully ni Blaise.
'Akala ko lumipat na siya ng school?' ang sabi niya sa sarili.
Hindi na kasi ito pumasok at balita na lang niya ay lumipat na ito, na mukhang hindi naman pala totoo. Naawa naman siya dito bigla dahil bakas sa mukha nito ang labis na takot.
'Nasaan kaya ang naghatid sa kaniya? Bakit iniwan lang siyang mag-isa rito?' ang taka niya pang tanong habang nilalapitan niya ito.
Nagitla naman ito nang makitang papalapit siya.
"Ayos ka lang?" ang tanong niya rito pagkalapit niya.
Napasiksik naman ito lalo sa kotse at napayuko.
"Saan ba ang room mo? Gusto mo bang ihatid kita?" ang alok niya pa rito.
Pero hindi naman ito sumagot at sa halip ay mas lalong napayuko. Nalabuntong hininga naman si Reileigh.
"Huwag kang matakot, hindi naman kita sasaktan."
Pero hindi pa rin siya nito sinagot.
"Gusto lang kita tulungan, kaya wag kang matakot." ang pagpapakalma niya pa rito sabay lahad ng kaniyang kamay.
Nakahinga naman siya nang maluwag nang tanggapin din nito ang kamay niya.
"So, saang room ka?"
"Sa building B, first floor, room 3." ang mahina nitong sagot na halos hindi na niya narinig.
Tahimik lang silang dalawa habang magkahawak ang kamay na naglalakad sa katabing building kung saan naman naroon ang room ni Reileigh. Matapos naman niya itong ihatid sa tapat ng room nito ay bumitaw din ito agad sa kamay niya, tapos ay hinarap siya nito.
"Salamat." ang tipid at tahimik nitong pasasalamat.
Nag-alala pa siya dahil baka may mang bully pa rito na iba dahil sa ginawa ni Blaise, pero noong makita niyang may isang babae at lalaki agad ang sumalubong dito at kinamusta ang bata ay nakahinga rin siya nang maluwag.
'Buti naman at may mga kaibigan na ito.'
Dagli naman siyang umalis ng building at patakbong tinungo ang kaniyang room. Saktong pagtunog nang bell ay nakarating siya sa pinto ng kanilang classroom. Hinihingal pa siya't pawisan nang makarating, agad naman siyang pinagtinginan ng kaniyang mga classmate at nagbulungan ang mga ito.
Dire-diretso naman siya sa upuan niya at hindi pinansin ang mga ito, ayun nga lang saktong pagharap niya sa pisara ay hindi niya sinasadyang matama ang kaniyang paningin sa nanlilisik na mga mata ni Blaise. Agad naman siyang umiwas nang tingin at hindi na pinansin ang isa.
Hindi niya alam, nang dahil pala sa ginawa niyang pagtulong sa bata ay mas lalo lang niya itong ipinahamak.
~~~~Raica Kaihawa.
Pass muna ako bukas. Sa monday na lang uli ako mag-u-update.
Sa chapter six ay high school na sila.
Thanks for reading :)
Comments (0)
See all