Chapter Four Part II: Friend Issue
Lunch Break na at palabas na sana si Reileigh nang salubungin siya ng tatlong bata, ang isa sa mga ito ay ang batang tinulungan niya kaninang umaga. Nakuha naman agad nila ang atensyon ng mga kamag-aral nila, lalo pa't mukhang di pa nalilimutan ng mga ito ang ginawang pangbu-bully ni Blaise sa batang lalaki. Tinignan lamang niya ang mga ito dahil hindi niya alam kung anong sasabihin, hindi naman kasi siya sanay na makipag-interaksyon sa ibang tao.
"Um. Kuya, pwede ka ba naming makasabay sa lunch?." ang nahihiyang tanong ng batang tinulungan niya kaninang umaga.
Bilugan ang mga mata nito na halos natatakpan na ng mahaba nitong bangs, maputla naman ang kulay ng balat nito at may cute na maliit na ilong. May katabaan din ang mga pisngi nitong kasalukuyang namumula. May kasama pa itong dalawang bata, isang lalaking may katangkaran at babaeng naka headband ng Mickey mouse.
"Sure-" subalit naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang banggain sa balikat ni Blaise paglabas nito ng pinto.
Sinamaan naman niya ito nang tingin pero ganun na lang ang pagkabigla niya nang makita din niyang matalim itong nakatingin sa kaniya. Iniwas naman nito ang tingin sa kaniya at pinagtuunan ng pansin ang batang lalaking binully nito.
"Akalain mo yun? May lakas ng loob ka pa palang pumasok?" ang nakangising demonyong tanong nito sabay lapit sa bata.
Agad namang niyang nilapitan ang tatlong bata at humarang sa harapan ni Blaise saka niya mabilis na inayang umalis na ang mga ito upang makaiwas na rin sa gulo.
"Tsk! Mga duwag!" ang dinig pa nilang sigaw ni Blaise na hindi na lang nila pinansin.
Habang naglalakad sila palabas ng building ay nagpakilala ang tatlo, si Alex yung batang tinulungan niya, yung isang batang lalaki naman ay si Roy at Jane naman ang pangalan nung babae.
"Kuya, maraming salamat talaga sa pagtulong mo sa akin kaninang umaga." ang kanina pang nagpapasalamat na si Alex,
Kasalukuyan na sila ngayong patungo sa canteen. Bahagya namang namula si Reileigh dahil sa atensyong ibinibigay ng tatlo sa kaniya. Para kasing hero ang turing nila sa kaniya dahil sa mga tinging ibinigay ng mga ito. Bukod pa roon ay hindi siya sanay na nakikipaghalubilo sa ibang tao. Tanging ang librarian nga lang ata ng school na ito ang madalas niyang kausapin.
"Ahh... Wala yun." ang awkward niyang sagot.
"Takot na takot talaga ako kanina kasi baka awayin din ako ng iba pang mga bata, pero mukhang ok naman na kasi hindi naman ako inaano ng mga kaklase ko." ang pagkukwento pa ni Alex.
"Syempre naman noh, takot lang ata nila sa akin." ang pagyayabang naman ni Roy na may mayabang na ngiti sa mga labi.
Natawa naman ang dalawa nitong kaibigan.
"Eh paano mo naman tinakot? Eh ang payat payat mo." ang nang-aasar naman na kontra ni Jane sa kaibigan.
"Natakot sigurong matusok mo." ang napahalakhak pang dagdag ni Jane.
Napatingin naman si Reileigh sa katawan ni Roy at hindi niya napigilang mapatawa ng tahimik. Totoo nga, halos magmukha na nga itong tingting, idagdag pang may katangkaraan ito.
"Ano ka! Payat lang ako pero may muscle ako noh!" ang hirit pa ni Roy sabay angat ng mangas ng uniform nito at pinakita ang umano'y muscle nito sa braso.
"Wow! Oo nga ang laki! Sa sobrang laki hindi ko na makita." ang pang-aalaska naman ni Alex rito.
"Ikaw!" ang pigil ang tawang kunwari'y galit na sabi ni Roy.
"Ang liit mo kasi kaya di mo makita." ang bawi nito na ikinanguso naman ng isa.
Nagpatuloy pa ang mga nakakaaliw na alaskahan ng mga ito, na may ngiti naman sa labi na pinanonood ni Reileigh at kung paminsan minsan ay nakikisali rin siya. Pero kapwa nawala ang ngiti sa mga labi nila pagkapasok nila sa canteen, naroon na kasi si Blaise kasama ang grupo ng mga player ng basketball team ng school nila. Nasalubong niya ang matatalim na mga tingin ni Blaise pero iniwas na lang niya kaagad ang kaniyang tingin.
Tahimik na lang silang pumila sa counter para umorder ng kanilang makakain. Subalit agulat na lang siya nang biglang may humila sa kaniyang braso at hinila siya palabas ng canteen.
"Kuya!" ang gulat ding tawag sa kaniya ng tatlo.
Inis naman niyang tignan kung sino ito at napabuntong hininga na lang nang makitang si Blaise pala ito. Hindi na niya sinubukang makawala mula sa pagkakahatak nito dahil ayaw naman niyang mas lumaki pa ang eskandalong ginagawa nito. Dinala siya nito sa likod ng gym ng kanilang school kung saan ay wala gaanong tao. Itinulak siya nito pasandal sa isang punong naroon saka inis na tinignan sa mga mata. Tignan lamang niya ito nang walang emosyon at hinayaan na lang ang kamay nitong nakatukod sa kaniyang dibdib.
"Bakit kasama mo yung mga kutong lupa na iyon ha?" ang galit nitong tanong sa kaniya.
"Ano ba'ng paki mo?" ang malamig namn niyang sagot.
Nakita naman niyang mas lalong nanggigil ito dahil sa sagot niya.
"May paki ako dahil alipin kita!" ang gigil nitong sagot sa kaniya.
Napairap naman siya.
'Wow ha. Kailan niya pa ako naging alipin.' ang sarkastikong sabi niya sa kaniyang sarili.
"At pinagbabawalan kitang makipagkaibigan sa kanila." ang dagdag pa nito na kung pwede lang na pumalakpak ay ginawa na niya.
" Ayun lang ba? O sige, masusunod po kamahalan." ang malamig niyang sagot sabay tapik sa kamay nitong nakatukod sa kaniya dibdib.
Tinalikuran niya ito ag akmang aalis na sana siya nang pigilan siya nito.
"Pinagloloko mo ba ako?" ang pagpigil nito.
"Hindi po kamahalan." ang sagot naman niya habang nakatalikod pa rin.
"Hah! Subukan mo lang talagang suwayin ako at gagawin kong miserable ang buhay nila." banta pa nito na ikinakuyom naman ng kaniyang mga kamao.
"Bahala ka." ang sagot na lang niya saka niya ito iniwan na dun.
"Anong bahala ako?"
"Alam mo? Ang problema kasi sa iyo, masyado kang pakielamero at makasarili." ang pranka niyanh sagot saka siya umalis.
Sinubukan pa siya uli nitong pigilan pero hindi na niya ito pinansin pa. Dahil nawalan na siya ng ganang kumain ay sa library na lang siya nagpalipas ng oras. Ilang taon pa bago mawala sa buhay niya si Blaise pero ngayon pa lang ay naubos na kaagad nito ang kaniyang pasensya. Hindi na niya talaga alam kung ano bang gagawin niya upang matagalan pa ito.
~~~~Raica Kaihawa
Thanks for Reading :)
Comments (0)
See all