Chapter Five Part I: Circle of Friends
Nakabusangot at padabog na upo si Blaise sa tabi ni Reileigh na abala namang nagbabasa ng libro at nakikinig sa pag-aasaran nina Alex at Roy. Napahinto naman ang dalawa at napatingin sa kaniya, na sinuklian naman niya nang nakakatakot na tingin. Napayuko si Alex at natahimik habang tinapatan naman ni Roy ang mga tingin niya.
"Anong tinitingin tingin mo ha payatot?" ang nang-aasar niyang tanong kay Roy.
"Eh ikaw. Ano na naman ang ginagawa mo rito?" -Roy
"Uy. Hayaan mo na lang Roy." -Alex
"Anong hayaan? Bakit ko hahayaan lang? Kaya yan namimihasa-"
"Ang ingay." ang biglang reklamo ni Blaise.
"Sorr-" -Alex
"Wala namang pumipilit sa iyong umupo rito." ang pagsingit ni Reileigh habang walang emosyong tinignan si Blaise.
Napaiwas naman ng tingin ang isa at napatiim bagang. Ilang linggo din kasi silang hindi nagpansinan ni Reileigh at kahit anong gawin niyang pananakot ay hindi talaga ito sumusuko sa kaniya. Hanggang sa siya na ang hindi nakatiis at ngayon nga ay magtatlong araw na siyang nakikiupo sa grupo nila. Palagi man siyang out of place at di pinapansin ni Reileigh ay wala pa rin siyang balak na umalis. Kung hindi ito papayag na makipag kaibigan muli sa kaniya ay hindi rin niya ito hahayaang magkaroon ng mga kaibigan.
"Eh bakit ba? Sa gusto kong maupo rito" ang maangas niyang sagot kay Reileigh.
"Edi ikaw ang matutong makisama. Pwede ka namang umalis kung naiingyan ka, walang pumipigil sa iyo." ang malamig pa ring tugon ni Reileigh sa kaniya, tinignan pa siya nito ng malamig bago muling ibinalik ang paningin sa binabasa nitong libro.
Napatimpi na lang ng inis na nararamdaman si Blaise, siya na nga ang nagbaba ng pride sa awayan nilangndalawa, nag-iinarte pa ito? Ngayon nga lang niya ito ginawa pero ito pa ang nagmamatigas. Kung hindi lang naman niya talaga nagustuhan ang ugali nito ay matagal na niya siguro itong binalewala. Si Reileigh pa lang kasi ang kauna unahang tao na nagpakita sa kaniya ng tunay nitong ugali, di tulad ng iba na makikipag plastikan lang sa kaniya o di kaya ay makikipag kaibigan lang sa kaniya dahil may kailangan sa kaniya o dahil sa reputasyon ng pamilya niya.
Gusto lang naman niya ng isang totoong kaibigan.
Isa pa, unang kita pa lang nila ay ramdam na niyang wala itong balak na makipagkaibigan sa kaniya, na hindi naman niya matanggap. Sanay siyang laging nilalapitan at bigyan ng atensyon, kaya mas lalo niya tuloy ginustong maging kaibigan ito.
"Eh bakit ka ba kasi nandito? Sawa ka na ba dun sa mga plastik mong kaibigan? Ha?" ang maangas na tanong naman sa kaniya ni Roy.
"Tsk. Ano ba ang paki mo? Saka huwag mo nga akong kinakau- aray!" ang daing niya sabay tingin ng masama
Bigla kasi siyang tinapakan sa paa ni Reileigh.
"Aba't! Namumuro ka na ah." ang inis na sabi ni Blaise habang galit na nakatingin kay Reileigh.
"Wow. Ako pa talaga, eh ikaw nga itong nanggugulo rito. Bakit ba hindi ka na lang umalis?"
"Tsk." ang parang naiiyak nang tugon ni Blaise, iniwas na lang nito ang paningin upang hindi nila mahalata.
Napabuntong hininga naman si Reileigh, isinara niya ang binabasa niyang libro saka siya tumayo. Napatingin naman ang tatlo sa kaniya.
"Kuya Rei? Saan ka po pupunta?" ang tanong ni Alex.
"Diyan lang. Paki paalam na lang ako kay Jane na nauna na kami." ang sagot niya sabay hila kay Blaise na kasalukuyang mahigpit na hawak ang binili nitong sandwich.
"Huh? Teka saan tayo pupunta?" ang takang tanong nito.
"Basta." ang tipid niyang sagot.
"Anong ginagawa natin dito sa rooftops? At inistorbo mo pa talaga ako sa pagkai- oop! "
Hindi na naituloy pa ni Blaise ang sasabihin dahil bigla siyang itinulak nang marahas ni Reileigh pasandal sa pader. Itinukod din nito sa magkabilang gilid ng ulo niya ang mga kamay nito, sabay lapit ng mukha sa kaniya dahilan upang mas lalo siyang mapasiksik sa pader.
"A-ano ba!" ang nautal niyang sabi sabay tulak kay Reileigh pero hindi man lang ito natinag.
"Ano ba talagang pina plano mo? Ako na ang nagsasabi sa iyo, kapag inaway mo pa sila Alex, papatulan na talaga kita." ang banta ni Reileigh.
Napalunok naman si Blaise dahil sa lapit ng mukha nilang dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nabawi ang kaniyang composure at maangas na nginisihan si Reileigh.
"May tapang ka din pala ha? Sino ba sa akala ko ang tinatakot mo ha?" ang maangas niya pang sabi habang naka-cross arm.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Reileigh.
"Hindi ako nagbibiro Blaise."
"Mukha din ba akong nagbibiro? Pero o sige, kung mahal mo talaga sila, hindi ko na sila gagalawin. Pero syempre may kondisyon." ang magulang niyang sabi.
Syempre, hindi siya magpapatalo.
"Hays....! Sige na nga para manahimik ka na. Ano na naman bang kalokohan yang naiisip mo."
"Hindi ka lalayo sa tabi ko kahit anong mangyari." ang seryoso nitong sabi na ikinabigla naman ni Reileigh.
~~~~Raica Kaihawa
Thanks for reading :)
Comments (0)
See all