Kagabi sana ito kaso habang nasa kalagitnaan akon ng pagi-edit, nakatulog ako bigla.
Sabi ko, pipikit lang ako sandali, ayun paggising ko umaga na. XD
Chapter Seven Part I: His Family
Bagot at wala sa mood si Reileigh habang nakasakay sa front seat ng Lexus RX 350 na minamaneho ng kaniyang ina. Inaaliw na lang niya ang sarili sa pagtanaw sa mga tanawing kaniyang nakikiya sa labas ng bitana kotse. Kasalukuyan silang papunta ngayon sa isang family gathering sa side ng kaniyang ina, ang isa sa mga pinakaayaw niyang daluhan. Dahil di hamak na mas malala ang ugali ng mga pinsan niya kumpara kay Blaise. Gusto nga sanang sumama nito subalit pinasundo ito kaninang umaga ng Mommy nito kung kaya't ilang araw din silang hindi magkikita. Apat na araw din kasi silang walang pasok kaya siguro ay sinamantala na rin ng mga magulang ni Blaise upang makasama nila ito.
Ang nakadagdag pa sa dilema ni Reileigh ay hindi siya pinayagan ng kaniyang ina na magdala ng kahit anong uri ng libro o maski kahit anong gadget man lang. Hindi kasi ito natutuwang hindi siya nakikipaghalubilo sa kaniyang mga pinsan o sa mga malalayo nilang kamag-anak. Sa halip ay mas pinipili niyang pumunta sa isang sulok lang o sa isang tagong lugar upang magbasa.
Pinigilan niyang mapabuntong hininga dahil baka mapag-initan na naman siya ng kaniya ina. Pero naiisip niya palang na kailangan niyang pagtiyagaang makipag-usap at makipaghalubilo sa mga pinsan niya ay naiirita na siya. Isa pa, may isang tao siyang kinakatakutan na makita roon.
"Narito na tayo." ang pagkuha ng kaniyang ina sa kaniyang atensyon.
Napatingin naman siya sa Spanish style na Mansion ng kaniyang Uncle Clevan, ang panganay na anak ng pamilya Collinco, nakakatandang kapatid ng kaniyang ina. Kung istrikto ang kaniyang ina ay mas istrikto ang kaniyang Uncle Clevan. Sa apat na magkakapatid, ang mama at uncle Clevan lamang niya ang nakakuha sa mala caramel na kulay ng buhok ng kaniyang lola, na kaniya ring namana.
Hindi naman niya maiwsang maalala noong ipatapon siya ng kaniyang ina sa pangangalaga ng kaniyang Uncle Clevan upang turuan at disiplinahin siya. Malinaw na malinaw pa sa kaniyang ala-ala ang hapdi ng mga bawat paghagupit nito ng sinturon sa kaniyang likod, sa tuwing nagkakamali siya, lalo na sa hapagkainan.
"Umayos ka, dahil malilintikan ka talaga sa akin oras na ipahiya mo ako." ang banta pa ng kaniyang ina na kumuha muli sa kaniyang atensyon, bago ito bumaba ng sasakyan.
"Opo." ang mahinang tugon niya na lamang sa hangin, saka niya tahimik at nakayukong sinundan ang kaniyang ina.
PATAKBONG lumapit sa kaniya ang pinsan niyang si Jonas, ang pangalawang anak ng kaniyang Uncle Clevan, pagkapasok na pagkapasok nila sa loob.
"Reileigh! Tita Coreen!" ang nakangiti nitong bati sa kanilang dalawa.
Nginitian lang ito ng kaniyang ina bilang pagbati, saka siya nito binalingan ng atensyon.
"Sige na, makipaglaro ka na sa kanila." ang pag-uudyok nito sa kaniya bago siya nito iwanan upang makipag-usap sa iba nilang mga kamag-anak.
Agad naman siyang napalunok at naasiwa nang akbayan siya ng kaniyang pinsan na si Jonas, tapos ay iginaya siya nito papunta sa iba pa nilang mga pinsan. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tuwing nasa paligid ang mga pinsan niya ay nawawala ang pagiging matapang niya, siguro dala na rin marahil sa kailangan niyang bantayan ang baway kilos niya.
"Matagal ka na ring hindi dumadalaw dito ah? Wala na tuloy akong makalaro." ang nakangisi sabi ni Jonas sa kaniya habang naglalakad sila.
"Baka mapagtripan kamo." ang mahinang bulong niya sa sarili.
"May sinasabi ka ba?" ang tanong nito sabay higpit ng pagkakaakbay nito sa kaniyang balikat.
"Wala."
"Psh." ang nakabusangot nitong sagot.
Katulad niya ay naka suit din ito, itim nga lang ang suot nito na may pulang bow tie, siya naman ay naman ay naka-asul na suit at itim na bow tie. Tulad niya ay namana rin nito ang buhok ng ama nito, kaya madalas ay napagkakamalan silang magkapatid kaysa sa nakakabata nitong kapatid na babae na itim na itim ang tuwid nitong buhok katulad sa kanilang Mommy.
Malapit na sana sila sa pabilog na couch kung nasaan ang mga pinsan nila, nang makasalubong nila bigla ang Daddy ni Jonas, na napabitaw mula sa pagkakaakbay sa kaniya.
"Daddy!" ang nakangiting bati nito sa Uncle Clevan niya na walang emosyon at malamig namang tinignan sila.
Hinimas naman nito ang buhok ng kaniyang pinsan pagkalapit nito, nang hindi nagbabago ang ekspresyon nito sa mukha. Nanigas at nanlamig naman ang katawan niya nang dumako ang tingin nito sa kaniya at saka siya mabilis na napayuko at napaiwas ng tingin.
"How are you, Reileigh?" ang pormal nitong tanong.
"Ayos lang po." ang nakayukong sagot niya.
Ayaw man niya ay kusang kumilos ang katawan niya at bahagyang nagtago sa likuran ng kaniyang pinsan. Tapos ay pahapyaw niyang tinignan ang kaniyang tito na pa simple namang napangisi dahil sa kaniyang naging responde, habang nagtaka naman ang kaniyang pinsan sa kaniyang inasal.
"Good. But I heard from your Ma that you're being a bad boy this past few weeks huh? What was that?" ang pang-uusisa pa nito na mabilis na nagpakabog sa kaniyang dibdib.
Kasabay nun ay nagdilim bigla ang paligid niya at bumalik siya sa isang ala-ala niya sa nakaraan.
'You're being a bad boy Reileigh. Bad boy need to be punished, you know that right?' ang nakangising saad ng kaniyang uncle sa kaniya.
Sa halos isang linggo niyang pananatili dito sa mansyon ng kaniyang uncle Clevan ay ngayon lamang niya ito nakitaan ng emosyon sa mukha. Subalit sa halip na umamo ang mukha nito sa paningin niya ay mas lalo itong naging nakakatakot.
Sa takot naman niya ay hindi siya makapagsalita, limang taon pa lamang siya nang ipadala siya dito ng kaniyang ina dahil sa pagkainis nito sa kaniyang pangungulit na mamasyal silang tatlo ng kaniyang ama. Ang sabi pa nito sa kaniya ay tuturuan siya ng kaniyang Uncle ng tamang pag-uugali at pagkilos. Pero unang araw niya pa lamang sa mansyon na ito ay nakatanggap na kaagad siya ng sampal mula sa kaniyang uncle dahil lamang sa mali niyang paglalakad. Tapos ay buong summer pa siya ritong mamamalagi.
Nag hire pa nga ito ng taong magtuturo sa kaniya ng table etiquette, na sa tuwing may mali siyang nagagawa ay pinapalo siya nito ng stick.
"Now, take off your shirt and turn around." ang utos sa kaniya ng kaniyang Uncle.
Nanginginig ang mga kamay na hinubad niya ang suot niyang pang itaas na damit, saka siya tumalikod. Sunod na lang niyang naramdaman ay ang sunod sunod na mga hagupit ng sinturon nito sa kaniyang likod.
"I'm asking you a question young man." ang mahigpit na tanong sa kaniya ng kaniyang Uncle na nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.
Hindi niya rin napansin na bahagyang nanginginig na pala ang katawan niya dahil sa takot.
"So-sorry po, hi-hindi ko naman po sinasadya." ang may halong takot na tugon niya.
"Hmm. Continue that and you might ended up here again." ang sabi pa nito bago sila nito iwanan doon.
Kahit wala na ito ay kakaibang takot pa rin ang kaniyang naramdaman, na wala namang ka ideya ideya ang kaniyang pinsan. Kahit noong hilahin siya nitong muli papunta sa kinaroroonan ng iba pa nilang pinsan ay nagmistulan na siyang tuod, na nagpapatianod lamang dito.
At sa mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasang tahimik na maidasal na sana....
Naroon si Blaise sa tabi niya ng mga oras na iyon.
~~~~Raica Kaihawa
Alam niyo na kung bakit magiging masochist si Reileigh.
Mag-u-update uli ako bukas.
Although, ang new schedule ko rito ay Thursday to Sunday.
Bawi lang ako sa isang linggo kong di pag-update kaya isang linggo din akong mag-u-update ngayon.
Your devilpersonality
Comments (0)
See all