Filler Chapter lang para sa next chapter :)
Chapter Seven Part II
"Rei! Totoo bang sa inyo ngayon nakatira si Blaise Alvarez?" ang usisa ka agad sa kaniya ng pinsan niyang si Myka, kapatid ni Jonas, pagkaupong pagkaupo nilang dalawa sa mahabang paletrang C na puting couch. Dalawa ito at magkaharapan kaya nagmumukha itong pahugis bilog.
Naroon din ang iba pa nilang pinsan na sina Margaret at Marlon, ang kambal na anak ng Uncle Clifford niya. Si James, na anak naman ng Aunt Clara niya, na kasama naman ang dalawa nitong pinsan sa ama na sina Jed at Milo. Nakahinga naman siya nang maluwag nang makita niya si Jed, hindi man sila talaga magpinsan ay maayos ang pakikitungo nito sa kaniya.
"Ano ba 'yan Myka, kakarating lang ni Reileigh, nakausisa ka na kaagad." ang naiiling na suway ni Jed rito, sabay tayo at lipat sa tabi niya.
"Ano bang paki mo? Ikaw ba ang tinatanong ko?" ang mataray namang sagot ng pinsan niya.
Ngunit hindi naman ito pinansin pa ni Jed at tuloy tuloy lang sa paglapit sa kaniya. Akmang dadakdak pa sana ang pinsan niyang si Myka pero na patigil ito, nang mapukaw ang atensyon nito ng bagong bracelet ni Margaret.
Agad naman siyang inakbayan ni Jed at nginitian pagkaupo nito sa tabi niya.
"Kamusta na, bansot?" ang pabiro nitong pang-aalaska sa kaniya.
Mula't sapul na magkita sila ay iyon na ang palagi nitong palayaw sa kaniya, hanggang balikat lang kasi siya nito, pero matanda naman kasi ito sa kaniya ng tatlong taon. Tipid naman niyang nginitian ito bilang tugon na ikinailing na lang nito habang nakangiti.
"Hayss. Wala ka ba talagang balak magbago? Ang tahi-tahimik mo pa rin, kaya ka cute eh." ang sabi pa nito sabay pisil sa kaniyang balikat na hindi naman niya pinansin.
"Naku, Jed. Mapapanis lang ang laway mo dyan, kaya huwag mo nang kausapin." ang singit naman ni Milo.
Hindi niya alam kung bakit, pero selos na selos ito sa kaniya. Sa tuwing may nagtatangkang makipag-usap sa kaniya ay palagi itong sumisingit o di kaya ay pilit nitong kukunin ang atensyon ng kumakausap sa kaniya. Wala naman kaso iyon sa kaniya at sa totoo nga'y pabor pa ito sa kaniya dahil nagagawa niyang magbasa ng tahimik at walang nakakapansin. Pero minsan ay naiirita rin siya dahil hindi niya alam kung bakit ito ganun.
"Wow. Teka nga. Himala ata at wala kang dalang libro ngayon?" ang hindi makapaniwalang bulalas ni Jed nang mahagip ng mga mata nito ang kamay niya.
Nagitla naman siya at napayakap sa kaniyang braso.
"Umm." ang hindi niya malamang isasagot.
"Hah! For sure, kinumpiska ni Aunt Coreen ang mga libro niya. Narinig ko kasi kay Daddy na nasali daw siya sa gulo, unang araw pa lang ng pasukan." ang pabidang sagot naman ni Jonas para sa kaniya.
Hindi naman niya mapigilang mamula nang biglang tumawa nang malakas si Jed, habang hindi naman makapaniwalang napatingin ang iba nilang mga pinsan kay Jonas.
"Sigurado ka?" ang natatawang paniniguro ni Jed kay Jonas sabay patong nang mariin ng kamay nito sa ulo niya.
"Itong bansot na ito? Nasangkot sa gulo? Anong gulo naman? Papanisan ng laway? O di kaya, nahuli siyang nakikipag-away sa sarili niya." Dagdag pa nito sabay tawa uli na sinabayan na rin ng iba.
Si Jonas naman ang pinamulahan ng mukha sa pagkakataong ito.
"Oy! Nagsasabi ako ng totoo noh! Si Blaise nga ang kaaway niya. Diba Rei? Sabihin mong totoo ang mga sinabi ko, dali! Sabihin mo." ang pagpapaliwanag pa nito.
Naasiwa naman siya nang muling mabaling sa kaniya ang atensyon ng mga pinsan niya.
"Weh? Totoo Rei?" ang tanong sa kaniya ni Jed.
Napabuntong hininga naman siya bago tumango. Ano ba kasing big deal dun?
Para namang nakakita ng multo ang itsura ng mga ito, kahit si Jed ay di makapaniwala sa sinagot niya. Hindi kasi nito maimahe ang itsura ni Reileigh na nakikipag-away. Bukod nga sa awkward nitong ngiti at magalang nitong pakikitungo ay hindi niya pa ito nakikitaan na magpakita ng ibang emosyon.
Naimahe tuloy nila bigla na sobra sigurong bully nung Blaise para magawa nitong magalit ang laging kalmado at walang emosyon nilang pinsan. Na kahit anong gawin nilang pang-aalaska ay hindi sila pinapatulan.
Nagpatuloy pa ang pag-uusisa nila kay Reileigh na lubos naman nitong hindi ikinatuwa.
PABAGSAK na humiga si Reileigh sa kaniyang kama, pasado alas onse na rin kasi sila nang umuwi kaya antok na antok at pagod na pagod siya ngayon. Idagdag pang halos nasagad na ang kaniyang energy dahil sa sapilitan niyang pakikihalubilo sa kaniyang mga pinsan. Nagpalit lang siya ng pantulog niya saka siya dumiretso sa kaniyang kama.
'Natahimik din.' ang napahingang malalim niyang saad sa sarili.
Patulog na sana siya nang biglang magring ang cellphone niyang nakatago sa drawer ng study table niya. Pero dahil tinatamad na siya ay hindi na lang niya ito pinansin at hinayaan na lang niyang tumunog nang tumunog ang cellphone niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.
Lingid sa kaniyang kaalaman, ay may isang tao pala siyang nagagalit ngayon.
Sa kabilang banda.
Hindi na mabilang ni Blaise kung ilang beses na niyang tinawagan si Reileigh ngayong araw. Sa dami na rin ng mga text na ipinadala niya sa numero nito, ni isa, maski isa man lang ay wala siyang natanggap na sagot.
'Ano ba Lei?! Bakit hindi mo sinasagot?' ang inis niyang sabi sa sarili.
Tapos ay muli niyang sinubukang tawagan uli ito pero kagaya ng mga nauna niyang tawag ay wala ring sumagot. Inis niya tuloy naibato ang kaniyang cellphone sa malawak niyang kama.
'Patay talaga siya sa akin oras na bumalik ako.' ang inis niya pang saad sa sarili bago siya humiga at niyakap ang isang unan.
Gusto lang naman niya marinig ang boses nito kahit sandali. Dahil aminin man niya o hindi, ay di niya maipagkakailangang namimiss niya.
Nagulo naman niya sa inis ang buhok niya dahil parang ang dating ay sobrang clingy niya rito, na totoo naman. Ayun nga lang, ay mukha namang wala itong pakielam sa kaniya.
Hindi naman niya mapigilang makaramdam ng lungkot ng mga sandaling iyon. Siya lang naman ata ang may gustong maging magkaibigan sila.
~~~~Raica Kaihawa
No update tomorrow, sa Wednesday na lang po.
Thanks for reading :)
Comments (0)
See all