Sorry sa mga nalito. Ito na po talaga ang Last chapter ng childhood nila.
Sa Chapter Nine ay nasa Third year high school na sila.
Naaliw lang talaga akong isulat ang kabataan nila kaya napahaba. :)
Chapter Eight Part I: Nightmare
"Lei." ang naalimpungatang dinig ni Reileigh sa pagtawag sa kaniyang pangalan.
"Hmmm."
"Lei, gising." tawag pa uli ng kung sino sa pangalan niya sabay yugyog sa kaniyang balikat
Tinapik lang niya ang kamay na yumuyugyog sa kaniyang balikat, saka siya dumapa at niyakap ang unang yakap yakap niya. Pero kung sino man itong nangugulo sa kaniya ay sadyang makulit dahil muli na naman siya nitong ginising.
"Lei! Gising na sabi eh." ang inis nitong sabi sabay tulak sa kaniya patihaya.
Pero nanatili pa rin siyang tulog ngunit laking gulat na lang niya nang biglang may kumurot at humila nang malakas sa magkabila niyang pingi.
"Aray!" ang inis niyang daing sa sakit.
Napadilat naman siya at ang unang bumungad sa kaniya ay ang inis na mukha ni Blaise.
"Blaise?" ang may pagkangongo at wala pa sa sarili niyang tanong.
Binitiwan naman nito ang mga pisngi niya saka humalukipkip sa gilid niya kung saan ito naka upo.
"Bakit? Sino pa ba ha?"
"Anong? Paano? Di ba kasama mo parents mo?"
"Paki mo ba? Sabi ko naman di ba? Di ka pwedeng lumayo sa akin, pumayag lang ako kahapon dahil may lakad kayo ni tita." ang masungit nitong sagot.
"Ugh!" ang iritable na lang niyang reaksyon sabay dapa uli at baon sa mukha niya sa kaniyang unan.
Subalit muli lang uli siya itinihaya ni Blaise.
"Tsk. Tumayo ka na nga diyan at mag-ayos dahil aalis din agad tayo."
Wala na siyang nagawa kung hindi ang patamad na pumasok sa kaniyang paliguan.
Sa loob ng SUV.
"Saan ba tayo pupunta?" ang bagot na tanong ni Reileigh.
Sa pagmamadali kasi sa kaniya ni Blaise ay hindi na siya nakapagdala ng kahit na anong gamit maski na damit. Ito na daw ang bahala sa kaniya, ayan tuloy, bagot na bagot siya ngayon dahil wala siyang mabasa.
"Sa airport, tapos diretso tayo sa Tacloban." ang walang emosyong sagot naman nito sa kaniya.
Tumahimik na lang siya at tinanaw na lang ang tanawin sa labas ng kotse. Pero maya-maya ay may napansin siyang kakaiba. Para kasing mas bumilis ang takbo ng sinasakyan nila at panay ang iba ng direksyon nito. Napatingin naman siya kay Blaise, pero abala lang ito sa tablet nito at mukhang walang napapansin. Nagkibit balikat na lang siya. Pero nang di sadyang mapatingin siya sa side mirror ng SUV ay napansin niya ang kanilang driver na parang kinakabahan at panay ang tingin sa kulay abong kotseng nakasunod sa kanila.
Doon siya biglang kinabahan, pero di muna siya agad kumibo at tinignan muna kung tama ba ang kaniyang hinala. Ilang kanto na ang pinasukan ng kanilang driver subalit nakasunod pa rin ang kulay abong Van na nakasunod sa kanila. Maging si Blaise ay nakahalata na.
"Sir. Sir. May sumusunod po sa aming kulay abong Van."
"Opo, opo. Kanina pa. Sinubukan ko naman pong iligaw subalit nakakasusunod pa rin po ito."
"Opo. Opo. Naiintindihan ko po."
Ang dinig nilang usapan ng driver at kausap nito sa earphone. Tapos ay saka nila naramdaman ang mas lalong pagbilis ng sinasakyan nilang SUV.
Naramdaman naman niya ang biglang pagtabi sa kaniya ni Blaise. Hinawakan naman niya ito sa kamay upang kahit papaano ay mabawasan niya ang kabang nararamdaman nito. Nasalubong nilang dalawa ang mga mata ng driver nang mapatingin sila sa rear view mirror.
"Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat upang maprotektahan kayo. Parating na rin ang mga body guard ng pamilya niyo young master Blaise." ang pagpapakalma nito sa kaniya.
Pero wala naman iyon naitulong dahil ang bilis pa rin ng tibok ng puso nilanh dalawa. Kapwa na lamang nila ni Blaise hinawakan nang mahigpit ang kamay ng isa't isa, upang doon humugot ng lakas ng loob. Ilang beses pang pumasok sa iba't ibang kalye ang sinasakayan nilang SUV pero nakasunod pa rin ang kulay abong Van sa kanilang likuran. Pero nang magkasunod na kumambyo paliko ang driver nila tapos ay muli uling lumiko sa isang makipot na kalye ay nailigaw din nila sa wakas ang nakasunod na Van sa kanila.
Makakahinga nasa nang maluwag sina Reileigh at Blaise, nang biglang prumeno ang driver paglabas nila ng pinasukan nilang kalye, na halos mapasubsob silang dalawa sa harapan ng SUV, kung hindi lang sila nakasuot ng seat belt. Sa harapan nila ay nakaharang ang kaninang Van na nakasunod sa kanila. Mabilis namang kumilos ang kanilang driver at agad na kumambyo paatras.
Subalit ganun na lang ang paninigas at panlalamig nilang dalawa nang biglang isang lalaking naka puting t-shirt na may suot na itim na mask ang lumabas mula sa Van at magkakasunod na pinaputukan ang pwesto ng driver nila. Sa pangalawang bala nabasag ang salamin at tumama iyon sa katawan ng driver na tinamaan pa uli sa balikat ng pangatlong bala.
Napasigaw ang dalawa dahil sa takot at gulat. Hindi naman na sila nakagalaw dahil sa sobrang takot. Mas lalo pa silang kinabahan at binalot ng takot nang may lumabas pang dalawang lalaki mula sa van, na dahan dahang lumalapit sa kinaroroonan nila.
Nag-umpisa na silang maluha dahil sa takot. Kapwa nila nais sumigaw at humingi ng tulong pero para silang napipi bigla at nawalan ng boses. Wala naman na silang nagawa nang buksan ng isang lalaki ang pinto ng SUV sa side ni Blaise.
"Baba." ang utos nito sa kanila habang may hawak itong baril.
Hindi naman na sila makakilos dahil sa panginginig.
"Sinabing baba! Sumunod kayo kung ayaw niyong matulad sa lalaking ito!" ang singhal nito sabay turo sa wala nang buhay na driver nila.
"Teka.. Anong nangyayari dito?" ang singit ng isang lalaki mula sa likuran ng SUV na sinasakyan nila ni Blaise.
Ngunit agad naman itong namutla nang makitang armado ang mga lalaking naka mask.
"Huwag kang mangielam kung ayaw mong mamatay." ang banta ng nakaputing t-shirt sabay tutok ng baril sa dumating na lalaki, n agad namang tumakbo palayo.
"Kayo. BABA!"
~~~~Raica Kaihawa
Tuesday na po ang karugtong and nakahati po sa tatlong parts itong Chapter Eight.
Yun lang.
Thanks for reading :)
Comments (5)
See all