PAKIRAMDAM NI CASS parang aatakihin na ata siya sa puso sa biglang paninikip niyon nang makita niya si Ansel. Bigla kasi itong sumulpot sa canteen ng Journalism Building at mukhang papunta sa direksyon niya.
And that is strange.
Unang una, hindi niya kasama si Greta. May sakit kasi ang kanyang kaibigan kaya pinauwi ito nang maaga matapos nitong bumisita sa clinic. Wala namang ibang kasama si Cass na pwedeng sadyain ni Ansel. Kalma lang, girl. Baka gusto niyang tanungin kung asaan ang kambal niya, sita niya sa sarili bago pa niya mas i-assume na siya nga ang ipinunta ng binata roon.
Habang papalapit nang papalapit ito, nagpasalamat na naman siya sa Diyos at gaganda ang araw niya dahil nakita niya ito. Kahit pa hindi naman maganda ang timpla ng mukha nito. Sa mga ibang nakakita, mukhang may gusto itong kagatin, pero sa kanya para lang itong Greek God na kukunin na siya mula sa lupa para dalhin sa magiging kastilyo nila sa langit.
Ngunit kung gaano siya ka-excited na makita ito, mabilis ding nagbago ang ekspresyon niya nang umupo ito at itinaas ang bagay na ni minsan ay 'di niya pinangarap na makita nito.
"Caz," panimula nito.
"Saan mo nakuha iyan?" Ayaw niyang pagduduhan si Greta pero eto lang ang one-and-only suspect niya. Sa kanya lang niya ibinigay ang love letter na iyon, scratch that, kinuha iyon ni Greta sa kanya. Nagustuhan ng kaibigan niya ang sulat, kaya nagprisinta itong itago iyon. She even offered to give it to Ansel once Cass is ready.
Cass is definitely not ready right now. Nagsimula na siyang pagpawisan kahit na malamig naman sa canteen. Malakas na rin ang kabog ng kanyang puso at hindi dahil nasa harap niya ang kanyang iniirog kundi dahil sa nerbyos. Gusto na niyang kainin siya ng lupa ngayon din.
"Caz," sabi ulit ng binata.
"Y-Yes?" Ano ba, paulit ulit?
"Did you write this letter?"
Pwede niya bang i-deny? Sinignan niya ang letter na iyon. Ginandahan niya pa nga ang signature niya. May puso pa sa 'i' ng pangalan niya. Ang baduy, ang corny. Ngunit naroroon ang lahat ng pinangalagaan niyang damdamin para rito. All the things she would never dream of telling this guy. Kaya kahit ayaw niya, tumango na lang siya. Asa hot seat na siya, ano pa bang magagawa niya?
Tinignan niya na lang ang magiging ekspresyon nito. Katulad ng nakasanayan niya, naka-poker face pa rin ito. Minsan niya lang itong nakitang tumawa nang nag-joke ang kakambal nito ng joke na di nakuha ni Cass. Minsan lang din ito magmukhang amused at interested na nakita lang ni Cass nang nag-usap ang magkambal tungkol sa isang librong malalim ang tema.
Slowly... ngumiti si Ansel at hindi niya alam kung magdidiwang ba siya o tatakbo bago pa magsalita ito. And without warning, bigla nitong pinunit ang love letter niya. Napabuka ang kanyang bibig sa gulat pero ni isang salita'y walang lumabas sa kanya.
"Oh, sorry, alam kong gwapo ako, Caz. But I don't need you to be another fan, I liked you when you were just my sister's best friend so please stay that way," walang emosyong sabi nito sabay tayo. "And don't blame Greta, it's a chanced discovery, alam mo naman siguro kung gaano siya kaburara."
"A-Ansel," nagawa niyang masabi at 'di pa rin siya makapaniwala sa ginawa nito. Hurt flashed across her face. Gusto niya itong murahin, sampalin, at ipahiya... pero ni isa roon wala siyang ginawa. Nakatingin lang siya rito na para bang nanaginip lang siya. Kurutin niya kaya ang sarili?
Napabuga lang ng hangin si Ansel at dala dala ang love letter niya, basta nitong itinapon sa basurahan at walang lingon-likod na umalis. Doon na siya napahikbi ng hindi sinasadya.
Pakiramdam niya hindi naman imposibleng ganoon nga ang magiging reaksyon nito. She knew that this is going to happen somehow. Na-witness niya nang ilang beses ang pag-rereject nito sa mga babaeng nag-coconfess dito. Isa nga iyon sa mga rason kung bakit ayaw niya ring malaman nito.
Disappointed and hurt, tumayo siya mula sa kinauupuan at hindi na lang pinansin ang mga tingin na ipinukol sa kanya ng mga taong naroroon. Dumiretso siya sa basurahan at kinuha niya ang napunit na love letter mula roon at nagsimulang mas punitin pa iyon.
"Ewan ka naman, magpupunit ka na nga lang, dalawang piraso pa," reklamo niya sa basurahan. "Pag mangbabasted ka na lang din, punitin mo nang buong buo, 'wag ka namang mang-iwan nang ganyan ganyan lang..."
Napahikbi ulit siya at naiinis na itinapon ang huling piraso ng papel, bago patakbong umalis ng canteen. Ansel was never great in the first place, she knew that. In fact... he is horrible: that was the truth.
Comments (0)
See all