Present
GUSTO NI CASS na batukan si Greta kung hindi lang ito nasa kabilang linya. Tinawagan niya ito para sana i-double check ang status nito sa pag-iimpake. May plano pa nga siyang bisitahin ito sa bahay. Matalino man ang kaibigan niya ay messy naman ito sa gamit.
Mahirap na kung pupunta sila sa tatlong linggong bakasyon nila sa Villa Montenuma at biglang malaman niya na nag-underpack na naman ang kaibigan. Last time na nag-underpack ito sa bakasyon nila, kinailangan ni Cass na pahiraman ito ng underwear dahil wala silang malapit na pwedeng pagbilhan.
"So, bakit hindi ka pa tapos magempake?" Tanong niya rito.
"Cassie, besh. Di na ako makakasama."
"What do you mean hindi ka na sasama? Hindi ba ikaw ang pinaka-excited sa ating pumunta?"
Mga dalawang linggo na silang nag-prepare para sa magiging bakasyon nilang iyon. They had been dreaming to win the tickets to a free vacation for the famous Villa. At ngayong nanalo na sila at bukas na sila pupunta, biglang nag-ba-back out ang magaling niyang kaibigan.
At least, Greta does sound apologetic.
"I'm really sorry, Cassie. Syempre excited din ako... pero alam mo na si Gabe..."
Ang tinutukoy nito ay ang boyfriend nitong si Gabe na kaka-graduate lang sa PMA. Ngayon lang kasi nagkita muli ang dalawa kaya mas gustong ikansela ng kaibigan niya ang bakasyon nila para ang boyfriend nito ang makasama.
Hindi naman nila maisasama ang boyfriend nito dahil pang dalawa lang ang reservation nila. Hindi naman niya maibibigay lang sa kaibigan ang sariling reservation. Nag-take na siya ng leave sa trabaho and she's looking forward to this as much as Greta does.
"I get it... ikaw naman," pag-aalo niya. She had to be understanding. Kung siya naman siguro ang nasa lugar ng kaibigan ay baka indyanin niya rin ito. "Ako na lang ang pupuntang mag-isa. Sayang ang reservation mo though."
"Gaga, syempre di kita hahayaang pumuntang mag-isa. Kakasuhol ko pa lang nga nang makakasama mo. Have faith in me, Cassie."
Pinaningkitan niya ng mata ang bagahe niya at naupo na lang sa kama. "Sino naman 'yan? Kilala ko ba?"
Natawa lang si Greta mula sa kabilang linya. "Yes, kilala mo siya. Hindi lang kayo close."
"Sino naman?" Curious na tanong niya. Inisip niya ang lahat ng pwedeng i-suggest ng kaibigan. Hindi niya naman ka-close ang mga kaibigan nito. Kahit na lagi siyang pinapakilala ni Greta sa mga iyon ay hindi niya pa nakakausap ang kahit isa sa mga kaibigan nito nang masinsinan. Kaya hindi niya maisip kung sino man ang tinutukoy nito.
"Surprise na lang, makikita mo rin siya mamaya. Nag-eempake na nga siya ngayon," natutuwa pa ring sinabi ni Greta. Pakiramdam niya tuloy ay may plinaplano itong masama.
"Serial killer ba at ayaw mong ipakilala sa akin?" Sarkastikong tanong niya.
Mas lalong humagalpak ng tawa si Greta na akala mo naman nag-joke siya. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng kaibigan niya minsan.
"Pwede rin. Anyways, hang up na ako ah? You need your beauty sleep at one o'clock pa kayo aalis. Bye, Cassie. Take care."
"Bye, Greta."
Nauna nang pinatay ng kaibigan ang cellphone nito kaya nagbalik na lang siya sa pag-checheck ng bagahe. Mahirap na at baka may makalimutan siya. Tinitigan niya ang laptop at ang magkapatong-patong na journal niya sa lamesa. Inabot niya ang journal para gamitin sa pag-rerecord ng kung ano mang magaganap sa bakasyon niyang iyon. Ngunit sa bilis nang pagkuha niya ng journal, nahulog ang isang litrato mula roon.
Pinulot niya iyon at walang emosyong inilapag niya lang sa lamesa. It was a picture of her and the twins. Kinuha iyon ni Greta ng second year sila at kung kailan nagsimula siyang magka-crush kay Ansel Dela Cruz.
Matapos nang naganap sa canteen ng Journalism Building four years ago, hindi na nagpakita sa kanya si Ansel. Ni anino nito ay hindi niya nahagilap. Nakakasagap lang siya ng kaunting balita pero iyon na 'yon. He completely cut her off from his life and it hurt.
Nahirapan siyang mag-move on dahil ito lang ang naging crush niya. Kahit sinong makita niya ay hindi umaabot sa lebel ng isang Ansel Dela Cruz, ganoon siya kabaliw dito. Ngunit sa tagal na hindi niya na ito nakikita o naririnig, nakalagpas rin siya. Best friend niya pa rin si Greta at hindi iyon nakaapekto sa relasyon nila. Si Greta pa nga ang tumulong sa kanyang maka-move on.
That's why now, she can look at that picture and feel nothing. Baka nga kapag nakita niya ulit ang Ansel na iyon ay tawanan niya lang at kwestiyunin ang sarili kung bakit niya nga ba nagustuhan ang magaling na mokong na iyon.
Napailing na lang siya at tinapos ang ginagawa bago nagdesisyong matulog.
SAKTONG ALA-UNA dumating ang makakasama ni Cass sa bakasyon niyang iyon. Tinted ang bintana ng sasakyan ng kasama niya. Medyo madilim pa at naka-cap ito kaya hindi niya mamukhaan. Ang alam niya lang ay lalaki ito base sa bulto ng katawan. He has wide shoulders and what seemed to be a body used to being in a gym everyday.
Sinabi dapat ni Greta sa kanya na pogi para mas nag-effort pa siya ng konti. Ang simple lang kasi ng getup niya, denim skirt, puting shirt, rubber shoes, at light makeup lang.
Bumaba na ang lalaki at dumiretso sa kanya. Matangkad at mukhang maputi ito. His cap tamed what seemed to be curls of hair. Naka-flannel jacket at black shirt ito with matching plain jeans and rubber shoes na mukhang pamilyar sa kanya. In fact, he seemed to look familiar overall.
"Hello, I'm Cassidy, you can call me Cass," inilahad niya ang kamay sa magiging kasama niya. Importante ang first impression para kay Cass at kung pogi pa si Kuya kaysa sa in-e-expect niya ay syempre, first impressions become importanter.
"Caz," sabi nito na ikinatigas niya sa tinatayuan. Tinanggal nito ang suot na cap, revealing a guy she didn't even imagine that she'd see ever again. Isang tao lang ang tatawag sa kanya ng nickname na iyon.
And that's no other than Ansel Dela Cruz. "Happy to see me?" Ngumiti pa ang mokong.
Ngumiti rin siya at sh-in-ake ang sariling kamay. "It's Cassidy for you, Ansel," matamis niyang sambit rito at walang paumanhing itinulak niya ang bagahe rito. "Take care sa bagahe ko ah, maraming mamahalin sa loob niyan."
"Nice to see you too," nawala ang ngito nito ngunit tumalima pa rin ito sa utos niya. Kinuha nito ang kanyang bagahe at siya naman ay naupo na lang sa passenger seat. Gusto niyang sipain ang sarili. Dapat pala mas pinilit niya ang magaling niyang kaibigan na sabihin kung sino man ang makakasama niya. In fairness din naman kay Ansel, nagawa pa nitong magpakita sa kanya matapos nitong bastedin siya at mawala na parang bula.
In fairness, mas pumogi siya, sabi ng isang bahagi ng utak niya.
Che! saway niya sa sarili.
Aanhin niya ang pogi kung kay Ansel naman manggaling iyon. Besides, she was no longer the naive girl who crushed hard on him before.
Technically, single pa rin siya, ngunit alam niyang kumilatis ng tao and she will never make the same mistake as falling for him again. Sure, gwapo ito but his personality is ugly. Ngunit, dahil tatlong linggo niya rin itong makakasama, mabuti rin sigurong mag-effort siyang kaibiganin ito para naman hindi masira ang bakasyon niya.
Kaya nang makabalik sa upuan si Ansel, nagsalita agad siya.
"Sorry kanina, nabigla lang ako," paghinging paumanhin niya. "After all, ilang taon na ba tayong di nagkita? And about dun sa nangyari last time kalimutan mo na 'yon, past is past."
Tinignan siya nito at napalunok siya. Hindi kasi niya napansin kanina but boy, does he smell good. Hindi ito naglunod sa pabango katulad ng mga asa Axe commercial. She can tell that he only applied whatever he applied lightly, but it still smells good.
Batukan na kaya niya ang sarili?
"Ah, that," he said flatly. "Yeah, forget that."
Binuhay na nito ang makina. Hanggang ngayon pala'y unsociable pa rin ito. Pero ayos lang sa kanya iyon, marami na siyang nakilalang tao dahil sa line of work niya bilang journalist. Hindi na bago sa kanya ang mga katulad ni Ansel. She'd be able to be friends with him in no time!
"So, tell me, how have you been?" Tanong niya with full-on charming smile.
Ngumiti rin naman ito kahit tipid lang. "You tell me first, Caz. Baka ma-bore ka lang kung ako ang nagkwento."
"Cassidy, please."
Marahang natawa ito at in-e-expect siguro nito na tumawa rin siya. Ngunit nang hindi siya umimik, tinignan siya nito at pasimpleng umubo. "Alright, Cassidy it is."
Comments (0)
See all