NAALIMPUNGATAN SI CASS nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang McDo establishment. Half-asleep na lumingon siya sa kanyang kasama na akma sigurong gigisingin siya dahil nakataas na ang kamay nito. Agad naman nitong binawi iyon.
"Last stopover na natin, mag-CR muna tayo kung na-CCR ka at kain tayo sa McDo," anito. "Hindi ka kasi nagising nung ginigising kita sa ibang stopover."
Pinaningkitan niya ito ng mata. Sino pa ba ang rason kung bakit nagdesisyon siyang matulog na lang? Akala niya kasi magiging maganda ang usapan nila at magiging kaibigan niya agad ito pero uncooperative ang binata. Sa simula lang ito nakiki-participate kaya kahit papaano ay nalaman niya ang mga basic na bagay tungkol dito, tulad ng isa itong Programmer sa isang malaking IT company sa Manila.
Ngunit, hindi rin nagtagal bago naging isang salita na lang ang mga sagot nito. Ewan niya kung matutuwa ba siya rito dahil ng tinanong niya ito kung ano ang paborito nitong kanta ang sinagot nito ay "Oo". Nung sinubukan niyang tanungin kung seryoso ba ito ay "Oo" na naman ang sagot nito. Na-awkward-an tuloy siya kaya nagdesisyon na lang siyang matulog na lang kaysa pilitin itong magsalita.
"Why are you staring at me like that?" tanong nito, bahagyang nakataas ang isang kilay nito.
"Nothing. Tara?" sabi niya bago pa kung ano ang iassume nito. Nauna pa siyang lumabas at sumunod naman ito. Without inviting her, nauna na itong naglakad at sumunod na lang siya. Wala silang imikang dalawa at wala siya sa mood na magsalita kaya tinignan niya na lang ang likod nito.
UNDER CONSTRUCTION ang CR at hindi lang si Cass ang nadismaya sa nakita. Nadismaya pati ang biglang sulputang mga estyudante na gusto ring mag-CR. Base sa mga unipormeng suot ng mga ito, mga Senior High students ang mga ito na nasa gitna ng isang field trip.
Sa mga estyudante napako ang kanyang tingin dahil naalala niya rin ang araw na nag-field trip siya noon. Naalala niya kung gaano nagpasalamat siyang hindi nila kasabay doon ang mga IT dahil baka makita siya ni Ansel na bagong gising.
Ngayon, wala na sa kanya iyon. Nakita na nga siya ng lalaking bagong gising at wala namang komento ito. Ibinalik niya ulit ang tingin sa direksiyong pinuntahan ni Ansel. Ngunit wala na ang lalaki at napakibit-balikat na lang siya.
Ang galing, ni hindi man lang nag-check kung sumusunod ako. Hay naku...
Minabuti niyang dumiretso na lang sa McDo at nang maka-order na siya ng pagkain. Hahayaan na niya ang mokong na iyon na sumunod. Ilang araw pa Cass... huwag papadala sa inis, pag-aalo niya sa sarili habang papalakad na sa McDo.
Himala namang naroroon na ang lalaki at hinihintay siya sa entrance, nakahalukipkip ito at mukhang bored na bored. Nang makita siya nito, saglit itong ngumiti at pinagbuksan siya ng pinto. Huwaw. Biglang naging gentleman.
Hindi na siya nagreklamo. Sa halip, pumasok na lang siya at sumunod naman agad ito. "Nakapag-CR ka ba? Hindi kita nakitang sumusunod."
"Hindi, na-amuse ako sa mga estyudante," sarkastikong sagot niya. "Naghanap ka ba?"
"Ang liit mo kasi 'di tuloy kita nakita."
Pinandilatan niya ito and the damn guy was smiling. Smiling? Nanaginip pa ata siya. "Well, excuse me."
Binilasan niya na lang ang pagtungo sa cashier ng McDo. Ngunit nang tinanong na siya kung anong gusto niyang order-in, wala siyang masabi. Hindi niya kasi makita nang malinaw ang menu at wala pa ata siya sa tamang huswisyo.
"Cassidy, as much as I'd like you to stare at the menu all day, humahaba na ang pila sa likod mo," bulong ni Ansel na ikinataas ng lahat ng balahibo niya. Randam niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg at para siyang biglang binuhusan ng tubig dahil nabuhay agad ang sistema niya.
"Ah," binasa niya agad ang medyo nakita niyang item na asa pinakamalaking display. "Dalawang cheesy eggdesal at premium roast coffee, please. Dine in."
Binayaran niya rin agad ang cashier at lumipat ng pwesto nang sabihin nito. Hindi niya pinansin si Ansel kahit alam niyang nakasunod lang ito. Masyado siyang aware rito kaya gusto na niyang sabunutan ang sarili. Bakit ba na-attract na naman siya sa mokong na ito?
Pagdating ng order nila ay mabilis na kinuha niya iyon. Siya na rin mismo ang nagdala niyon sa isang table. Umupo ang binata sa harap niya at nagsimulang itimpla ang kape nito habang siya nama'y nilantakan ang cheesy eggdesal. Hindi pa siya nakakatikim niyon at surprisingly, masarap kahit medyo dull. Kailangan niya lang ng asukal kaya tinimpla niya na rin ang kape niya. Ngunit isang tikim niya pa lang ay ibinababa na niya ang kape at gusto niyang maglaklak ng isang pakete ng asukal.
"What's wrong?"
Tinignan niya si Ansel na poker face na naman ang ekspresyon habang umiinom ng kape. His eyes express interest in her sudden display though.
"Mapait," sagot niya. "Akala ko kasya na ang isang creamer at asukal. Balik lang ako sa counter at manghihingi ako ng dagdag."
Tumayo na siya at akmang aalis ngunit naramdaman niya ang kamay nito sa pulsupulsuan niya. Nagsitaasan na naman ang mga balahibo niya sa katawan. "Y-yes?" Hindi sinasadyang pumiyok siya.
"Wag na, don't desecrate the coffee with too much sugar," komento nito. "Sayang ang pagka-premium niyan, akin na lang."
Naupo na siya. Baka ako ang nagbayad, Kuya? Napailing na lang siya kaysa sa mag-side comment pa. "Sure. Iinom na lang ako ng tubig mamaya."
"You don't like bitter things?"
"Obvious ba?"
Gusto niyang sampalin ang sarili. Akala ko ba friendship? Bakit ang sarcastic mo, Ate? tanong ng isang panig ng utak niya. It didn't look like it affects him though.
In fact, ginawaran lang siya nito ng tipid na ngiti. Pa-smile smile ka na ngayon, ha?
"Sige na. Tapusin mo na 'yang pagkain para maka-CR ka na."
Napaismid siya sa sinabi nito. "Hindi ka rin nahihiyang magsabi ng ganyan sa public, ano?"
"Bakit, anong masama sa pag-CCR? Lahat naman tayo nag-CCR."
Inirapan niya ito at ibinalik na lang ang atensyon sa pagkain.
Comments (0)
See all