PAGKABALIK NI CASS sa sasakyan, may inaabot si Ansel bottled Vanilla Frappuccino ng Starbucks sa kanya. "Ano 'yan?" Tanong niya kahit halata naman ang gusto nitong ipahiwatig.
Gusto niya lang talagang marinig dahil ngayon niya lang naranasan iyon. Sa tanang buhay niyang nakilala si Ansel, he never offered her anything besides pity, siguro.
"Just take it, woman," walang emosyong sabi nito.
Napasimangot na lang siya pero kinuha pa rin ang binigay nito. Hindi siya bumibili ng Starbucks drinks. Mahal kasi sa Starbucks at kahit alam niya na gawa naman ang produkto nila sa natural na coffee beans, hindi pa rin siya bibili. Ni hindi pa nga siya nakatapak sa kahit saang establishimyento ng Starbucks.
Curious na binuksan niya ang bote at tinikman ang laman niyon. "Hmm..." hindi napigilang nausal niya. It tasted nice.
"May bayad 'yan," biglang komento ng binata at muntik na siyang nasamid sa narinig. Buti na lang at naagapan niya.
Lumunok muna siya bago hinarap ito at sinimangutan. "Ang sama mo. Kaya ba Starbucks ang binili mo?" Tanong niya rito. "Ikaw ah, mas mahal pa ito sa kinain natin sa McDo."
Akmang bubuksan ang wallet ngunit nagsalita ulit ito bago pa siya makapaglabas ng pera.
"Hey now, I'm just kidding," wika nito. "Why are you taking me seriously?"
Tinapunan niya ito ng masamang tingin at ngiting ngiti lang ang mokong. Aba, aba. Naiinis na pinalo niya ito at natawa lang naman ang lalaki.
"Come on, I never pegged you for not having some sense of humor, Cassidy."
"Wow, ako raw ang walang sense of humor."
Buhay na buhay na tumawa ulit ito. Nakakabigla pa rin na naririnig itong tumatawa sa joke na hindi naman nakakatawa. Ano bang nangyari rito ng ilang taong hindi sila nagkita? Nagkaroon ba ito nang saltik sa utak? Still, if he can fool around with her like that, then hindi siya mahihirapang makasundo ito. Kaya napangiti na rin siya.
SAKA LANG NAG-SINK in kay Cass ang sitwasyon nang makita niya ang cabin nila. Isa lang iyon. Okay lang sa kanya iyon kung ang kasama niya sana ay si Greta kaso... Kinakabahang napalingon siya sa kasama niya na mukhang ready nang matulog. Hindi kasi siya marunong magmaneho kaya hindi niya nagawang makipagpalitan rito.
To confirm her fears, binuksan niya ang cabin at nakita ang dalawang kama na kaunti lang ang distansya sa isa't isa. May isang mini kitchen, mini fridge, at CR. Bukod doon may isang lamesa kung saan sila pwedeng kumain at isang closet.
Agad siyang lumingon rito ngunit dahil nakasunod lang sa kanya ang lalaki ay muntik na siyang tumama sa bulto nito. Buti na lang at hindi ito ganoon kalapit. She caught a whiff of his smell again and she looks up. Damn you for being tall and... growing up to be more handsome than last time. Ewan niya kung parusa ba o biyaya ang sitwasyon nilang iyon.
"Yes?" Tanong nito at doon lang siya naalimpungatan. Kanina niya pa pala ito tinititigan.
"Uh, magpahinga ka muna diyan, kakausapin ko na lang yung manager kung pwedeng kumuha pa tayo ng isang cabin," wika niya at agad pang humakbang siya ng konti palayo rito. Naapektuhan na naman siya ng karisma nito.
Bakit kasi niya tinaggihan ang mga attempts ni Greta na ireto siya? Nagpakasubsob lang kasi siya sa trabaho simula nang mahire siya. Sumasama naman siya sa mga office parties, pero ni minsan wala pang kumukuha ng atensyon niya. Wala tuloy siyang ammunition pagdating sa lalaking ito. And why is she reacting so physically to him either way?
Napabuga na lang siya ng hangin at plano na sanang lumabas nang nagsalita naman ang binata.
"Huwag na. Mahal ang cabin. Ito lang ang libre."
"Pero--"
"Oh, don't be scared of me." Pinasadahan siya nito ng tingin at bigla siyang naconscious sa sarili. "You're wearing a skirt..." komento nito. "At marunong ka na palang mag-makeup. Good." Napakunot noo siya rito. Nakatulog na ba itong nakatayo? Kung anu-ano na kasi ang lumalabas sa bibig nito.
"That means I won't touch you," pagdugtong nito dahil sa kawalan niya ng reaksyon. "Kahit pa siguro maging model ka ng isang fashion magazine, I still won't touch you." Huwaw lang, huh.
"Well, excuse me." Tinalikuran na lang siya nito at nagcollapse ito sa isa sa mga kama. Sinundan niya ito para icheck kung gising pa ba ito. Aba, ambilis makatulog. She studied him and it took her all the willpower not to touch his beautifully handsome fez. Akala mo ikaw lang ah. Pwes, manigas ka.
Tinalikuran niya rin ito at dala dala ang guidebook, lumabas na siya ng cabin. Mabuti nang makaikot na siya at makaplano kung paano niya susulitin ang tatlong linggo niya roon.
Comments (0)
See all