NAROROON SI ANSEL at mukhang hindi ito prepared na pumunta roon. Nakasuot lang kasi ito ng simpleng shirt at pants. Nakatsinelas pa nga ito sa halip na trekking shoes. Mukha ring namantsahan na ng putik ang pantalon nito pati na ang paa nito. "Okay ka lang?"
Nang makalapit na ito sa kanya, hindi niya napigilan ang sariling yakapin ito. She's both filled with relief and happiness na makita ito. It doesn't even matter na tinawag na naman siya nitong Caz. She felt one of his arms wrap across her back at doon niya lang na-realize na umiiyak na pala siya rito.
"There, there..." pag-a-alo nito sa kanya. "You're okay now."
Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa bisig nito. At some point, she stopped crying and just felt comfortable on someone else's warmth. For someone who's supposedly not good with understanding someone else's feelings, he was at least considerate enough to give her a comforting hug. Medyo pinapaandar na niya siguro ang metro kaya agad na siyang kumalas bago pa magduda ito.
"Sorry..." mahinang usal niya. Mukhang hindi naman na umuulan kaya maari na silang umalis. Pero iba ang plano niya. At dahil mukhang hindi pa masyadong madilim, naisip niyang kapag naging maingat siya, pwede niya pa ring tapusin ang trekking lane kasi parehas lang naman kung babalik sila sa simula ng trekking lane.
"It's okay, tara na," alok naman ni Ansel.
Umiling naman siya. "Tapusin ko na lang, malapit naman na," sabi niya na dinagdagan niya pa ng ngiti para makumbinsi ito.
Ngunit, hindi naman ito nakumbinsi, he looked rather annoyed, which is surprising. "Sorry, what?"
"Tatapusin ko yung trek?"
"Are you stupid?"
Na-offend naman siya. Ano bang problema nito? She was grateful for his presence and all but... "Malapit na lang naman na, kaunting lakad na lang. Besides I'm prepared, hindi ako madudulas with that distance," itinuro niya pa ang lalakarin niya.
"Nope," kinuha nito ang strap ng bag niya. "Bumalik na tayo, ituloy mo na lang bukas."
Marahas na hinila niya naman pabalik ang strap niya mula rito. "Malapit na lang talaga. Ma-di-disappoint lang ako kung di ko tatapusin. I'll be careful promise."
Hinawakan siya nito sa magkabilang braso at tinitigan nang mabuti. "Gagabihin ka na sa daan, Caz. Just come with me. Kahit ihatid pa kita dito nang maaga kung gusto mo."
"May iba pa akong plano para bukas."
"No."
Nainis na siya rito. While, she appreciated his concern, ayaw niyang umaakto itong parang ito ang Tatay niya. It was her Dad's job to fuss over her, not his. Kung gusto niyang tapusin ang trek, sa kanya na iyon. Hihiramin niya na lang ang payong nito kung kailangan but she's going to finish this trek no matter what.
"I'm still going."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Paano kung mapahamak ka riyan? Who will come for you?"
"And why do you care!" hindi na niya napigilang masigawan ito. "We're supposed to be doing this together in the first place. Now, naiintindihan ko na sinuhulan ka lang para samahan ako so I let you do your own thing. Tapos, ngayong gusto ko lang tapusin ang freaking trek na yan, pinipigilan mo ako? Why?"
Binitawan siya nito na parang binuhusan niya ito nang malamig na tubig. She raised her chin defiantly.
"Sabi ko na e, so mind your own business for now, okay? I appreciate that you're worried enough to look for me when I need it, pero matanda na ako, Ansel."
Hindi na ito nagsalita at lumabas na siya sa make-shift na shade na iyon at ipinagpatuloy ang naturang trek. Pakiramdam niya nasusunog ang ulo niya sa pinakawalan niyang galit ngunit nakaramdam din naman siya ng kurot ng konsensya. She was acting like a child.
Worried nga lang naman ito sa kanya pero may punto rin naman siya. Okay lang sa kanya ang maging mag-isa sa trip na iyon. Hindi naman talaga niya kailangan ito.
She just felt lonely and she just said something she shouldn't have. Fine, totoo ng hindi naman talaga siya sang-ayon sa biglang pag-ba-back out ng kaibigan niya. They freaking prepared for this, tapos iiwan lang siya nito sa ere. Buti sana kung ang ipinalit naman nito ay at least makakasama niya. Pero mukha namang hindi kaya--
Napigilan siya sa pagrereklamo sa loob looban niya at napapikit na lang. Dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan, aksidenteng nadulas siya at mukhang mag-cra-crash landing siya sa lupa. Ngunit ang in-e-expect niyang putik sana'y naging isang pamilyar na matigas na bagay. It was... Ansel's chest.
Mabilis niyang inimulat ang mga mata at napakurap kurap sa binata. Nakahiga na ito sa putik para lang saluhin siya at mukhang hindi nito nagustuhan ang naganap. Seryoso na naman kasi ang mukha nito.
"S-Sorry," mabilis niyang sinubukang umalis sa mga bisig nito pero pinigilan siya nito. At dahil naturang mas malakas, wala siyang nagawa kundi manatili rito.
"No. Ako dapat ang nag-a-apologize," mahinang usal nito. "I was belittling how much you wanted to be in this trip. Hindi ko inisip kung kailangan mo ba ng kasama o okay lang na dumistansya ako... I mean, I did something that you wouldn't have forgiven me for."
Saglit na tumigil ito bago nagpatuloy muli. "Dumidistansya ako sa'yo on purpose dahil baka mabuhay ko ang galit sa puso mo. Alam kong ako ang pinakahuling taong gusto mong makita o makasama, kaya hinayaan lang kita," he reached out to tuck some hair strands behind her ear. "Ngayon, if you don't really mind my presence, sasamahan na kita kung saan mo gustong pumunta. Pagtiyagaan mo na lang ako, alright? Dalawang linggo at ilang araw na lang naman."
Napatango na lang siya. She was at a loss for words. Isa lang ang mas nag-stick out sa monologo nito at iyon ang sinseridad na nakita niya sa mga mata nito. Ang mga matang ni minsan ay hindi tumingin sa kanya nang ganoon.
Comments (0)
See all