NANG PABALIK NA sila sa cabin, doon lang nakahinga nang mabuti si Cass. Dalawang aktibidades lang ang ginawa nila ngunit sa dalawang iyon pakiramdam niya ilang beses na siyang pwedeng atakihin ng puso. Bukod kasi sa may fear of heights siya, mapilit naman ang binata na subukan niya ang mga bagay bagay na sa tanang buhay niya ay hindi niya pa nasubukan.
Buti na lang at hindi naman ito ganoon kasama at nagpasya naman itong umuwi na sila ng hapon na iyon para makapagpahinga. Kanina pa kasi nangangatog ang kanyang mga tuhod.
"Kamusta naman?" tanong nito nang makababa na sila sa sasakyan.
"Buhay pa ako," sarkastikong sagot niya. "Pero kapag namatay talaga ako sa mga pinapagawa mo sa akin, lagot ka."
"Ikaw naman, at least kasama mo ako. Ayaw mo nun, mamatay kang may nasilayang kagwapuhan," komento nito at naiinis na mahinang sinuntok niya ito sa braso.
"Ang talino mo ha, kaso ang hangin mo rin," komento niya.
Natawa lang ito. "But to be serious, Caz."
"Cassidy."
"Caz."
"Cassidy nga."
"Caz. Close na tayo e."
Pinandilatan niya ito. Aba'y assuming ang Kuya niyo. "Paano naman tayo naging close?"
"Hmm," saglit na nag-isip ito at nang makabawi, ang lawak ng ngiti ng mokong. Nasasanay na siya sa ngiti nito and honestly, it wasn't bad. Mas maganda nga na nakangiti ito kaysa sa laging blanko ang ekspresyon nito.
Himala nga na lagi siyang ngingitian nito gayong sobra itong makaangil sa kanya noon. And he definitely looks better when he's smiling, parang gusto na niyang maniwalang ma-achieve agad ang world peace dahil lang sa ngiti nito.
"Ready ka na?" pukaw nito sa atensyon niya.
"Saan?"
"Sasabihin ko na lahat ng ebidensya kung bakit close na tayo," panimula nito at pinagtaasan niya ito ng kilay. Tumango na lang siya para pagbigyan ito. Malawak pa rin ang ngiti ng binata at hindi niya alam kung dapat ba siyang kabahan. "You hugged me, you held my hand, you've seen me half-naked, pinitik mo ang ilong ko, hinahampas mo ako... at kinakausap mo ako. So, if anything, I think we're already close enough."
Ngali-ngaling hampasin niya ulit ito. Maraming makakakuha ng maling ideya sa pinagsasabi nito. Sa halip, humalakipkip na lang siya. "Well, kulang pa 'yon. As far as I'm concerned, acquiantances pa lang tayo."
He tilted his head to the side, he looked damn amused. "Kulang pa 'yun? Ano pang gusto mo? Gusto mo ba hubo't hubad na ako sa susunod? May bayad na 'yun, ah."
Namumulang tuluyan na niyang pinaghahampas ito. Natatawa lang naman itong sinasalo ang mga hampas niya. Hindi naman siguro ito nasasaktan at hindi naman siya makapalo nang maayos. Hindi lumaon nakitawa na rin siya rito. Mukha namang magiging friends nga sila, minus the unnecessary parts.
PAGKABUKAS NA PAGKABUKAS ng pinto ni Cass, mabilis pa sa alas kwatrong nagtago siya sa likod ni Ansel. Nagtatakang liningon naman siya nito. "Hey, anong nangyari sa'yo?"
"May ipis!" Sigaw niya sabay turo sa naturang ipis. Malaki at itim ang ipis na iyon na kasalukuyang inosenteng naroroon lang malapit sa kama niya. "Dali patayin mo!"
"Wala namang ginagawa sa'yo," wika ng lalaki at ngali ngaling sipain na niya ito.
"Ano ka? Peace advocate ng ipis?"
"That's--"
Gumalaw ang ipis at hindi sinasadyang napatili na naman siya. Mas humigpit din ang pagkakahawak niya sa T-shirt ng binata at ang usual na nakaka-distract na bango nito ay hindi na niya napapansin ng dahil lang sa insekto. "Please, Ansel."
Napabuga ito ng hangin at akay akay siya, lumabas ito ng cabin at isinara ang pinto sa likod nito. Nakahawak pa rin siya rito. "Kung hindi mo papatayin yung ipis, palit tayo ng kama," sabi niya. "Baka bigla akong atakihin niyan."
Ngumiti lang ito at saglit na inalis ang kanyang kamay sa T-shirt nito. "Kalma ka lang, Caz. Ako na ang bahala," dumukot ito nang kung ano sa bulsa nito at iniabot sa kanya. Nakatitig siya ngayon sa isang daan. Nakakunot noong tinignan niya ito.
"Ano namang gagawin ko sa isang daan? Ansel naman, mag-joke ka naman nang matino," naiinis na sabi niya rito.
Walang emosyong kinurot lang nito ang pisngi niya. "Balik ka nga sa 7-eleven at bilhan mo ako ng Black Coffee. Bili ka na rin ng sarili mong coffee kung gusto mo. Come back after fifteen minutes."
"Ano naman ang gagawin mo?"
"Makikipag-meeting conference sa mga ipis sa cabin. Sige, see 'ya," bago pa siya makapagsalita ay bumalik na ito sa loob at ni-lock pa nito ang pinto.
What? Minsan, naiisip niya rin na baka may saltik nga talaga ito sa utak. Nasobrahan siguro ng talino. Umiling na lang siya at sinunod ang inutos nito.
NANG NAKABALIK NA si Cass, natagpuan niya si Ansel na asa labas ng cabin nila. Nakatuntong ito sa railing at nakatingin sa kawalan. Linapitan niya ito at doon lang ito tila nagising sa pagmumuni muni nito. "Ano 'yan? Nakatulog kang nakatayo?" Tanong niya rito habang inaabot ang pinabili nitong black coffee. "Medyo matapang daw 'yan, sabi ng cashier. May plano ka bang magpuyat ngayon?"
Tinanggap naman nito ang kape. "Wala, gusto ko lang hawakan."
"Okay ka lang ba?" Saglit na inalis niya ang tingin rito at binuksan ang sariling inumin. Kumuha naman siya ng simpleng deboteng milk chocolate para hindi na niya kailanganin pa ng can opener. Kumuha pa siya ng extra na inumin kung sakaling hindi naman inumin ni Ansel ang black coffee. Kinuha agad niya iyon nang sabihin ng kahera na matapang ang kinuha niya. Ayaw niya namang biglang mag-palpitate ang binata.
"Okay lang, andito ka na e," pasimpleng sabi nito ngunit sa flat na tono. Ang sweet na sana kahit 'di siya naniniwala pero halatang hindi naman iyon ang intensyon ng binata sa tono nito.
Napapailing na siniko niya ito sa tagiliran. "O, 'eto na lang inumin mo baka mag-palpitate ka diyan, mahirap na," iniabot niya rito ang kinuha niyang inumin. "Hindi 'yan masyadong matamis at hindi rin masyadong mapait. So, anong nangyari sa conference niyo ng ipis?"
Marahang natawa ito at kinurot muli ang pisngi niya na ikinalukot ng mukha niya. Naiinis na inalis niya naman agad ang kamay nito. "Masakit ah, alam kong cute ako, okay na 'yun."
"Sabi ng council ng Ipis aalis na raw sila."
"Hindi nga. Ano talaga ang naganap?"
Binuksan muna nito ang sariling inumin bago nagsalita. Tumingin ulit ito sa malayo. "Nag-spray ako. Ni-report ko na rin sa staff yung pangyayari para ma-check nila kung may iba pang naapektuhan."
"Talaga?" hindi niya napigilang ma-amaze sa sinabi nito. "May care ka sa ibang tao?"
Eksaheradong sinimangutan siya nito. "Ang sama mo. Baka nakakalimutan mong nagkakawang gawa ako sa'yo."
Marahang natawa na lang siya. Nang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito ay hinawakan niya ito sa braso. "Joke lang, Kuya. Kalma."
"Do you really think that I don't care about other people?" Tanong nito, hindi naman ito mukhang galit. Instead, he looked genuinely curious of what she thought. Ngayon niya lang rin napagtanto na ang expressive pala ng mga mata ng binata kapag seryoso ito.
Nakaramdam na naman siya ng kakaibang nerbyos at napaiwas siya ng tingin. "Um... alam mo naman noon, you barely even cared about other people. Mostly lang nang nakikita mo ay si Greta and some other people you acknowledge... Kaya..."
"I see."
Saglit na sinilip niya ito at mukhang nagiisip na naman ito nang malalim. Nakonsensya naman siya. Kung tutuusin, hindi niya naman ito nakita ng apat na taon. It's not like she knew if he ever changed or not.
Tumikhim siya. "Well, 'di naman kita kilala ng lubos, ngayon lang," panimula niya, tumingin na rin siya sa scenery na tinitignan nito. Tahimik ang lugar, puro puno at wala siyang masyadong maaninag na ilaw bukod sa dalang liwanag ng kasalukuyang buong buwan. "Di ko nga alam na may tendency ka palang magpakasenti."
Ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya pero hindi niya ito nilingon. Kung trip nitong magpakasenti at dahil nakonsensya naman siya, sasamahan na lang niya ito.
Napailing lang naman ito ng kaunti. "Nakita ko yung journal mo."
Mabilis na hinarap niya ito at bilog na bilog ang mga mata niya sa gulat. "Hoy! Private 'yun, ah. Bakit ka Peeping Tom?"
Pinaningkitan naman siya nito ng mata. "Then, don't leave your things lying around, Caz."
"Ano ka ba? Lahat na lang binubuntingting mo, ano? Umamin ka hanggang saan ang nabasa mo?" Talo niya pa ata ang toro sa paglabas na ng usok sa ilong niya. Ang alam niya ba naman may silent agreement sila na walang makikialam ng gamit.
"Iyong part lang na nagreklamo ka tungkol sa akin," walang emosyong sabi nito, ibinalik na rin nito ang atensyon nito sa scenery. Isinandal na rin nito ang mga braso sa railing. "Plus points sa pagiging observant mo."
Inalala niya ang mga sinulat niya sa journal niya. Ang alam niya malilit lang na mga snippets iyon at nung mga unang araw lang iyon. Inaamin niyang j-in-judge niya talaga ito noong una pa lang. Pero, hindi lang naman iyon ang isinulat niya.
"Bakit ka naman nagpakasenti dahil sa sinulat ko?" napapailing na itinanong na lang niya. Noon, kahit anong sabihin dito ay wala itong pakialam. Minsan ngang may nageksenang babae sa may fountain ng school nila kasi ni-reject niya, pero 'di ito nagsalita, nag-walk out lang ito.
Saglit na nilingon siya nito at may maliit na ngiting sumilay sa mga labi nito. "Ang sama mo kasi."
"Aba siya, hindi ah, may positive rin doon. Binasa mo ba talaga o ini-i-skim mo lang?"
"I read it all," mahinang sabi nito at ibinaba na nito ang tingin sa iniinom nito. Huminga ito nang malalim at nanahimik. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin rito. Malay niya bang maapektuhan ito masyado sa pinagsusulat niya.
Kaya without thinking, inabot niya ang kamay nito at pinisil tulad nang pagpisil nito sa kamay niya ng asa zipline sila. Nagtatakang hinarap siya nito at ngumiti lang naman siya. "I think you're a good person, Ansel."
Hindi ito sumagot, sa halip, isinilid lang nito ang kamay sa kanyang kamay hanggang sa naramdaman na niya ang mga daliri nito sa pagitan ng mga daliri niya. Inatake na naman siya ng kaba at gusto niyang bawiin ang kamay.
"Okay," mahinang usal nito bago nag-iwas ng tingin at nag-concentrate na lang sa pag-inom ng coffee. Siya naman ay parang nag-sho-short circuit ang utak. Pasimpleng uminom na lang rin siya sa inumin.
His hand on hers felt nice and protective na para bang hindi na siya kakalma hanggang sa hindi niya hawak ang kamay nito. Ngunit, hindi niya alam kung tama ba na nagpapahawak siya ng kamay rito. Hindi kasi iyon normal. Kaya hindi nagtagal mabilis niya ring tinanggal ang kamay mula rito.
"M-Mauna na ako sa loob," mabilis niyang sabi at iniwan ito. Hindi naman siya nito pinigilan. At pagkarating niya sa kama, mabilis niyang isinubsob ang mukha sa kanyang unan at napatili. Kung sa kilig o sa takot, hindi niya na alam.
Comments (0)
See all