PINANDILATAN NI CASS si Ansel matapos nitong sabihin ang plano nito ngayong araw. Taliwas sa kahapon, hindi siya ginising nito kaagad. Sa halip, nag-paluto lang ito ng pang-agahan at iyon na ang nagisingan niya. Napabuga siya ng hangin.
"Alam kong para na akong sirang plaka sa kakatanong pero wala ka ba talagang planong patayin ako o gusto mo lang talaga ng kasamang maki-try sa mga extreme activities mo?" Baling niya rito habang nasa kalagitnaan ito nang pagsesepilyo.
Tinignan siya nito bago tinapos muna ang ginagawa. Napahalukipkip siya habang matamang tinitignan ito. Bukod kasi sa may fear of heights siya, mayroon din siyang fear of the deep. Fascinated naman siya sa konsepto nang pag-de-deep sea diving ngunit inaatake na naman siya ng mga masasamang premonition. At of course, gusto niya rin niyang ma-try ang kayaking, ngunit nakita niya sa picture ang naturang aktibidad at mukhang aatakihin na talaga siya sa puso.
Liningon na siya ni Ansel at nakangiti na naman ang mokong. Akala siguro nito ay tatablan na naman siya ng karisma nito. Ngunit, sorry na lang ito at sanay na siya. What with seeing him half-naked twice and being so unbelievably close with him for what seemed like a few days shy from when she knew him in College. Kaya syempre naka-build up na siya ng ammunition dito at hindi na tatalab ang pa-cute nito.
"Hmm," usal nito, halatang nahalata na hindi siya nag-react sa ginawa nito. "Ikaw naman, hindi ka naman namatay sa past activities natin ah. Advance ka mag-isip, Caz."
"Malay mo. May mga namamatay kaya sa aksidente."
Napailing lang ito at nanatiling nakangiti. "Just, don't worry about it, alright? Or gusto mo bang maiwan rito?"
At mag-alala rito kung hindi man ito makabalik? No thanks. "Bakit naman ako magpapaiwan? Baka maalala ng mga ipis na may nakalimutan pa silang idulog sa'yo, bumalik pa sila ng wala sa oras."
Natutuwang inakbayan siya nito at naramdaman na naman niya ang kakaibang nerbyos nang maglapat ang katawan nila. Immunity pala, ah, nakakalokang sabi ng lohikal na parte ng kanyang utak. Sinansala niya ang boses na iyon at sinubukang hindi na lang pansinin.
"That's why I like you, Caz. Tara na?"
"Fine."
Nang naroroon na sila, gusto na namang mag-back out ni Cass. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon na sabihin agad iyon sa binata. Sinubukan nitong kunin ulit ang mga kamay niya ngunit prepared siya kaya napahalukipkip siya. Mahirap na, baka kahit may immunity siya ay matamaan pa rin siya ng karisma nito.
Nanatiling nakangiti ang binata kahit napansin nito ang tahasan niyang pag-iwas sa physical contact. "Ayaw mo bang makita ang mga dolphin nang malapitan o makita ang mga coral reefs?"
"Syempre gusto ko... may aquarium naman."
"Ayaw mo ng close-up? Iyong pwede mo silang hawakan?"
"May program naman sa Subic na pwede kang lumangoy kasama ang dolphin."
Matamang tinignan siya nito, mukhang sinusubukan nitong alamin kung seryoso ba siya sa pag-ayaw o hindi.
"Sige na nga," sabi nito. "Hindi na kita pipilitin. Basta kung hindi ako makabalik, tawagan mo agad si Greta at sabihin mong mahal na mahal ko siya at sila Mama at Papa."
He sounded serious as he turned and asked one of the staff to suit him up. Gulat na tinitigan niya lang ito at lumingon naman ito para ngitian siya. "Ay, ito pala, pa-picture," inabot nito ang phone nito sa kanya at napapailing na kinuha niya naman iyon para picturan ito. "Alam mo na... kung sakaling hindi ako makabalik. At least, may last na token ako sa mga admirers ko."
"Oh my God," naiinis na sabi niya sabay tabi dito at nakipag-selfie. Hindi naman ito nag-atubiling akbayan siya at nag-peace sign pa ang mokong. Napapailing na ibinalik niya ang phone nito. "Ikaw, Ansel, masasakal na kita."
"What did I do?" Painosenteng tanong naman nito habang nakatingin sa litrato nila sa phone nito. "Ang cute ko naman dito."
Napailing na lang ulit siya at lumapit sa isa pang staff para magpa-suit up. Nang linungin niya ito, malawak ang ngiti ng magaling na binata. Bwisit, natablan pa rin ako. Nginitian niya naman ito nang pagkatamis tamis at natawa lang ito, halatang nakuha kung ano ang gusto niyang iparating.
"Sabi ko na nga ba, worried ka sa akin," sabi nito nang matapos na rin siyang ma-suit up.
"Che. Maka-emotional blackmail ka naman diyan."
"Effective naman di'ba?"
Pinalo niya ito sa braso at pinaningkitan ito ng mata. "Don't joke about things like that, you jerk. Sinasakyan ko lang pero paano nga kung mapano ka talaga."
Saglit na natahimik ito at napalis ang ngiti sa mga labi. Mataman siya nitong tinignan at hindi naman niya ito inayawan. Tinignan niya lang ito hanggang sa ito na mismo ang nag-iwas ng tingin. "Ang cute mo, Caz."
"Alam ko. Paulit ulit ka naman."
Napailing na lang ito at inilahad ang kamay. "Let's go?"
At dahil wala naman siyang ibang makakasama sa pag-de-deep sea diving kundi ito ay kinuha niya na lang ang kamay ng binata. Tinanguan siya nito nang maramdaman na nito ang kamay niya. Together, they went deep down at habang palamig na ng palamig ang tubig ay pahigpit ng pahigpit ang paghawak niya sa kamay nito.
HINDI MAKITA NI Ansel ang dalaga simula nang nakabalik na sila sa pagda-dive. Plano niya sanang ayain itong magmeryenda muna bago sila magkayaking. Ngunit naghiwalay lang sila ng konti para mag-shower, paglabas niya wala na naman ito. Napatanong na nga siya sa mga babaeng lumalabas sa shower kung naroroon pa ang dalaga, ngunit wala namang nakakita rito. Sinubukan niyang tawagan ito ngunit hindi naman ito sumasagot. Galit ba siya sa akin?
Imposible naman iyon at hindi nito binitawan ang kamay niya hanggang sa umahon na sila.
Napailing siya. Nagsisimula na siyang mag-alala rito. She always seem to worry him more than he worries her. Simula pa lang nang tumuntong sila sa Villa Montenuma ay hindi na siya mapakali sa kalagayan nito. Idagdag pa niya ang pagbabanta ng kapatid niya sa kanya kung sakaling may mangyaring masama sa dalaga.
Although, this time, iba na ang nararamdaman niyang pag-alala. He is worried more on his own. Noong una, nag-aalala lang siya dahil kailangan niyang mag-alala rito. Kargado konsensya niya kasi ito.
Napabuga siya ng hangin at nagsimulang maghanap. Marami kasing tao sa naturang parke na malapit sa deep sea diving area dahil malapit ito sa picnic area at souvenir shop. At dahil natural na maliit ang dalaga, hindi niya ito madaling mahahanap sa dami ng taong naroroon. Tinawagan niya ulit ito ngunit hindi pa rin ito sumasagot. Where the hell are you, woman?
Malapit na siyang magpa-search party kung hindi niya lang ito nakita sa sulok ng gift shop. Nakaupo ito sa harap ng isang umiiyak na bata. May isinasayaw pa itong stuffed bear para aluin ang bata.
He sighed... in what seemed like relief. Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito.
"Ansel!" Gulat na usal nito nang makita siya nito.
"Hi, Caz," nakangiting kinurot niya ang pisngi ng dalaga na agad na ikinasimangot nito.
Ngunit, hindi na lang niya iyon pinansin at lumingon na lang siya sa umiiyak na bata. "Hi, little girl," kinuha niya ang mga kamay ng bata at pinisil iyon. "I'm Kuya Ansel and this is Ate Cassidy, we're here to help. Can you tell me your name?"
Suminghot ang bata at tinitigan lang siya. Nanatili siyang nakangiti at naglabas siya ng tissue para rito. Inabot niya iyon sa bata at ginamit naman nito agad niyon. "Alright, you don't have to tell me your name, but you need to tell me what we can help you with, okay?"
"Mommy," sabi ng bata. "I want to see Mommy."
"Alright, we're going to see Mommy, okay?"
Tinulungan niya na ito sa pagpupunas ng mukha at tumayo siya sabay buhat sa dalaga. Nang lingunin niya ang dalaga ay mukhang na-stuck na ata ang gulat na ekspresyon sa mukha nito at nanatili lang itong nakatingin sa kanya. "O, baka mahipan ka ng masamang hangin, ma-stuck ka sa ekspresyon na 'yan," naaliw na biro niya. "Ang cute mo pa naman, sayang."
Naalimpungatan naman ito at pinalo ang tuhod niya. "Che," ibinaling muli nito ang atensyon sa bata at ipinakita ang teddy bear. "Do you still want this bear, little girl?"
Tumango naman ang bata at pumunta ang dalaga sa cashier para bilhin iyon. Nang makabalik na ito ay inabot nito ang bear sa bata na nagawa naman nang ngumiti. "Okay, let's go find Mommy now, then?" Tanong niya sa bata at masiglang tumango tango naman ito.
Bago sila umalis ng souvenir shop, agad niyang hinawakan ang kamay ng dalaga. "O, bakit yan?" Defensive na tanong naman nito.
Pasimpleng nginitian niya lang ito. "Mahirap na, baka ikaw naman ang mawala."
Napapailing na lang ito ngunit hindi naman ito nag-reklamo. Sa halip, mas inayos pa nito ang pagkakahawak sa kamay niya. Without meaning to, naramdaman niya ang dahan-dahang pag-guhit ng ngiti sa kanyang mga labi.
Comments (0)
See all