HINDI KA TAKOT sa ferris wheel?” Tanong ng binata sa kanya, inaya kasi ni Cass ito na pumunta sa ferris wheel. Napapayag niya naman ito dahil ginamit niya ang ilang beses na pagpilit nito na isama siya sa mga extreme na aktibidades nito.
“I mean, takot ka sa heights pero ’di ka takot sa ferris wheel?” Pagtatama nito nang tinapunan niya ito ng masamang tingin.
Ngumiti lang siya at itinuro ang ferris wheel. “Hamak naman na mas safe yan, o. Tignan mo closed space ang car. At sabi nila maganda ang view ng Villa Montenuma ’pag gabi, mas makikita mo pa ang kabuuan ng Villa kung asa taas ka na.”
“Wala ka namang claustrophobia?”
Siniko niya ito sa tagiliran at eksaheradong sinimangutan. “Ano bang akala mo sa akin takot sa lahat ng bagay?”
He smiled slyly at siniko na naman niya ito. Napadaing ito sa sakit at nakonsensyang hinawakan niya ang nasiko niya. Alam niyang lagi niyang hinahampas ito kapag sumosobra na ito at usually namang parang walang impact iyon. Sabi nga nito minsan ay para lang siyang batang namamalo. “Uy, sorry... saan ang masakit?”
“...Gusto mo talagang pakiramdaman ang abs ko, ano?” Tanong nito na naging rason para sikuhin niya ulit ito. Sinadya niyang mas lakasan pa sa nakasanyan kaya mas naging totoo ang pagdaing ng binata. Saglit na napahimas ito sa napuruhang parte ng katawan at napahalukipkip lang siya. Inaasahan niyang pwedeng magalit na ito sa kanya dahil sa ginawa niya at naghahanda naman siya ng sasabihin.
Ngunit nang itinaas nito ang mukha ay malawak lang itong ngumiti. Nagniningning pa nga ang mga mata nito na para namang biniyayaan niya ito ng isang magandang regalo.
“Magtapat ka nga, masokista ka ba?”
“Hindi naman, ikaw nga lang ang pumapalo sa akin, e. Pati parents ko never pa nila akong pinalo.”
Pinandilatan niya ito at akmang may sasabihin pero nagsalita ulit ang binata at bumalik ito sa maayos na usapan. “Ahem... I don’t think you’re scared of a lot of things,” inaayos nito ang pagtayo at tinignan siya nang mabuti. “More like... masyado ka lang intent sa safety. Kaya iyong possible masamang mangyari muna ang naiisip mo sa halip na isipin kung ano bang mangyayari kung na-experience mo na.”
“True,” pagsang-ayon niya. “So, tara na?”
“Sure.”
Sakto namang walang masyadong gustong sumakay sa Ferris Wheel kaya nakakuha sila agad ng passenger car. Maliit lang ang espasyo sa loob at pwede lang talaga sa apat na tao. Dahil wala naman silang ibang kasabay ay sila lang dalawa ang naroroon.
Umupo siya sa isang upuan at ang akala niya ay uupo ito sa harap niya. Ganoon na kasi ang arrangement nila sa tuwing kumakain sila. Sa halip, umupo ang binata sa tabi niya. Naramdaman na naman niya ang kakaibang nerbyos sa kanyang katawan nang nagsimula nang umandar ang ferris wheel.
“Kung matakot ka ’man sa heights, andito lang ako,” alok nito sinabayan pa nito ng isang charming smile.
Napatitig lang siya rito. Ang ganda kasi nitong tignan sa dim light ng passenger car, dahil maputi ito ay ni-re-reflect na nito ang neon blue na ilaw ng passenger car. Para na tuloy itong Avatar.
Napangiti siya sa naisip at pabirong pinalo ang braso nito. “Sus, naghahanap ka lang ng rason para makatsansing e.”
Natatawa naman ito sa biro niya at napailing na lang. Nakakahalata na rin kasi siya na lagi itong naghahanap ng rason para mahawakan ang kamay niya. Ngayong araw palang na ito ay binilang niya kung ilang beses nag-landing ang kamay nito sa kamay niya. Sampung beses ang record nito.
Hindi niya naman ma-deny ito dahil bukod sa pakiramdam niya safe siya kapag hawak ang kamay nito ay gusto niya rin ang pakiramdam na hatid noon sa kanya. His fingers just seemed to fit well in her hand.
“Obvious na obvious ba?” Tanong nito na pumukaw sa atensyon niya.
Natawa naman siya rito kaya pinalo niya ulit ito sa braso. “Ikaw ah. Saan mo dinala si Ansel Dela Cruz? Sino ka?”
“What does that even mean?”
Natutuwa pa rin siya kaya ipinagpatuloy niyang sabihin ang gusto niyang sabihin. “Baka nakakalimutan niyo po na noon ni hindi mo ako gustong tabihan. Ayaw mo nga akong kausapin e, kung hindi ka lang sinasabihan ni Greta na batiin ako ay baka hindi mo pa ako iimikin. It’s just... surprising, you know?” At kung may maidadagdag pa siya, nasosorpresa rin siya sa mga ginagawa nitong maliit na akto ng kabutihan.
In fact, madami itong ipinakita ngayon. Matapos kasi nilang mahanap ang nanay ng bata, may nakita naman silang Ale na gustong magtanong kung asaan nito makikita ang Trekking Lane at ang binata na mismo ang nagprisintang samahan ang Ale. At nung nag-lunch sila, niyaya pa siya nitong pumunta sa lake kung saan may mga pato at nagsimula pa itong magpakain ng mga pato.
Dahil nga sa mga random escapades nito, natagalan bago sila nakapagkayaking. Hindi niya tuloy alam kung nagpapakitang-tao lang ito sa harap niya, ngunit dahil sa nakikita niya namang sinseridad rito ay kusang ginawa mismo nito ang mga ginawa nito kanina.
And it seems like four years really changed him.
“I’m sorry,” biglang sabi nito. Nahimigan niya ang pag-iiba ng tono ng boses ng binata. Bukod roon, lumipat pa ito sa harap niya at mataman siyang tinignan. Seryoso ang mukha nito at kahit na dim ang ilaw halata sa mata nito ang sinseridad.
Hindi makapaniwalang napakurap naman siya. “Bakit ka nag-so-sorry? May ginawa ka na naman ba?” Pinilit niyang hindi agad madismaya dahil sa pagbabago ng mood nito. Ano ba naman ito? Hindi marunong tu-mi-ming. Gusto niya pa naman enjoy-in ang pagsakay ng ferris wheel.
“For everything...” Sinserong pagpapatuloy nito. “I’m sorry for what happened before, Cassidy.”
Natahimik siya. Hinintay niya na gumuhit muli ang mga ngiti sa mga labi nito at sabihin nitong ito’y nagbibiro lang at masyado siyang seryoso. Ngunit, hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng binata. Nakatitig lang ito sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.
“A-Ah, iyon ba? Wala na iyon. Sinabi ko lang para frame of comparison. Okay na sa akin,” mabilis niyang sabi, sinabayan niya pa nang pag-iling. “We were kids, ano namang alam natin, di’ba? Tsaka, akalain mo nga it took us four years bago tayo naging magkaibigan. Ang cool mo naman pala e, ang cold mo lang nung College tayo.”
Idinaan niya na lang sa biro ang gusto niyang sabihin. Ang totoo, gusto niyang batukan ang sarili dahil inalungkat niya pa ang naganap. Oo, napatawad na niya ito. Ngunit minsan, hindi pa rin maalis sa kanyang alala ang ginawa nito sa kanya. Nagawa niyang kalimutan dahil hindi niya ito nakikita but seeing him now, it just reminds her of that scene.
Saglit na natahimik ito at nag-iwas ng tingin. May kung anong mabigat na hangin ang sumukob sa loob ng passenger car kaya minabuti na lang din niyang ibinaling na lang ang tingin sa labas ng ferris wheel. Kitang kita niya ang magandang tanawin sa labas at gusto niyang matawa dahil hindi man lang nila napansin iyon dahil kung anu-anong pinaguusapan nila.
Lumapit siya sa bintana at inilabas ang kanyang phone. Kumuha siya ng mga litrato na balak na naman niyang gamitin para sa isang article. Simula nang pumunta sila sa Villa at isama pa ang mga pag-sama ng binata sa kanya sa mga extreme na aktibidades ay marami na siyang naisulat na ideya sa journal niya. Buti nga at hindi pa siya masyadong kinakating magkulong sa kwarto at magsulat.
And so... she busied herself by admiring the scenery dahil hindi na ulit umimik ang binata. Naramdaman naman niya ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib at sinubukan niyang ’wag na lang iyong pansinin. Nagulat na lang siya ng bigla ulit itong nagsalita.
“Ang ganda nga ng scenery,” komento nito at sa gulat siyang lumingon rito. He was sitting close to her at nakatingin ito sa kanya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito dahil naka-poker face na naman ang binata ngunit mas lalo naman siyang kinabahan kaya nag-iwas na lang siya ng tingin.
“A-Ah, oo, tignan mo o, andoon yung cabin natin,” turo niya sa kung saan at doon lang naman nito ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Nakaturo siya sa mga mumunting bahay na malapit sa mga puno. Sa taas nang kinalalagyan nila, mukha lang na maliliit na parisukat ang mga cabin. Ang mga ilaw naman ay parang mumunting bituin na iba’t iba ang kulay.
“No, Caz. Snack bar ’yan,” anito sa flat na tono.
Nilingon niya ulit ito para kastiguhin ang ekspresyon nito, hindi niya mabasa ang mukha nito. Pati ang mga mata nito ay walang emosyon. Napaharap na lang ulit siya sa bintana, “Ah... ang liit kasi e.”
Itinuro nito ang isa pang maliit na parisukat, dalawang metro ang layo sa itinuro niya. “Iyon ’yung talagang cabin.”
Na-amaze naman siya sa ginawa nito at nagsimula siyang magtuturo ng mga lugar at nagsabi kung ano iyon. Tinama naman ng binata ang mga sinasabi niya at ni isa noon wala siyang nakuhang tama. Nang ’di lumaon, nagsimula na rin itong magbiro at napangiti na siya. At least, back to normal na naman ito.
HINDI PA TULOG ang dalaga. Iyon ang napansin ni Ansel nang maalimpungatan siya. Naririnig niya kasi ang kaluskos ng bolpen nito. Hindi nakabukas ang ilaw at dahil wala naman silang lampara roon, naisip niyang posibleng ang phone nito ang ginagamit nito para magsilbing ilaw.
Napakurap siya at pinigilan niyang gumalaw, maski na ang maghikab. Pinanatili niya lang ang paghinga nang maayos. Hindi niya pa ito nahuhuling nagsusulat sa journal nito. Lagi niya kasi itong kasama at minsan mas nauuna pa itong natutulog sa kanya.
Pumikit siya at nakinig sa ginagawa nito. Naisip niya na baka inilalagay nito sa journal ang pangyayari sa ferris wheel. Mukhang naiilang kasi ito sa paghingi niya ng tawad at mukha ring hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
Inisip niya ulit ang mga pangyayari ng araw na iyon. Paminsan minsan niya lang naalala ang naturang eksena. Ngunit dahil may constant reminder siya, hindi siya nahirapang makaalala.
“ANS... COME HOME early, please,” sinisipon na usal ng kakambal ni Ansel mula sa kabilang linya. “Wala si Mommy at si Daddy sa bahay... I need help.”
Tahimik na tinititigan niya ang love letter na buong araw na yata niyang pinagiisipan kung itatapon na lang ba niya na parang walang nangyari o kokomprontahin niya ang gumawa nito. Hindi nag-re-register ang sinasabi ni Greta sa kanya.
“Anseeeelllll, pleeeasssseeee.”
Napakurap siya at tumikhim. “Ano ulit ’yon, Gree?”
Hindi niya man nakikita ang kakambal ay alam niyang nakabusangot na ang mukha nito dahil sa inasal niya. Hindi pa naman maganda ang mood nito kapag may sakit. “Uwi ka na, please... Mamatay na ako, rito.”
“I told you not to stay up four days in a row to watch your K-dramas,” napapailing na sabi niya rito. Nagsimula na siyang maglakad at naghanap ng malapit na xerox-an.
Sumigaw naman si Greta sa kabilang linya dahilan para saglit niyang ilayo ang telepono sa tenga. Gumamit pa ito ng Korean word na hindi niya maintindihan. “Ikaw, Anselmo, kung wala lang akong sakit, makakalbo kita,” sabi nito nang ibalik na niya ang telepono pabalik sa tenga.
“Kelan pa ako naging Anselmo, Gree?” Saglit siyang lumiko at napabuntong hininga. “Fine. Just a minute. Matulog ka na muna riyan at huwag na huwag kang ma-tempt na manood ng isa pang episode, itatapon ko lahat ng posters mo riyan.”
“HOY!”
Pinutol na niya ang tawag bago pa nito magsimulang maglitanya at naroon na rin naman na siya sa xerox-an. Binati niya ang Manong na nag-xe-xerox at simpleng ibinigay ang letrang hawak hawak niya. Nagtataka namang kinuha iyon ng Manong.
“Iho, hindi ako nakikialam kung anong gustong ipa-xerox ng mga estyudante, pero bakit ka nagpapa-xerox ng love letter?”
Walang emosyong sinagot niya ito. “Remembrance po. Baka ma-bored ako at maisipan kong ipa-frame.”
TINIGNAN NIYA lang ang dalaga nang mabilis itong tumakbo sa pasilyo ng Journalism Building. Walang mabasang ekspresyon sa kanyang mukha. Alam niyang nasaktan ito at humanga siya na hindi siya nito ipinahiya katulad ng ibang mga babaeng ni-reject niya dati.
Sanay na siya sa ganoon. Nasampal na siya, nabuhusan ng tubig, pinaulanan ng mura at may nagpadala pa ng death threat sa kanya.
Prepared siya sa maaring gawin nito. Hindi niya lang inaasahan na ganoon pala ito kahina. Ni hindi man lang nito ipinaglaban ang nasirang pride.
Alam niyang may crush ito sa kanya. Sa dinami dami ng mga babaeng gustong magpapansin sa kanya at dahil likas na observant siya ay alam niya na ang mga sinyales. Kaya hinayaan niya lang ito dahil hindi naman ito tahasang gumagawa ng ikaiinis niya.
Ang akala niya ay simpleng paghanga lang din ang nararamdaman nito. But reading that letter and its heartfelt content made him realize that he had unwillingly made such a pure girl love him so much.
Alangan naman hayaan niya lang itong kahumalingan siya kahit na wala naman itong mapapala sa kanya.
It was better to hurt her early because he cannot promise her anything. But if he’s being honest, he appreciated every word in her letter. It was unbelievable how those words can reach his heart.
Naramdaman niya ang pag-vibrate muli ng phone niya at alam niyang hindi lang isang gamit ang ibabato sa kanya ni Greta kung nakita siya nito. Ngunit, hindi siya kumilos para umuwi na, bumalik lang siya sa loob at naglakad patungo sa basurahan.
Balak niya sanang pulutin ang love letter nito kaya inilagay niya lang iyon sa takip ng basurahan. Hindi niya nga iyon pinunit nang mabuti para hindi siya mahirapang i-tape iyon mamaya.
He narrowed his eyes at what he saw. The letter was torn into small and unrecognizable pieces. He sighed. Buti na lang in-expect niyang mangyari iyon.
Maliit na ngiti lang ang gumuhit sa mga labi ni Ansel sa naalala at ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Matagal na panahon ang apat na taon. Matagal iyon para saglit lang na makalimot ang dalaga, idagdag pa na hindi na sila muling nagkita simula ng araw na iyon. Nagbago ito for the better, pati na rin naman siya.
Sadyang hindi lang siguro mawawala sa utak nito ang naturang araw na iyon.
And oh the irony, dahil alam niya kung kelan siya nagsisimulang magkainteres sa babae. Ganoon niya kakilala ang sarili niya. At alam niyang nagsisimula nang magbago ang pagtingin niya rito.
Comments (0)
See all