This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Sinulat ko ito para ipasa sa school nung grade ten ako. Hahaha sana mag-enjoy kayo. In-edit ko na rin 'to.
---
Ngumiti ang dalagang si Summer nang makitang pumunta sa harapan ang kaniyang nobyo upang tanggapin ang parangal para sa pagkamit ng pangalawang puwesto sa kanilang klase.
Pumalakpak siya para rito habang ang mga mata'y kumikislap, at ang puso'y lumulundag nang dahil sa paghanga sa nobyo.
"At syempre, hindi pahuhuli ang pinakamagaling sa ating klase, si Summer De Guzman!"
Tumayo na si Summer, mga ngiti'y nakaguhit sa kaniyang labi. Lumakad siya papunta sa harap katabi ng nobyo habang tinatanggap ang parangal ng pagkamit ng unang puwesto sa klase.
Habang nakatayo siya at nakaharap sa kaniyang mga kaklase, naaalala niya ang mga gabing mas pinili niyang mag-aral kaysa makipagusap sa kaniyang nobyo. Sa wakas at nakita na niya ang magandang bunga nito.
"Binabati ko kayo, mga mahuhusay at masisipag na mag-aaral!" bati ng kanilang guro na siyang nagpabalik sa kaniya sa realidad.
"Uy! Binabati kita Summer! Ang galing mo! At syempre," kinalabit ng kaklase niya ang kaniyang nobyo. "...ikaw din Ace. Sadyang kahanga - hanga kayong dalawa , sapagkat kahit na kayo'y magkasintahan, hindi ninyo kailanman pinababayaan ang inyong mga grado!"
Napangiti si Summer na tumingin sa kaniyang nobyo. Niyakap lamang siya nito.
"Aw! Okay lang naman na maging kayo, ngunit maari bang huwag na ninyo ipakita sa amin ang ganiyan?"
Natawa na lamang ang magkasintahan sa sinambit ng kanilang kaklase.
Hapon na at malapit nang mag - uwian. Hinihintay na lamang ng klase na tumunog ang kampanilya bilang tanda ng uwian.
Abala pa rin si Summer sa mga gawaing pampaaralan nang lapitan siya ni Ace.
"Sum, pahinga ka naman kahit saglit! Maari mo namang tapusin iyan mamaya. Halika at umuwi na tayo para makapagpahinga ka na," Sambit ng kaniyang nobyo.
Ngunit tumango lamang siya at nagpatuloy sa ginagawa. Napasimangot si Ace.
"Masyado ka namang seryoso! Halika," hinawakan ni Ace ang kaliwang braso ni Summer para hilahin siya mula sa pagka - kaupo sa upuan. Tumayo si Summer at hinarap siya.
"Hay, ikaw talaga Ace!" Sigaw ni Summer sabay yakap kay Ace.
"Mauna ka na ha? Kailangan lang talagang matapos 'to. Magse - send na lang ako ng message. Love you!" dadgdag niya.
"Pero Sum—" natigilan si Ace nang halikan siya ni Summer sa pisngi.
"Hoy, hoy, hoy! Kayong dalawa, tama na yan at lumabas na kayo ng silid! Alam kong kahit na kayo'y magkasintahan ay hindi ninyo pinababayaan ang pag - aaral ninyo, pero parang - awa na. Gusto na naming umuwi."
Natawa na lang ang dalawa sa sinabi ng kanilang kaklase.
Nagpa - alaman na ang dalawa at umuwi na nga si Ace. Naiwan naman si Summer sa silid - aklatan ng paaralan upang tapusin ang natigil niyang gawain kanina.
Ala - sais na ng hapon at sa wakas ay natapos na niya ang lahat sa kabila ng minu-minuto niyang pagsilip sa kaniyang cellphone. Nag - unat siya sa kaniyang upuan at tumayo na para iligpit ang kaniyang mga gamit.
Tahimik lamang ang silid, hindi dahil sa bawal mag - ingay kundi sa kadahilanang iilan na lamang silang naroroon.
Naglakad siya papalapit sa isa sa mga istante ng mga libro para ibalik ang mga hiniram niya. Kasalakuyan niya itong inaayos nang may marinig siyang mga bulungan sa kabilang parte.
"Oo! Ewan ko nga eh, uto - uto siya! Naging top one pa siya ng klase, wala rin pala."
Natigilan siya sa narinig niya. Pamilyar ang boses na narinig niya.
"Hindi. Hay Summer! Pagod ka lang." bulong niya sa sarili.
Dumaan ang ikatlong markahan, at hindi na si Summer ang pinarangalan bilang nangunguna sa klase. Masyado kasi siyang naging abala nitong mga nakaraang araw sa kaniyang nobyo. Ngunit nagpapasalamat na lang siya at kahit papaano ay nagkamit pa siya ng ikatlong puwesto at syempre, masaya siya para sa kaniyang nobyo na siyang nagkamit ng unang puwesto.
"Binabati ko kayong muli!" Sigaw ng kanilang guro.
Masaya pa rin siya kahit na medyo may kumukurot sa kaniyang dibdib dahil dito.
"Ms. De Guzman? May I talk to you?" Tanong ng kaniyang guro. Tumango lamang siya at sumunod dito.
"Ms. De Guzman, hindi ko alam kung anong nangyari pero sayang naman ang pinaghirapan mo. Dalawa rin ang ibinagsak mo. Siguro, mas mabuting—"
"Sir. Alam ko naman pong nakapanghihinayang talaga, ngunit okay lang naman po ito sa akin. Mas pagbubutihan ko na lang po sa susunod. Hindi po ako makikipaghiwalay kay Ace." Putol niya kaagad sa nais sabihin ng guro.
"Sige. Basta tandaan mo na pinaalalahanan na kita. Nasa ikasampung baitang ka pa lamang, marami pa kayong makikilala. Pero kung iyan ang desisyon mo, ikaw ang bahala," Sagot ng kaniyang guro habang umiiling-iling na naglakad palayo.
Lumabas na siya sa silid ng mga guro at naglakad na para bumalik sa kanilang silid-aralan. Lumulundag ang kaniyang puso sa tuwa dahil nais na niyang batiin ang kaniyang kasintahan sa nakamit nito.
Pagkapasok ng silid nila ay kaagad siyang lumapit kay Ace na kasalukuyang kausap ang mga kaibigan nito.
Nakatalikod si Ace sa kaniya kaya tinawag niya ito. Mukhang hindi narinig ni Ace kaya niyakap niya ito mula sa likod.
"Congrats Ace!" Bati niya habang nakayakap dito.
Ngunit nagulat siya sa sumunod na nangyari. Kinalas ni Ace ang pagkakayakap niya rito at humarap sa kaniya.
"Salamat. Pero pwedeng mamaya na lang? Mag - uusap lang kami." Malamig na sambit nito.
Tila ba nabuhusan siya ng tubig sa inasal nito. 'May problema ba siya? Anong nangyayari? Parang may mali,' naisip niya sa kaniyang sarili.
"Okay," Hindi maitatago ang tabang sa sagot niya.
Lumipas pa ang mga araw at tuluyan nang naging malamig sa kaniya ang kaniyang kasintahan. Hindi na sila nakapag - uusap. Hindi narin siya nagkakaroon ng oras para rito.
Gulong - gulo na si Summer. Pumunta na lamang siya sa silid - aklatan hindi para mag - aral, kundi ang magpalipas ng oras bago umuwi.
Habang nakatayo sa mga istante ng mga libro ay bigla na lamang niyang naalala yung boses na narinig niya rito.
"Imposible..." bulong niya sa sarili.
Ayaw niyang isipin na ito ay ang kaniyang nobyo. Samakatuwid, naalala rin niya ang kaniyang guro.
'Hindi kaya kinausap siya ni sir tungkol sa marka ko kaya siya nagkaganoon? Isa pa, simula rin ng araw na yun, naging ganoon siya...' naisip niya.
"Hay, ewan. Basta, ayoko munang—" natigilan siya sa boses ng isang babae na galing sa likuran ng istante na kinatatayuan niya.
"Ano ba? Hahaha, 'wag ka ngang makulit!"
'Nako. Dito pa talaga sa library,' naiinis niyang naisip.
"Ikaw kasi eh..."
'Boses ng lalaki? Pamilyar...' naisip niya ulit.
"S - si... Ace ba yun?" Kinakabahang tanong sa niya sa sarili.
Nagdadalawang isip pa siya kung sisilipin niya sila. Maya-maya pa'y napagdesisyonan niyang dumungaw mula sa katabing estante.
Nagdasal muna siya na sana'y mali ang kaniyang iniisip habang unti-unti na siyang naglalakad papalapit sa dalawang boses na nag - uusap.
Nabato siya sa kinatatayuan niya nang dahil sa nakita.
Si Christa na kaklase niya at si... Ace na masayang nag - uusap, magkalapit ang mga mukha.
Walang pinapalagpas na segundo ay hinawakan niya sa braso si Ace at hinila palabas ng silid na iyon.
"What the?" Narinig pa niyang sambit ng babae.
"Teka, teka Summer. Bitiwan mo pa, ano ba?!" Bulong ni Ace nang makalabas na sila.
Nanginginig ang kamay ni Summer, naba-blanko ang isipan.
"B-bakit... Ace? Bakit? Paano mo 'to nagawa..?" Tanong niya habang ang mga luha'y nag-uunahan na sa pagbagsak.
Hindi makatingin ang natigilang mukha ng kaniyang nobyo.
"Wala na Summer, tapos na. Sorry," sambit nito.
Napanganga na lamang siya sa narinig mula sa nobyo.
"Totoo ba 'tong naririnig ko mula sa'yo, Ace? Nasaan na ang sense mo?!" Sigaw ni Summer.
"Hindi ko kasi ano, umm... hindi ako makahanap ng tamang timing—"
Hindi na nakapagpigil si Summer. Naalala niya ang kanilang guro.
"Teka, teka! Hindi ba si sir ang nagsabi sa'yo? Okay lang ako, Ace! I can manage! Hindi mo na kailangang gawin 'to para sa akin. Ibalik—"
"Anong ibig mong sabihin? Sir?" bakas sa mukha niya ang pagkalito at bigla na lang natawa.
"Ha. Sige na nga. Sasabihin ko na. Kawawa ka naman eh," pagpapatuloy niya.
Bumagsak ang balikat ni Summer sa narinig.
"A - Ace... anong nangyari sa'yo..?" Tanong niya muli.
"Nangyari? Sa akin? Baka sa'yo! Hindi ko talaga malaman kung paano ka naging top one eh! Tanga ka ba talaga o nagtatanga-tangahan ka—"
Naputol ang pagsasalita ni Ace nang dumapo sa kaniyang pisngi ang kamay ni Summer.
"I hate you! Hindi ikaw ang Ace na nakilala ko." nangingilid na ang luha sa mga mata niya, pinipilit na magsalita kahit sobrang hirap.
"Okay, we're done." dagdag niya, mga mata'y nakatitig sa kaniyang nobyo at tumalikod na para maglakad nang napatigil siya sa sinabi ng binata.
"Yes... from the start, tapos na tayo. Kasi hindi naman talaga kita minahal." malamig na boses ni Ace ang bumalot sa paligid.
Napalingon si Summer sa direksiyon ng kaniyang kasintahan. Lumapit si Ace sa kaniya, isang pulgada na lamang ang kanilang layo.
"Alam mo ba kung bakit kita niligawan?" Tanong ni Ace.
Tahimik lang si Summer ngunit walang tigil ang paghampas ng kaniyang puso. Umaasang may maririnig na maganda mula kay Ace.
'Baka kahit papaano, Ace. Maintindihan pa kita. Sana,' naisip niya.
"Wala ka talagang ideya?" muling tumawa si Ace.
"I used you and now? I'm the one who's on top! 'Di ko alam na madali ka pa lang manipulahin... sorry not sorry!" Tumatawang sambit ni Ace.
Kung para nang pinagsakluban ng langit at lupa si Summer kanina, hindi na niya alam kung saan pa siya lulugar ngayon. Kung bakit pa siya nasa mundong ito. Umasa na naman siya... at pinatunayan ni Ace na mali siya.
"Bakit... bakit mo ba 'to ginagawa?! Para sa grades? You're impossible! Nasa taas ka nga ngayon, mas mababa pa sa kailaliman ng lupa yang pag-uugali mo!" Sigaw ni Summer habang walang tigil ang pag - agos ng kaniyang mga luha.
"I... don't care." marahan na sambit ni Ace.
"Wala kang mararating kung ganiyan ang attitude mo! Remember, attitude comes first!" Tinalikuran na siya ni Summer at tuluyan nang umalis nang mabigat ang puso.
"Hindi pa tapos ang quarter... Ace." bulong niya sa kaniyang sarili.
Simula nang mangyari iyon, nagdesisyon si Summer na mag-pokus na lamang muna sa pag-aaral. Nakakabawi naman na siya. Puro pag-aaral ang kaniyang ginawa. Ngayon ay ang kanilang "Moving up ceremony".
"De Guzman, Summer A. Highest Honors."
Nagpalakpakan ang lahat habang si Summer ay umaakyat papunta sa entablado para kuhain ang kaniyang medalya.
"So proud of you, Summer! Sabi ko sa'yo, mag - pokus ka lang eh. Binabati kita muli!" Masayang bati ng kaniyang guro.
"Salamat sir! I learned my lesson po."
Ngayon ay nakatayo siya kasama ang kaniyang mga magulang at nakaharap sa kaniyang mga kaklase ay ngumiti siya. Inilibot niya ang tingin at nagtagpo ang mga mata nila ng taong nagturo sa kaniya ng maraming mga bagay, si Ace.
Matapos ang seremonya ay natigil siya sa pagtawag na narinig niya mula sa pamilyar na boses.
"Summer..." boses na nagbuhos sa kaniya ng malamig na tubig.
"Mommy, daddy, una na po kayo. May kakausapin lang ako."
"Sure. Nasa may canteen lang kami." Sagot ng kaniyang nanay.
Nilingon niya si Ace.
"Ace—"
Nabato siya sa kinatatayuan niya nang yakapin siya ni Ace.
"Sorry. I'm so sorry, Summer. I know na hindi na natin maibabalik ang dati pero... pero gusto ko sanang bago tayo magkahiwalay ay matapos natin 'to ng maayos..."
Hinarap siya ni Summer. Hapdi ang nararamdaman ni Summer sa tuwing naaalala ang mga panahong iyon. Mga panahong nagpa-ikot siya kay Ace. Ngunit iba na ngayon, kailangan na niyang magpatuloy sa buhay.
"Ma...matagal na kitang pinatawad, Ace. I'm hurt pero atleast, I learned after that day. We were immature back then, and alam kong ganoon din naman ngayon. Mga bata pa tayo at marami png mga bagay sa mundo ang kailangan nating malaman... Thank you for those days... kahit hindi totoo."
"Thank you Summer... Atleast, kahit kaibigan lang." nahihiyang sambit ng dati niyang nobyo.
"...Congratulations pala! You won back your place. Deserve mo yun." dagdag pa nito na may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Sige... T-thank you! Bye na rin!" Ayun na lamang ang nasambit ni Summer at tinalikuran na si Ace para maglakad palayo. Hindi niya gusto ang kakaibang nararamdaman niya sa harapan ng lalaki.
"Summer, gusto ko lang malaman mo na lahat ng iyon ay totoo."
Natigilan si Summer.
'Ngayon pa, Ace? Thank you, I became successful... minus you.'
Comments (2)
See all