Mga palakpak at "Woooooo" ang aking narinig mula sa aking likuran. Bagamat malayo ay naramdaman kong may nakakita sa ginawa kong iyon. Kinabahan ako at pinagpawisan ng malamig. Maraming tanong ang nagsulputan na naman sa isip ko: "Paano kung mahalata nila ang sikreto kong itinatago?", "Paano kung tanungin nila ako kung paano ginawa yon?". Humarap nalang ako sa kanila at nagpakita ng pilit na ngiti. Dalawang lalaki ang nakita kong nakatayo. Isa ay payat at ang isang ay kabaligtaran ng nauna.
"Napakalupit naman non sir! Ikaw na talaga ang the best", ani ng payat na binata.
"Tang**a sa clips ko lang nakikita yon dati, sobrang angas pala sa personal pre", dagdag pa ng kasama nya.
Sa aking paglapit ay mas naaaninag ko ang itsura ng dalawa. At nang makalapit na ako ay saka ko lang napagtanto kung sino talaga ang dalawang ito.
"Mga gagong 'to! Kinabahan ako! Akala ko kung sino na nakakita ng combo ko!", medyo malakas ang pagkakatrashtalk ko sa dalawa.
Kilala ko silang dalawa, mga programmers din sila ng UFO at mga nakalaro ko na rin kahit nung nasa totoong mundo palang kami. Ang payat na binata ay si Kian, at si Kerr naman yung isa.
Hindi na sila nag-atubili pang itanong lahat ng kailangan nilang malaman. Paano napadpad dito, Paano makakaalis.
"Sa maniwala kayo at sa hindi, hindi ko rin talaga alam. Natulog akong puyat sa kwarto ko tapos pagkagising ko, nandito na ako at nagtatanong din kung anong nangyari." paglilinaw ko sa kanilang dalawa.
"Sa ngayon ay lilibutin ko muna tong UFO upang malaman lahat ng kasagutan sa mga tanong ko, at sa oras na malaman ko na, hindi ako magdadalawang-isip na ipaalam sa inyo agad", dagdag ko pa upang mapanatag ang kanilang mga kalooban.
"Eh di samahan ka na namin sir, para malaman namin kaagad pag nalaman mo na", mabilis na sagot ni Kian.
"Oo nga noh? Bakit di ko agad naisip yon?! Sasama na lang kami!", gatong pa ni Kerr.
"Aagaw exp lang kayong dalawa eh! Ano bang pinaglalagay nyo sa Unique Class nyo?" sagot ko sa kanilang dalawa.
"Ano nga bang nailagay ko dito?! Spear---??? Teka nga at matignan!" , litong tugon ni Kerr.
"Basta sakin Ninja Assassin sir", agad na sagot ni Kian.
"Ayun! P*ta! Spear Gladiator pala ko", dagdag naman ni Kerr.
"Pwede na rin! Spear Gladiator eh di malamang Spear na main weapon mo nyan. Eh yang Ninja Assassin mo Kian? Kunai ang gamit?", agad kong tanong.
"Katana lang tayo sir, parehas naman silang galing Japan eh", pabiro pang sagot ni Kian.
"Aba! Ayos din sa pagpili ah! Tapos na ba kayo pumili pati mga libreng skills?" panibago kong tanong sa dalawa.
"Not to brag pero kanina pa ko tapos, meron akong Spear Charge, First Aid, at higit sa lahat mayro'n din akong Warcry para mapunta sakin ang aggro ng mga kalaban." taas-noong sagot ni Kerr.
"Tapos na rin ako pumili. Sakin naman Wide Vision, Shadow Step at Quick Slash lang kinuha ko sir." maigsi at mabilis na sagot ni Kian.
"Wide Vision para makita ang mapapatay nang monster ng ibang party, shadow step para makalapit tapos quick slash. Hanggang dito ba naman gagawin mo yan Kian! Hahahaha!" Pabiro kong sagot kay Kian.
"Negative tayo dyan sir! Ayaw ko ng kaaway dito." mala-kidlat na pagtanggi ni Kian.
Kitang kita ng dalawa kong mata ang pormahan ng dalawang ito. Mukhang ayaw rin magpatalo ng mga pinili nilang armor mula sa armor shop kung fashion lang ang usapan. Bagaman mukhang magaan, matibay ang leather set na suot ni Kian na ang kulay ay maitim na uri ng luntian. Si Kerr naman ay nakasuot ng kayumangging light plate set. Kita ang ilang pirasong bakal na parte na animo ay palamuting nagtatago ng buong kakayahan ng basic set na ito. At ako naman ay nakasuot lamang ng magkahalong dilaw at itim na light robe set, ito ang pinili ko dahil sa iisang rason. Ito lang ang mukhang kapa sa lahat ng set na nandito, dilaw ang kulay ng robe ko na maraming palamuting itim na zigzag na linya.
"Yun naman pala! Eh ano pang hinihintay natin dito, tara na at humabol sa exp, kanina pa nakaalis yung mga naunang pumili dito." aya ko sa kanila.
Pagkalabas namin sa Beginners Training Camp ay may nagpop-up na notification.
"Congratulations on Completing the Basic Tutorials. Please accept this [Unique Class Rename Card] as a token of appreciation" ang nakasulat sa notification. Bakas sa mukha naming tatlo ang munting ngiti dahil sa munting regalong ito.
"So ano nang balak?" tanong ni Kerr sa amin.
"Ano pa ba? Eh di .." putol kong sagot. Kasunod non ay inaccess ko ang System Menu, pinili ang Party, tapos pinili ang Invite, pinili ang option na By Area, hinanap ang pangalan nung dalawa at ininvite sa party.
"Palevel na para dumami agad skill slots at makapag-equip narin ng mas matinong equipments, sa level 8 madadagdagan na tayo ng dalawang skill slots." paglilinaw ko sa kanila.
"Kian hanapin mo na kaagad kung saang parte wala masyadong nagpapalevel para maubos na natin mobs dun" agad na plano ni Kerr.
"Okay sana yan Kerr kaya lang . . .", isa na namang putol na sagot mula sa akin.
Sabay sabay kaming lumingon sa paligid. Sa di kalayuan ay nakita naming lahat, at bakas sa mukha ni Kerr ang pagkabalisa sa nakita.
"P*kinginang yan pre! Bakit ganyan itsura sa personal nyan?" reklamo ni Kerr sabay turo sa isang mob.
"Okay lang yan pre, sanay ka na naman humawak ng basa at malagkit", pabirong sagot ni Kian.
"Sabagay! Pero p*ta hindi naman ganyan kalaki yon" sabat pa ni Kerr.
"Ay sus! Puro kayo reklamo, slime lang yan eh!" sagot ko sa kanila.
"Yabang mo naman sir! Porket di ka madudumihan dahil sa range skill mo dyan", hinaing ni Kian sa sinabi ko.
"Ah basta di ko itatank yan mga hayop kayo! Kadiri! Naiimagine ko palang na may malapot sa balat ko! Yuck!" reklamo parin ni Kerr.
"Mukhang mauubos mana ko dahil sa kaartehan nyong dalawa ah!" panapos ko sa usapan naming tatlo.
Kasunod niyon ay nag-umpisa na kaming pumatay at pumatay ng mga Slime. Kailangan lamang matamaan ng damage ang core ng mob na ito at mamamatay na siya dahil sa liit ng hit points nya. Gamit lang ako ng gamit ng Lightning Spark hanggang kaya ko. Si Kian ay unti-unti nang nawawala ang kaartehan at tuloy-tuloy na rin sa pagpatay ng mga Slime. Ngunit sa kabilang banda, si Kerr ay hindi parin maalis ang pagiging maselan. Kung kaya't hiniling ko na lamang na siya ang magpulot ng mga loot.
Nang mapansin kong pagod na ang lahat matapos ang ilang oras na pagbubuno sa mobs para magpalevel at magloot. Inaya ko sila kung gusto muna tumambay sa Zone 1 Town upang magpahinga.
"Tama na muna to! May bukas pa! Tambay muna tayo sa safe zone?", tanong ko sa kanila habang ramdam na ramdam ang pagod.
Hindi na sumagot ang dalawa at agad na lamang lumapit. Sabay-sabay naming tinahak ang kalsadang patungo sa Zone 1 Town. Ang tanging safe zone sa area na to. Sa paglalakad ay may narinig akong mahinang boses mula kay Kian.
"May bukas pa raw? Eh wala namang day-night rotation na code dito sa Zone 1 ah", medyo pabirong sabi ni Kian.
Napatawa kaming dalawa ni Kerr nang marinig ang sinabi nya. Hindi dahil katawa-tawa ang sinabi nya kundi dahil totoo lahat ang lahat ng iyon. Ang Zone 1 ay nilikha na puro lamang umaga. Ito ay upang madama ng mga players ang sipag upang magpalevel at maenjoy ang laro habang bago pa lamang sila sa UFO.
Pagkakataon na rin ito para kumain at makapaghanda ng mga bagong skills, weapons at equipment.
Comments (0)
See all