WEEK 1 - Ang sikretong si dexter lang ang nakakaalam.
WEEK 1 - Ang sikretong si dexter lang ang nakakaalam.
Oct 29, 2022
[ Pagbangon ng araw at paglubog ng buwan.]
"Attention Everyone, pumunta kayong lahat sa dining room para maibuking ko na ang ikatlong sikreto."
matapos ng announcement ay lumabas ako ng silid at dali-dali akong pumunta sa dining room.
"Hmm... siguradong mag-aaway kayo dito. Ikatlong sikreto, may isa pang kasamahan si zutto na magnanakaw at isa siya sa inyo."
Nagsilayuan ang lahat sa isa't-isa matapos marinig ang ikatlong sikretong biglang naglakad si yuwie papalapit kay zutto.
"Sabihin mo saming lahat kung sino ang kasamahan mo!"
"Kahit kailan, Hinding-hindi ko ipapahamak ang kasamahan ko." seryosong sinabi ni zutto at sabay umalis.
Nagsi-alisan na ang mga tao sa dining room kaya't sinubukan kong maghanap ulit ng clue ng biglang lumapit sakin sila wilson at Tristan.
"Felix, anong hinahanap mo?" nag-aalalang sinabi ni wilson.
"Naghahanap ako ng clue tungkol sa mastermind."
"Pwede ba kaming tumulong ni Tristan?"
"syempre naman."
Pitong oras na kaming naghahanap ng clue pero wala parin kaming makita ni-isa.
"Naghahanap ba kayo ng clue?" magalang na sinabi ni dexter.
"Dexter?"
Nagulat ako sa aking nakita, Ang saya-saya ko nung araw nayun dahil buhay pa pala ang matalik kong kaibigan.
"Mas maganda sana kung maghahanap kayo ng labasan kaysa maghanap ng clue tungkol sa mastermind."
"ok"
Naghanap kaming apat ng labasan kaso wala parin kaming makita kaya nagpahinga nalang kami.
"nakakapagod!" hingal na hingal na sinabi ni Wilson.
"ok lang yan, malapit naman ng magdinner time."
masaya kaming apat na nagkukuwentuhan hanggang sa mag-announce na naman ang mastermind.
"Alas siyete na ng hapon, pumunta na kayong lahat sa dining para kumain."
Pumunta na kaming apat sa dining room para kumain ng masasarap at mamahaling pagkain.
"Ang sarap talaga ng mga pagkain nila dito." masayang sinabi ni Wilson
Ang saya-saya ko dahil nung mga araw nayun dahil sa sobrang sarap ng mga mamahaling pagkain na nakahain sa lamesa kaso nawala lahat yun nung lumapit sakin si dexter at bumulong sa tenga ko ng
"__________" pabulong na sinabi ni dexter
kinilabutan ako nung mga araw nayun dahil sa nalaman ko at dali-dali akong pumunta ng banyo at sabay isinuka ko lahat ng mga kinain ko.
"Attention Everyone, Sleeping time na kaya't bumalik na kayong lahat sa inyong mga kwarto." sabay namatay ang speaker.
Pagtapos nun ay dali-dali ako bumalik sa kwarto para matulog.
"Kuya Dexter, Sayo nalang itong Teddy Bear ko." masayang sinabi ni wilson.
Lumapit si dexter kay wilson at sinabing.
"maraming salamat." masayang sinabi ni dexter at sabay kinuha ang teddy bear.
"wala yun" sabay bumalik si wilson sa kaniyang silid.
Tinapon ni Dexter ang Teddy Bear sa basurahan at sabay naglakad pabalik sa kaniyang silid.
[Ang Pagkabuhay ng araw.]
"Attention Everyone, pumunta kayong lahat sa dining room para maibuking ko na sa inyo ang ikaapat na sikreto."
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at naglakad papuntang dining room.
"Ang ikaapat na sikreto, Luntikan ng mapatay ni joshua ang isang inosenteng bata. buti nalang at napigilan ko pa siya."
"geez... Tungkol lang pala sakin ang announcement ngayon araw." sabay umalis ng dining room
Matapos umalis ni joshua sa dining room ay nagsi-alisan narin ang lahat at naghiwahiwalay narin kaming apat para mapabilis ang paghahanap ng labasan. Habang naghahanap si dexter ng labasan ay napansin niyang may sumusunod sa kaniya.
"Bakit mo ba ako sinusundan!" pasigaw na sinabi ni Dexter.
"Bakit mo tinapon yung teddy bear sa basurahan."
"Pasensiya na, sadyang hindi lang talaga ako mahilig sa Teddy Bear."
"Ok lang, marami pa naman akong Teddy Bear sa kwarto."
"woah, lahat ba yun may *** sa loob?"
biglang nagulat si wilson sa kanyang narinig.
"Panong!"
"pasensya na mukhang nasabi ko yata sikreto mo pero wag kang mag-alala hindi ko ipagkakalat ang sikreto mo kahit yung set-up plan niyo ni ******."
Mas lalong kinilabutan si wilson sa kaniyang narinig.
"sino kaba talaga?" kinakabahang sinabi ni wilson
"secret!" masayang sinabi ni dexter at sabay umalis
Habang Naglalakad si Wilson pabalik sa kaniyang silid ay nakasalubong niya si zutto.
"Zutto, sayo nalang itong Teddy Bear ko!" masayang sinabi ni wilson.
"ok"
[Banyo.]
nandoon si wilson at si ******
"Bakit mo ba ako tinawag?"
"alam ni dexter lahat, alam niya yung tungkol sa Teddy Bear pati rin yung set up plan natin."
pagkatapos ipaliwanag sakin ni wilson ang mga nangyari, napagtanto ko na nasa panganib na kaming dalawa.
"Huwag kang mag-alala, ako ng bahala kay dexter." masayang sinabi ni ******
Malayo na ang narating namin ni Wilson kaya hinding-hindi ko hahayaang masira ang lahat ng yun.
Comments (0)
See all