"Alas siyete na ng hapon kaya pumunta na kayong lahat sa dining room para kumain."
Nagsipuntahan na silang lahat sa dining room para kumain ng masasarap na pagkain.
"Kuya Felix, bakit hindi ka pa kumakain?" nagtatakang tinanong ni Wilson.
"Busog pa kasi ako."
"Ahhhh!"
Habang nagkukuwentuhan kami ni Wilson ay may biglang sumigaw ng.
"Binibining Erica, magsayaw tayong dalawa!" masayang sinabi ni yuwie
"Hindi."
"Eriica, pumayag kana kahit ngayon lang." masayang sinabi ni yura.
Siya si yura, ang pinakamatalik kong kaibigan. simula nung 7 years old ako ay naging kaibigan ko na siya.
"Sige na nga!" nahihiyang sinabi ni Erica.
Masayang nagsasayawan sila erica at yuwie hanggang sa mag-announce ulit ang mastermind.
"Attention Everyone, sleeping time na kaya't bumalik na kayong lahat sa inyong mga silid." sabay namatay ang speaker.
Nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang silid.
"Binibining Erica, maraming salamat sa pagpayag mong sumayaw." masayang sinabi ni yuwie at sabay umalis.
Pagkatapos nun ay bumalik na rin kami ni yura sa aming silid.
//Curfew Time.//
Nagsimula ng maglibot ang mastermind ng biglang sumulpot si Dexter sa kaniyang likuran.
"Ikaw nga yung mastermind!" masayang sinabi ni Dexter at sabay niyakap ng mahigpit si _
"wag mo nga kong yakapin."
"bakit? sikreto ko na ba ang ibubuking mo bukas?"
"hindi kaya bumalik kana sa iyong silid."
"ayoko atsaka sinu-sino pa ba ang mga nakaka-alam kung sino ang mastermind?"
"Sila ****** saka si *******, si felix hindi ako sigurado."
Nakipag-usap sakin si Dexter hanggang alas-tres ng umaga.
"Ok, babalik na ko sa aking silid."
Bumalik na si dexter sa kaniyang silid kaya bumalik na rin ako sa aking silid at ilang oras lang ang lumipas ay nagsimula na akong mag-announce.
"Attention Everyone, pumunta na kayong lahat sa dining room para maibuking ko na sa inyo ang ika-limang sikreto."
Nagsi puntahan na ang lahat sa dining room para sa ikalimang sikreto.
"Para sa ikalimang sikreto, si Erica ay isang retokada."
"huh!" nagulat si erica sa kaniyang narinig.
"yikes! hindi ako makapaniwalang nagkagusto ako sa isang retokada!" nandidiring sinabi ni yuwie.
"Pabayaan mo nayan erica, wala kang mapapala diyan." galit na sinabi ni yura at sabay umalis.
"Kuya yuwie, ito po yung teddy bear ko sayo nalang po." masayang sinabi ni Wilson at sabay umalis.
//Room 47//
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, nilalayuan na nila akong lahat!" umiiyak si erica dahil sa paglayo ng lahat sa kaniya.
"wag kang mag-alala nandito pa naman ako para protektahan ka."
"mabuti nalang at nandiyan ka!"
*Knock *Knock
"sino yan?" nagtatakang tinanong ni yura at sabay binuksan ang pinto.
"Ako po si Wilson, Nagbibigay po ng Teddy Bear sa mga taong malungkot para sila'y sumaya ulit."
Kinuha ni yura ang dalawang Teddy Bear na hawak-hawak ni Wilson.
"Salamat!"
"walang yun." masayang sinabi ni Wilson at sabay umalis.
Nandito kami nila Tristan at Dexter sa dining room para simulan na ang paghahanap ng labasan kaso hindi kami makapagsimula dahil nag-aalala na si Tristan na baka mabully na naman si Wilson.
"Mauna na muna kayo sa paghahanap at may gagawin lang ako." sabay umalis ng biglang pinigilan siya ni Dexter.
"Huwag!"
"Ano bang problema mo?"
"Wala, nag-aalala lang ako na baka mapahamak ka din."
"Sakto, nandito na pala si Wilson!" masayang sinabi ni Tristan.
"patawad kung nahuli ako ng dating may pinuntahan pa kasi ako!"
"ok lang yun."
Nagsimula na kaming apat sa paghahanap at katulad ng kahapon ay wala parin kaming nakita kaya nagpahinga nalang kaming apat hanggang sa mag-announce ang mastermind.
"Alas siyete na ng hapon kaya pumunta na kayong lahat sa dining room para kumain."
Masayang nagkakainan ang lahat ng mga masasarap na pagkain.
"Kuya Felix, kumain ka dito at halos kahapon ka pa hindi kumakain."
"Ok lang ako, may tubig pa naman."
Lumipas ang ilang oras ay nag-announce na naman ang mastermind.
"Attention Everyone, Sleeping Time na kaya't bumalik na kayong lahat sa inyong mga silid." sabay namatay ang speaker.
Nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang mga silid sa takot na mabuking ang kani-kanilang mga sikreto.
Bumalik na rin ako sa aking silid at natulog.
[Ang Paglabas ng Araw.]
"Attention Everyone, pumunta na kayong lahat sa dining room para maibuking ko na sa inyo ang ika-anim na sikreto."
Pumunta kaming lahat sa dining room para marinig ang ikaanim na sikreto.
"para sa ikaanim na sikreto, Habang nagdadrive ay nabunggo ni Tristan ang bata kaya hinagis ni Tristan ang bata sa ilog para burahin ang ebidensya."
Comments (0)
See all