"para sa ikaanim na sikreto, Habang nagdadrive ay nabunggo ni Tristan ang bata kaya hinagis ni Tristan ang bata sa ilog para burahin ang ebidensya."
Nanginig si Tristan dahil sa kaniyang narinig ng biglang lumapit sa kaniya si Wilson at sinabing
"Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin ni kuya felix kahit anong mangyari."
Nagpatuloy kami sa paghahanap ng labasan at gaya ng dati ay wala parin kaming mahanap na labasan kaya nagpahinga nalang kami sa isang sulok.
"mukhang wala na tayong magagawa!" malungkot na sinabi ni Dexter.
"Kuya tristan, huwag kang makinig kay kuya dexter dahil may natitira ka pang pag-asa!" seryosong sinabi ni Wilson.
"may natitira pa akong pag-asa?"
"opo, may pag-asa kang makaligtas kung mas malala ang sikreto na ibubuking ng mastermind bukas."
Habang nag-uusap kaming apat ay biglang nag-announce ang mastermind.
"Alas siyete na ng hapon, pumunta na kayong lahat sa dining room para kumain."
Pumunta na kaming apat sa dining room ng biglang nagulat kami sa aming nakita dahil puro hilaw na gulay ang mga nakahain sa lamesa.
"Anong ibig sabihin nito? nasaan na ang mga masasarap na pagkain?" galit na sinabi ni erica.
"patawad pero out of stock na kami sa meat ngayong araw kaya kumain nalang muna kayo diyan ng masustansyang gulay atsaka ngayon lang naman yan."
Dali-daling pumunta si dexter sa lamesa at kinain ang mga gulay na parang hayop.
"Yak, wala ba siyang manners!" nandidiring sinabi ni erica at sabay umalis.
Nagsi alisan ang mga tao sa dining room dahil nandidiri silang kumain ng hilaw na gulay.
"Mukhang mas pipiliin nilang magutom kaysa kumain ng hilaw na gulay." masayang sinabi ni Wilson.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya kumain narin ako ng hilaw na gulay.
"Mukhang gutom na gutom si felix." nag-aalalang sinabi ni Tristan.
Kumain kami ng kumain hanggang sa mag-announce ulit ang mastermind.
"Attention Everyone, Sleeping Time na kaya't bumalik na kayong lahat sa inyong mga silid." sabay namatay ang speaker.
Nagsibalikan na ang lahat sa kani-kanilang silid kaya bumalik na rin ako sa aking silid at natulog.
[Pag-alis ng buwan.]
"Attention Everyone, pumunta na kayong lahat sa dining room para maibuking ko na sa inyo ang huling sikreto."
Dali-dali akong pumunta sa dining room para marinig ang ikahuling sikreto.
"Ang ikahuling sikreto, si yuwie ang kasamahan ni zutto sa pagnanakaw."
"Kung ganon ay niloloko lang pala nila tayo!" galit na sinabi ni erica.
"Atleast tanggap ko kung anong itsura ko!"
"Ok, Simulan niyo na ang inyong botohan."
Hindi namin alam kung ano ang gagawin ng biglang nagtaas ng kamay si zutto at sinabing.
"I voted Erica"
"ako din, i voted Erica" masayang sinabi ni yuwie.
Biglang nagtaas ng kamay si Erica at sinabing.
"I voted yuwie."
"I voted yuwie din po." masayang sinabi ni yura.
ilang sigundo lang ang lumipas ay biglang nagtaas ng kamay si joshua at sinabing
"I voted Dexter."
Nagtaas si Wilson ng kamay at sinabing
"I voted kuya Dexter."
"I voted wilson" nakangiting sinabi ni Dexter.
Pagkatapos nun ay tinaas ko na rin ang aking kamay at sinabing
"I Voted Tristan."
Nagulat si Tristan at wilson sa kanilang narinig.
"Felix!" gulat na gulat na sinabi ni wilson.
"Sabi mo sakin tutulungan mo kong makaligtas!"
"may sinabi ako?"
[FLASHBACK.]
"hayaan mo tutulungan ka namin ni kuya felix." masayang sinabi ni wilson.
"Huwag kang mag-alala dahil tutulungan ka namin ni kuya felix kahit anong mangyari." masayang sinabi ni wilson.
[END OF FLASHBACK.]
"kung ganon I voted myself nalang din para wala ng gulo." nakangiting sinabi ni Tristan habang lumuluha.
Nagpatuloy ang botohan hanggang mag alas otso ng umaga.
"Tapos na ang botohan kaya sasabihin ko na sainyo ang bilang ng mga boto niyo from lowest to highest." masayang sinabi ng mastermind.
"Zutto - 1 votes, Dexter - 2 votes, Erica - 6 votes, Yuwie - 15 votes, at Tristan -76 votes, ang i-e-execute natin ngayong araw ay si Tristan."
Biglang sumulpot ang isang tali at pumulupot ito sa paa ni Tristan at sabay hinila siya nito papalabas ng mansion at dinala siya sa gitna ng kalsada.
[Highway From Heaven / Name of Execution.]
Nabunggo si Tristan ng isang humaharurot na van at kahit sugatan na ay pinilit paring tumayo ni Tristan ng biglang hinila siya ng tali papunta sa dagat. hindi niya magalaw ang kaniyang katawan dahil sa sugat na kaniyang natamo mula sa humaharurot na van kaya nalunod na siya na bunga ng kaniyang kamatayan.
"patay na si Tristan!" nanginginig na sinabi ni Wilson.
Comments (0)
See all