"Attention everyone, pumunta kayong lahat sa dining room para maibuking ko na ang ika-pitong sikreto."
Pagkatapos ng announcement ay dali-dali akong lumabas ng silid at pumunta sa dining room.
"Para sa ikapitong sikreto, Nakapatay si Binibining Erica ng isang lalaki."
Nagsilayuan ang iba kay binibing Erica.
"Hahahhahahha! Mabuti nalang at hindi ako masiyadong nagtiwala sa kaniya." Masayang sinabi ni miss Flores.
Nagpatuloy sa pagbitiw ng masasakit na salita si miss Flores ng biglang nagsalita si Yuwie.
"Wag kang magmalinis dahil lahat tayo ay may sari-sariling sikreto. Baka nga mas malala pa yung sayo!"
"Heh? Akala ko ba magkakampi tayo!"
"Kahit kailan hindi kita magiging kaibigan!" Seryosong sinabi ni Yuwie at sabay umalis sa dining room.
Nagsi-alisan na rin ang lahat sa dining room.
"Felix, Anong gagawin natin ngayon!"
"Hindi ko nga rin alam, Antayin nalang muna natin si Dexter."
"Kanino kayang sikreto ang ibubuking bukas?" Nagtatakang tinanong ni Farlix.
"Hindi ko alam."
"Ohhhh! Ayan na pala si Dexter."
"Pasensya na kung natagalan, may inasikaso pa kasi ako!"
"Ahhhhh!"
[ROOM 99 - Wilson's room.]
"Wilson, Sigurado ka bang hindi papalpak yung plano natin?" nagtatakang sinabi ni ******
"Kuya Joshua, Wag kang mag-alala dahil sisiguraduhin kong magtatagumpay basta sumunod ka lang sa mga utos ko."
"Ok!"
Joshua Pov: Lagi nalang akong umaasa kay wilson. Minsan nga napapaisip nalang ako na ano kayang mangyayari kapag namatay siya? Mamamatay na rin ba ako?
(Joshua Flashback)
"Wilson, umuulan ng snow!" Masayang sinabi ni Joshua.
"Kuya Joshua, pumasok kana dito at baka magkasakit ka!" Nag-aalalang sinabi ni wilson.
"Hindi yaa~" Biglang nahimatay si Joshua.
Pagmulat ko ng aking mata ay nasa silid na ko ni wilson.
"Kuya Joshua, magpahinga ka nalang muna dito!"
"Maraming salamat."
Simula nung mga bata pa ako ay iniwan na kami ng aming mga magulang at pinagsisisihan ko na masyado akong umaasa kay wilson. Siya dapat ang umasa sakin dahil ako ang kuya niya pero wala akong magawa, masyado akong mahina.
"Kuya Joshua, Teddy Bear po."
"Saan mo nakuha ito?"
"Tinahi ko po yan atsaka may dalawang malaking teddybear rin pala akong tinahi at iyun ay sila mama at papa."
"Ang galing talaga ng kapatid ko!"
(END OF THE FLASHBACK.)
"Kuya Joshua? Nakikinig ka pa ba sakin?"
"Ahhh Sorry may naalala lang ako!"
Pinag-usapan namin ni wilson ng mabuti ang magiging plano hanggang sa mag-announce ang mastermind.
"Alas siyete na ng hapon kaya't pumunta na kayong lahat sa dining room para kumain."
Pumunta kami ni wilson sa dining room para kumain.
"Felix, hindi ka pa rin ba kakain? Nangangayayat ka na!" Nag-aalalang sinabi ni Farlix.
"Hindi, busog na ko!"
Habang nag-uusap kami ni kuya Farlix ng biglang lumapit sakin ang isang lalaki at sinabing...
"Felix, long time no see!" masayang sinabi ni miguel.
"Sino ka? At bakit mo ko kilala?"
"Iyan ba ang **** mo ** * **********?" Pabulong na sinabi ni miguel.
"Oo, kaya mas maganda kung gagawin mo rin ang **** mo ng mas maayos." Nakangiting sinabi ni felix at sabay umalis.
Lumapit si Dexter kay Miguel at tinanong ng...
"Sino ka?"
"Ako nga pala si Miguel Estro, pasensiya na kung ngayong lang ako nakapagpakilala."
Habang nagpapakilala si miguel ay biglang nag-announce ang mastermind.
"Attention Everyone, Sleeping time na kaya't bumalik na kayong lahat sa inyong mga silid." Sabay namatay ang speaker.
"Sleeping time na pala hahahahaha! Magkita nalang tayo bukas." Masayang sinabi ni Miguel at sabay umalis.
Nagsi-balikan na rin ang lahat sa kani-kanilang silid.
[ROOM 99 - Wilson's room.]
Papasok na sana si wilson sa kaniyang silid ng biglang nakita niya ang isang sulat sa ilalim ng kaniyang pintuan kaya pinulot niya ito at binasa.
*Simula ngayon magiging alipin na kita. Susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko kung ayaw mong ibuking ko ang sikreto ng mga teddy bear mo at para na rin ito sa kaligtasan ng nakatatanda mong kapatid.*
"Kanino ito?" Kinakabahang tinanong ni wilson sa kaniyang sarili.
Pumasok na si wilson sa kaniyang silid at nag simulang magpahinga.
[Paglitaw ng araw.]
Nagising si Wilson ng Alas sais ng umaga at nagulat siya dahil may panibagong sulat na naman sa ilalim ng pintuan niya kaya't kinuha niya ulit ito at binasa.
*Pumunta ka sa Room 1 mamayang alas dose ng tanghali.*
Comments (0)
See all