"Attention everyone, pumunta kayong lahat sa dining room para maibuking ko na ang ika-pitong sikreto."
Pagkatapos ng announcement ay dali-dali akong lumabas ng silid at pumunta sa dining room para malaman kung ano ang ikawalong sikreto.
"Hmmm... Mukhang magandang sikreto ito. Para sa ika-walong sikreto, Anak ng presidente si Noah."
Nagulat ang lahat dahil sa kanilang narinig.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tinanong ni Noah.
Naguguluhan ang lahat dahil sa announcement ng mastermind ng biglang nagalita si michael.
"Ang ibig niyang sabihin ay may tiyansang ikaw ang mastermind!"
"Ako? Mastermind? Anong kalokohan ito!" Pasigaw na sinabi ni noah.
"Ikaw lang ang may kakayahang bumili ng malaking bahay na ito at ikaw lang din ang may kakayahang bumili ng yayamaning pagkain araw-araw."
"Mukhang nakakalimutan mo yatang vice president ang katayuan ni Gerald at kung ako ang mastermind bakit ko naman ibubuking na anak ako ng pangulo!"
"Simple lang, Binuking mo yung sikreto mo para hindi ka namin pagdudahan."
"May proweba ka ba!"
"Wala."
"Bwhahahahhahahaha, Judge ka ba talaga? Nanghuhusga ka ng tao, wala ka naman palang proweba! Kung ipagpapatuloy mo yan magmumukha ka lang basura sa korte!" Seryosong sinabi ni noah at sabay umalis sa dining room."
Nagsi-alisan na rin ang iba sa dining room.
"Sa tingin mo Felix, Posible kayang maging mastermind si Noah?" Nagtatakang tinanong ni Miguel.
"Hindi ko alam."
"Hmmm...Felix, May naglagay nga pala ng sulat sa ilalim ng pintuan ko."
"Anong nilalaman ng sulat?"
"Pinapapunta ako sa Room 1, ibubuking niya raw sikreto ko kapag hindi raw ako pumunta sa Room 1. Kung ikaw ako ano kayang gagawin mo?"
"..."
[Room 99 - Wilson's Room.]
"Wilson, Ano bang nangyayari dito at halos hindi ka mapakali diyan." Nagtatakang sinabi ni joshua.
"Kuya Joshua, May nang bablockmail sa akin!" Sabay binigay kay Joshua ang dalawang sulat na nakita niya sa ilalim ng kaniyang pintuan.
Binasa ko ang nilalaman ng sulat at nagulat ako sa aking mga nabasa.
"Kanino nanggaling ito?"
"Hindi ko alam! Hindi ko nga rin alam kung sino ang nakatira sa Room 1."
"Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita! Basta sumunod ka nalang muna sa mga ipag-uutos niya para hindi niya tayo mahalata!"
"Sigurado ka?"
"Oo kaya pumunta ka nalang muna sa Room 1 at iwasan ang paggawa ng maling kilos!"
"Opo."
[ROOM 1 - ???'s room.]
"Bakit mo nga pala kami pinatawag?" Nagtatakang sinabi ni Miguel.
"Gusto ko lang namang patumbahin si Dexter at para magawa ko iyon, kailangan ko ang tulong niyo!" Masayang sinabi ni Argou.
"Paano kung hindi ako nakipagtulungan?"
"Ipapaalam ko sa lahat na isa kang Serial Killer!"
"Sabihin mo, Gusto mo tulungan pa kita." Masayang sinabi ni Miguel at sabay umalis.
"Hmmm...."
"Kuya, Paano po natin papatumbahin papatumbahin si Dexter?" Nagtatakang tinanong ni Wilson.
"Papaikutin lang naman natin siya sa palad ko."
"Pero paano?"
"Gagamitin natin si Felix! Siya lang ang nag-iisang daan para patumbahin si Dexter."
"Paano ko gagawin yun kung hindi naman na kami masiyadong nag-uusap?"
"Hmmmm... Edi makipag-kaibigan ka ulit sa kaniya hanggang sa puntong magagamit na natin siya laban kay Dexter!"
"Masusunod po!" Masayang sinabi ni Dexter at sabay umalis.
[ROOM 15 - Joshua's room.]
"Ano ng gagawin mo ngayon?" Nag-aalalang sinabi ni Joshua.
"Gagamitin ko si Felix para patumbahin si Dexter at Gagamitin ko naman si Dexter para patumbahin si Argou!"
"Huh, hindi kita maintindihan."
"Kuya Joshua, Pumunta ako dito para sabihin sayo na huwag ka ng mag-alala sa akin dahil kaya ko ng protektahan ang sarili ko." Masayang sinabi ni Wilson at sabay umalis sa silid ni Joshua.
Joshua Pov: May pagkakataon na sana ako para maging kuya sa kaniya kaso hindi ko na naman nagawa. Naguguluhan na ako, Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
[Dinning Room - Alas Sais ng Hapon.]
"Bakit hindi ka sumama?" Nagtatakang tinanong ni Felix.
"Hindi ako sumang-ayon dahil nababasa ko sa mga mata niya na gagamitin ka niya laban kay Dexter. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi ka isang kagamitan."
"Paano kung sabihin ko sayo na ********* **** *** ****"
Comments (0)
See all