Disclaimer:
This is a fictional piece that resulted from the imagination of the writer (author-artist; available on Webtoon and Tapas too). Any similarity to existing names, characters, people, living or dead, actual events, businesses, and incidents is completely coincidental. Lastly, content piracy is an illegal act and is punishable by the law.
<Santi's POV>
"The valedictory graduation speech will be given by Tlaire F. Kariktan. A round of applause, please."
Ang ganda...
ng kanyang talumpati.
"Next in line for the pictorial is the Seignthood University's Senior High School Varsity team, Inter-school Competitors, and both Academic & Non-academic Scholars. Kindly reach the stage."
"Ma'am! Si Santi daw ang tatabi kay Tlaire!!! Yieeeeeeeee!"
Guys, isa—
"Go Santi! Sagot na namin date niyo HAHAHAHAHAAHAH"
Tigilan niyo guys bago kayo tamaan sa'kin—
Pagkatapos ng pictorial ay napuno ang entablado ng mas maraming tao para makapag-selfie kasabay ang kani-kanilang pamilya. Ako, syempre, hinanap siya sa madla, bilis naman maglakad nito.
Sa'n na ba siya? Ayun!
"Uh, hi Tlaire... pwede ba kitang makausap ng saglit?" sabay lunok ng kaba. Ayaw ko na, uwing-uwi na ako.
"Hi Santi, tungkol saan?"
Ang titig niya ay nakakatunaw, ang tinig niya nakakalusaw—
"Santi?"
"Ay hahaha, uh, eh—" pumiyok ang; ano ba Santi ayusin mo!!!
"Tlaire, picture daw tayo dun!" ayan tuloy...
"Balik lang ako Santi ah" sabi niya
"Sure, sure! Walang problema hehe" sige practice muna Santi, hingang malalim, ayan, ayan nakabalik na.
"Bro! Yung section daw natin mag-gu-group selfie daw sa stageeee"
"O, ok... Tlaire, balik ako asaaaap" asaaaar
"Take your time Santi." ang sweet talaga ni crush
Sa'n na naman ba siya? Ayan tuloy, 'di natuloy.
Pero hindi pwede na hindi ko siya matanong, wala ng ibang panahon kundi ngayon...
Ayun oh!
"TLAIRE PWEDE BA KITANG LIGAWAN?!"
At natigilan ang lahat. Napalakasan ko ata boses ko... ng sobra.
Ang komiks nito ay nasa Webtoon at Wattpad na! (tunghayan din ang nobelang ito sa Wattpad)
Comments (0)
See all