Disclaimer:
This is a fictional piece that resulted from the imagination of the writer (author-artist; available on Webtoon and Tapas too). Any similarity to existing names, characters, people, living or dead, actual events, businesses, and incidents is completely coincidental. Lastly, content piracy is an illegal act and is punishable by the law.
<Tlaire's POV>
~1 private message received from Rhezekiah~
"Hello Tlaire, naalala mo yung tungkol sa Batch Party? Sa lahat ng days of postponements, mangyayari na talaga siya ngayon! Halos lahat nagproposed na magkita-kita sa may port around 11am para makadating na tayo sa isla pagdating ng tanghalian tapos matutulog tayo doon isang gabi lang, ta's uwi agad pagka-umaga bukas, o mga tanghalian din agad-agad. Sana makapunta ka!"
~typing~
"Niceeee! Gusto ko sanang makasabay sa batch party pero hindi ako makakapunta kasi yung kambal ko na-ospital matapos magkasakit ng Dengue ilang araw na. Pero nagpapagaling na lang siya ngayon."
~sent~
"Ahh kaya pala hindi ko siya nakita noong graduation natin... Praying for her fast recovery."
"Sabihan ko siya, salamat..."
~reacted with heart by Rhezekiah~
Kakagising ko lang. Nadulas yung kamay ko habang nagta-type sa phone nakahiga. Buti na lang napindot ko agad yung power button para ma-off yung screen bago pa nahulog sa mukha ko yung phone ko—Araaay! Aga-aga ito talaga bubungad sa'kin tsk tsk tsk
Yung heart ni Rhezekiah sa pm? Ganyan talaga siya magchat mapa-pm o gc, may pa-heart sa dulo, walang ibang ibig sabihin... siguro.
~Sa Ospital~
"Ang saya ko kasi makaka-uwi ka na daw kasama naminTlisse!"
"Ako din Tlaire! Kaso kahit hindi ako naka-abot sa'ting pagtatapos, sa mismong araw pa ako na-admit, Praise God kasi naka-recover ako kaagad. Salamat ma, at kambal sa pag-aalaga sa'kin..."
"Basta pagdating sa aking mga baby, ang pinakaimportante ay ang inyong kalusugan, walang anuman anak ko."
"Tama ka diyan ma! Kahit anong mangyari sandalan natin ang isa't-isa. Plus, makukuha din natin ang iyong diploma kahit anong araw, baka next week agad, huwag ka mag-aalala."
"Hala nagchat si cruuuuuuuuuuush!!!"
~1 private message received from Jaime~
"Hi Tlisse, nabalitaan kong na-confine ka raw sa hospital, ok lang ba malaman yung room number mo? Pasensya na sa abala, kakadating ko lang kasi ngayon sa Seignthood Hospital. Hehe"
"Nag-abala ka paaaaa, pero naka-alis na kami, magaling na ako. Patungo pala kami ngayon sa cafe namin, pwede ka dito na lang dumiretso if ok lang."
"Sige sige, susunod ako diyan."
"Ay teka-teka, diba ngayon yung out-of-town batch reunion? Ba't nandito ka pa???"
"Ah oo hahaha pero mas nanaisin kong makamusta ang iyong kalagayan... Ang saya ko nga ok ka na!"
~reacted with heart by Tlisse~
"Ang sweeeeeeeet naman ni crush, masyado siyang maalalahanin sa'kin!!!"
~proceeds to another social media app~
~Sa T Cafe (pagmamay-ari ng pamilya ni Tlaire)~
"Kailan ka pa nagkaroon ng bagong crush na hindi ko nalalaman Tlisse?!?!"
"Chill lang, siya pa rin yung crush ko ever since..."
"Wow, may commitment agad crush pa lang naman, ibang level na yan ha!!!"
"Of course! Matipuno, maginoo..."
"Haaaaay type talaga natin yung mga 'good guys' no? Pero mamaya na natin pag-usapan yung tungkol sa'kin Tlisse—"
"Ay halaaaaa Tlaire, usap-usapan yung nag-confess daw sayo si Santi. Anong meron? Anyare?"
"Totoo??? May mga nag-video?"
"Wala namang videos and pics so far pero maingay sa gc ng section namin tungkol sa graduation. 'Di naman gaano big deal, namention lang one time tapos nagtaka ako may pangalan mo eh hindi naman tayo classmates pero kami nina Santi, oo"
"Sabi niya type niya daw ako— pero huwag muna ngayon baka kasi dumating na yung sino nga ulit yung crush mo? Diba magkapatid sila ni Santi, marinig pa niya eh... Jaime ba yun, tama?"
~A car just parked right outside T Cafe's parking area~
"Hi Tlisse! And Tlaire— and mom— of you... both!"
"Speaking of, siya ngaaa!!!" Patimping sabi ni Tlisse habang hampas-hampas ako ng patago. Aray Tlisse pasalamat ka kakagaling mo lang sa ospital mahampas din kita diyan!
Ang komiks nito ay nasa Webtoon at Tapas na! (tunghayan din ang nobelang ito sa Wattpad)
Comments (0)
See all