Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

KARMA

I. Sino ka Karma?

I. Sino ka Karma?

Jul 21, 2023

Isang malamig na hangin ang umiihip sa isang madilim na kwarto. Kabaliktaran ng dilim ang pagtilaok ng manok sa labas na syang hudyat na umaga na pero ang nakahiga sa kama ay tila walang pakialam at mahimbing pa din ang pagtulog.

“Karma! Gising na at kailangan mo nang magbukas ng tindahan!” Isang malakas na boses ang gumulantang sa katahimikan ng kwarto sabay ang pagbato ng linukot na papel sa bintana. Kasabay ng pagtawag ay ang paglakas naman ng ihip ng hangin sa loob.

“Oo na, babangon na.” saad naman ni Karma, na siyang naalimpungatan ang tulog bago tinanggal ang kumot na nakatabing sa mukha niya. “Aga aga eh, sino naman pupuntang customer sa ganitong oras?” naiinis na himutok niya bago tuluyang bumangon. Sa pagbangon niya ay siya namang pagkahulog ng isang maliit na bagay sa sahig ng kwarto.

Isang manika na gawa sa ibang bansa ang bumungad sa kanya. Maganda ang pagkakagawa at tila mamahalin ngunit sa dilim ng kwarto, kakaiba ang nararamdaman galing dito. Sa pagkapulot niya dito ay bumalik ulit ang malakas na hangin.

“Kung nananakot ka, wag ako, maghanap ka ng ibang bibiktimahin mo.” Nakaismid na saad ni Karma sa manika ngunit hindi siya nakatingin dito, kundi sa harapan niya. Dahil nasa harapan niya ang isang babaeng nakasuot ng damit na kagaya ng nasa manika, ngunit ang kagimbal gimbal ay wala itong mata at ang dalawang butas na para sa mata nito ay lumuluha ng itim na dugo. Walang ekspresyon sa mukha at hindi sumasagot. Dinaanan ito ni Karma at ibinalik ang manika sa loob ng estante kasama ang iba pa niyang mga kagamitan. Paglingon niya ay nawala na ang multo at tumuloy na si Karma palabas ng kwarto.

Pagbaba niya ay bumungad sa kaniya ang munting salas at kusina niya, naghilamos lang siya at kumain bago lumabas ng pintuan. Nasa harapan lamang ng bahay niya ang isang munting tindahan na nagbibili at nagtitinda ng mga antigong kagamitan. Pamana ito sa kanya ng mga magulang niya at bago nawala ang kapatid niya ay silang dalawa ang nagbabantay dito.

Sa kasamaang-palad, matapos tumanggap ng isang kumisyon ay naglahong parang bula ang kapatid niya at hindi ito mahanap ng mga pulis. Masama man ang loob ay napilitan si Karma na ipagpatuloy ang pagbabantay sa tindahan dahil tahanan ito ng mga kaluluwa na maaring maging dahilan ng problema kapag nakawala.

 Pagpasok sa tindahan ay makikita ang iba’t ibang dekorasyon at mga antigo na nakadisplay. Ang mga tila banderitas ay mga proteksyon mula sa mga masamang kaluluwa na nais pumasok sa tindahan upang kainin ang mga nakatira sa mga antigong kagamitan.  Isang itim na pusa ang mahimbing na natutulog sa isang antigo ng pumasok si Karma at ito ay nagising ng makita siya, pinakain muna niya ito bago tinawag ang kapatid nito na mahimbing ding natutulog. Pagkatapos ay tuluyan na niyang binuksan ang tindahan at naghintay ng customer habang nanonood ng kdrama sa kanyang cellphone.

Wala pang sampung minuto ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang isang matandang lalaki na tila pagod na pagod. Nakita ito ni Karma at tumayo para salubungin ngunit bago pa siya makalapit ay naamoy na niya ang isang napakasangsang na amoy mula dito. Hindi siya nagpatinag at nginitian niya ang customer bago nagsalita.

“Welcome to Karma’s Antique Shop, ano pong maitutulong ko sa inyo sir?”

Tila nagulantang ang matanda dahil sa paglinga linga niya ay nasa likuran niya si Karma at hindi niya ito nakita. Nagulat si Karma ng biglang napahawak sa dibdib ang matanda at humingi ng pasensya bago ito pinaupo. Binigyan din niya ito ng tubig ngunit hindi ito uminom,bagkus ay may linagay ito sa mesa.

Isang maliit na vase na tila gawa pa sa sinaunang panahon ang hawak ng matanda, at dito din nangagaling ang masangsang na amoy na naaamoy niya.

“Ano po ito?” tanong ni Karma habang naglalagay ng puting gwentas sa kanyang kamay. Napabuntong-hininga ang matanda bago nagsalita.

“Isa akong construction worker at nahukay ko ito sa pinagtatrabahuan naming, sinubukan ko na itong ibenta sa ibang antique shops pero walang gustong tumanggap dahil wala daw itong halaga, kaya itatapon ko na sana pero kahit anong gawin ko ay bumabalik pa din siya sa akin.” Mahabang paliwanag nito at tila nagmamakaawa ang boses. “May nakapagsabi sa akin na dalhin ko daw dito at baka maaring masolusyonan mo.”

Habang pinapakinggan ang eksplanasyon ng matanda ay sinipat sipat ni Karma ang maliit na plorera bago ito ibalik sa mesa.

“Tama ang sinabi nila sa inyo, base sa kaalaman ko hindi ito plorera noong sinaunang panahon kaya wala talagang halaga, ginawa lamang ito wala pang sampung taon ang nakakaraan dahil sa mga disenyo nito. Mukhang baguhan din ang gumawa dahil madaming mga pagkakamali sa pagkakagawa nito.” Sinilip din ni Karma ang loob ng plorera ngunit wala itong laman, bagkus ay tila pinintahan ito ng itim na pinta sa loob.

“Pero bakit ganiyan ang hitsura nito? Mukhang madaming taon na itong nakabaon sa lupa?” Usisa ng matanda.

“Hindi ko din po alam ang dahilan pero sigurado po ako sa evaluation ko.” Sagot ni Karma. “At tungkol naman po sa sinabi ninyong bumabalik po ito sa inyo, maari kong malaman ang kwento?”

Nangitim ang mukha ng matanda, at tila mas lalong dumami ang linya nito sa  mukha bago ito nagsalita.

“Hindi ko din alam, pero nang malaman ko na wala akong mapapala dito ay iniwan ko na lang ito sa isang basurahan at umuwi na. Hindi ko pa napansin nung una pero pagkagising ko ay bumungad ito sa akin sa tabi ng higaan ko. Muntik ko na itong matapon pero biglang may humawak sa akin ng mahigpit at pinigilan ako. Kaya naghanap ako ng maaring tumulong sa akin at tinuro ka nila sa akin.”

“Hindi ko po mabibili sa inyo ito dahil nagnenegosyo din po ako, at kung nais niyo naman pong magpatulong sa akin ay magbabayad po kayo para sa serbisyo ko.” Ani Karma habang tinatanggal ang kanyang gwentas. Agad naman tumungo ang matanda at naglabas ng isang envelope.

“Heto nalang ang meron ako sa ngayon pero magbibigay pa ako pag talagang natulungan mo na ako.” Sagot ng matanda na tila inaasahan na ang sasabihin niya. Tinanggap ito ni Karma at tumayo para kumuha ng papel.

“Pakisulat po dito ang contact number ninyo at address kung saan niyo nahukay ang plorera. Pansamantala ko pong kukunin ito at hindi ko hahayaang bumalik sa inyo.” Ani Karma at inabot sa matanda ang papel at lapis.

“Bakit mo pa kakailanganin ito kung kaya mo naman palang pigilan itong bumalik sa akin?” tanong ng matanda at tila nagdadalawang-isip ibigay ang address.

“Kaya ko lamang pong pigilan pansamantala habang hinahanap ko dahilan kung bakit nito ginagawa sa inyo ito, kaya kailangan ko pa magimbestiga bago ako umaksyon.” Paliwanag niya. Nakumbinsi naman ang matanda at nagsulat bago nito binalik ang papel.

“Kung gayon, maari na ba akong umalis?” tanong nito habang sinusulyapan ang plorera. Tumango si Karma at dali dali naman umalis ang matanda.

Ilang segundo pa ang nakalipas bago biglang umihip ang malakas na hangin at dala dala nito ang lamig na nagyeyelo. Sinubukan ng hangin na sundan ang matanda pero tila may bagay na humaharang dito at hindi ito makalabas. Isang nagngangalit na sigaw ang biglang umalingawngaw bago nito sinugod ang nag-iisang tao na kasama nito. Hindi nagpatinag si Karma at hinawakan niya ang plorera at inilagay ito sa isang itim na kahon, na siyang lalong nagpalakas ng hangin. Napatingin dito si Karma at naaninag niya ang isang bagay na nakalutang sa gitna ng hangin. Isang anino ngunit ang maliwanag lamang na nakita niya ay ang mga daliri nito. Dali-dali niyang sinara ang kahon at isang napakatinis na sigaw ang umalingawngaw bago ito naglaho.

Kinuha niya ang papel na binigay ng matanda bago hinarap ang laptop niya at sinearch ang address na nakasulat dito. Habang abala siya ay biglang nagring ang cellphone niya at ang caller ay ang malapit niyang kaibigan.

“Hello Rara, bakit ka napatawag?” tanong niya habang nagtitingin sa mga articles na patungkol sa address na binigay ng matanda. Ngunit walang nagsasalita sa kabilang linya bago ito naputol. Nagtataka man at baka napindot lamang sa bulsa kaya di na ito pinansin ni Karma. Pero di niya maalis ang mabalisa kaya tiningnan niya ang location ng kaibigan niya.

Nanlaki ang mata niya ng makitang ang location ng kaibigan niya at ang address na binigay ng matanda ay magkapareho. Kumabog ang dibdib niya at tatawagan sana niya ulit si Rara ngunit nagtext na ito sa kanya.

“Tulong.”

custom banner
dumlingninia
dumlingninia

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Primalcraft: Scourge of the Wolf

    Recommendation

    Primalcraft: Scourge of the Wolf

    BL 7.3k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.4k likes

  • Primalcraft: Sins of Bygone Days

    Recommendation

    Primalcraft: Sins of Bygone Days

    BL 3.5k likes

  • Arna (GL)

    Recommendation

    Arna (GL)

    Fantasy 5.6k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 76.8k likes

  • The Last Story

    Recommendation

    The Last Story

    GL 59 likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

KARMA
KARMA

151 views2 subscribers

Paano kung sa mundong ito ay isinilang ka bilang isang tao na may espesyal na abilidad? Isang abilidad na nagbibigay sayo ng kakayahang makipag ugnayan sa mundong napupuntahan lamang ng mga pumanaw na?
Ako si Karma Fuego, isang ordinaryong babae na may kakaibang abilidad, hindi ako nag iisa na may ganitong kakayahan ngunit pinili kong akapin ito at gamitin upang mapanatili ang katahimikan sa mundo ng mga nabubuhay at hanapin ang nawawala kong kapatid.
Samahan niyo man ako o hindi, itutuloy ko ang nasimulan ng kapatid ko.
Subscribe

2 episodes

I.	Sino ka Karma?

I. Sino ka Karma?

97 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next