Kennedy Moore
Ever since bata pa lang ako, I would always ask my Lola to knit or sew me a dress or kahit palda man lang. Hindi naman kami mayaman at kalimitan sa mga damit na nakukuha ko ay galing sa mga damit na pinaglumaan ng mga kapatid ko. Kaya mas prefer ko na talaga ang nagsusuot ng damit pambabae. Wala namang pake sila mama at papa doon, they even support me. My Lola would even sew or knit me a dress, tops, or skirt. Wala kasing hilig ang mga ate ko sa ganito kaya ako ang napagdidiskitahan ni Lola.
I was 16 when I fully started to crossdressing at first, I was hesitant pa kasi I would overthink and negative thoughts would cloud my mind. What if people start to throw hateful comments about my looks? What if people hate me for wearing women clothes? Since some people still hate the people like me who likes crossdressing.
What if people starting questioning me about my sexuality? Although nagcome out na ako sa family and friends ko na gay ako and I prefer wearing women’s clothes kasi I feel powerful and confident ako on my own.
Nahihiya pa rin ako especially sa mga crowded places, I mean I was bullied throughout my high school and get anxious about my looks. Hindi ako pumupunta or lumalabas man lang kasi naooverwhelm ako sa nangyayari sa akin sa labas. May mga taong accept ako lalo na sa mga taong kagaya ko pero hindi ko pa rin masisisi ang iba na kung tumingin sa’kin ay para akong isang malaking clown.
“Penny for your thoughts?” he said while seating beside me at the bench. We are currently at the park kasi pinahabilin sa’kin ni Ate ang kanyang anak. Busy kasi ito sa trabaho, yung yaya naman ng anak niya ay nagleave dahil may sakit ang tatay nito at walang mag-aalaga. Nagpresinta na ako dahil wala rin naman akong gagawin tska isa pa gusto kong makasama ang pamangkin ko.
Tumingin ako saglit sa katabi ko at ngumiti. Isang tao lang naman ang tumuring sa’kin na hindi ako iba na hindi ako masamang tao, hindi isang salot, sakit sa Lipunan, na tao lang rin naman ako kagaya nila. Ang matalik kong kaibigan simula pa lang nung bata pa ako.
“Naalala ko lang bigla yung mga panahon na bata pa ako, tayo. Masayang naglalaro sa park, hindi alintana ang ingay ng mga nasa paligid.” Tiningnan ko pa siya ng isang saglit bago bumalik ang tingin ulit sa pamangkit ko na ngumiti ng pagkalaki-laki sa akin at may pagkaway pa.
“Hmmm.”
Napaismid na lang ako sa nagging reply niya sa akin. What the hell is he even doing right here? Ang alam ko may trabaho ito pero heto siya at prenteng de-kwatro ang upo habang sumisimsim ng kape.
“Hindi ba’t may trabaho ka? Why are you still here and not working?” tinitigan ko siya ng taimtim inaantay ang susunod niyang sasabihin.
“My company can manage on their own without me as their CEO. You should know that, Edy.” Seryoso at walang halong birong sagot sa akin.
Napaka-unpredictable talaga ng tumatakbo sa isip ng taong ito. Porket siya ang CEO ay prente na lang siyang aabsent.
“I know that Mr. CEO pero you should know rin na may mga employee ka na hindi makaabsent or makapunta sa isang special event or occasion ng anak, loved ones nila dahil may work sila. And yet here you are, tambay at hindi pumapasok.” Inismiran ko siya at bumalik ng tingin sa pamangkin kong nakikipaglaro sa kanyang mga kalaro sa park.
“You talk as if you really know I how manage my company.” Nanunuya niyang reply sa akin.
“You should know Edy that I’m not a horrible person when it comes to my employee they can leave for work as long as they have valid reasons. As for me, I decided to take a leave since I have been working my ass of these past few months. I guess I deserve a break.”
Naguilty naman ako sa sinabi ko sa kanya kahit kelan talaga napaka-workaholic niyang tao. Hindi ko naman siya masisisi dahil maraming franchise at branch ang company nila all over the world. Simula ng siya ang magtake over ng company nila dahil hands on siya sa lahat ng mga ito. Tapos heto ako at nag-iisip ng kung anu-ano sa kanya na alam kong hindi naman niya gagawin for granted.
“Sorry. Stress lang siguro ako. Kung gusto mo naman pa lang magpahinga bakit hindi ka umuwi sa bahay mo or sa condo mo? You should probably sleep and get a good rest.” Nag-aalala kong sabi sa kanya. Kung titingnan ang mukha niya, hindi naman halata ang eyebags or pagod siya pero ramdam mong antok na antok na siya.
“I’m good I just want to spend the rest of my day with you and Zoey. I’m sure she misses his Godfather.” Nakangiti niyang sabi sa akin sabay tingin kay Zoey na naglalaro sa may swing.
“She sure does. Kinukulit nga ako ni Zoey na pumunta sa company mo. Ang sabi ko naman bawal ang kids doon kasi busy ang mga employee lalo na ikaw. Kaya heto nandito kami sa park, kung bawal raw doon edi dito na lang kami sa park. Bata pa lang pero marunong makipagnegotiate.”
“No doubt, she even takes that part from you.” Nakangisi niyang turan sa akin.
Pinalo ko siya sa may braso sabay ngiti at tingin kay Zoey. Matagal tagal na ring naglalaro si Zoey, I’m sure pawisan na ang likod nito.
“Zoey, halika kana. Uwi na tayo. Lagot na tayo sa Mama mo.”
Tumigil sa pagswing si Zoey at nakangiting tumatakbo palapit sa amin. Kinuha ko ang towel na isasapin sa likod niya para palitan at punasan na rin siya.
“Tito Pogi!” tila niya ng makita sa likod ko si Darius.
Matapos palitan ang towel at punasan ang likod ni Zoey. Lumandag ito kay Darius na siya rin namang kinarga agad nito. Napangiti na lang ako kay Darius kasi alam kong magiging mabuting tatay ito sa magiging anak niya kung sakali.
“Tito Ganda nandito po pala si Tito Pogi. Tito Pogi alam mo po bang nagschool na ako and I have many friends na po.” Excited na turan ni Zoey kay Darius.
Kinder na sa pasukan si Zoey at talaga namang excited ang bata nung nagsimula itong pumasok. Binabaybay naming ang daan kung saan nakaparada ang sasakyan ni Darius. Mukhang makalibre ako sa pamasahe nito dahil hatid kami ni Darius.
“Well, that’s good baby girl. Just be a good girl in school, okay?”
“Yes po, Tito Pogi. Sinabi na rin po sa akin ni Mama iyan.”
Karga karga pa rin ni Darius si Zoey ng makarating kami sa saksakyan niya. Ako na ang nagbukas ng pintuan at nilagay ang gamit namin sa likod. Pwinesto naman ni Darius si Zoey sa likod rin at sinuotan ng seat belt. Matapos masigurong safe at comfortable na si Zoey, sinarado ko na ang pinto. Kasabay nito nakabukas na ang pinto ng passenger seat, mukhang dito ako uupo at hindi sa tabi ni Zoey.
Pagsakay ko sa kotse sinuot ko na agad ang seat belt. Pumasok na rin si Darius sa sasakyan niya at binuksan ang makina.
“Tito Pogi kain po tayo, I’m hungry na.” natawa na lang ako sa pagpapacute ni Zoey sa front mirror.
“Sure, baby girl. Where do you want to eat?” Nakangiti nitong reply kay Zoey sa front mirror habang nagmamaneho paalis ng park.
“Jollibee! Jollibee!” nakangiti at excited na reply naman ni Zoey with matching palakpak pa.
“Jollibee it is.”
Nagsimula na naming tahakin ang daan papuntang Jollibee. Mukhang mahaba-habang kwentuhan kay Ate Zayra ang mangyayari pagkatapos nito. Nagchat na lang ako rito na kakain kami sa Jollibee at kasama namin si Darius. Nag-aya si Zoey na kumain sa Jollibee kaya wala na kaming nagawa kundi sundin ang gusto ng bata. Pumayag naman si Ate Zayra pero lagot raw ako pagkatapos namin dahil bakit ko raw inilabas ng bahay si Zoey.
Comments (0)
See all