Kennedy Moore
Pagkarating namin ng bahay ni Ate naabutan namin itong nasa labas ng gate. Pinarada ni Darius ang sasakyan at pinatay ang makina. Sabay naming tinanggal ang seatbelt at lumabas sa sasakyan pagkatapos ay sunod na pinuntahan sa likod si Zoey at tinanggal ang seatbelt.
“Mama!” Pagkababang pagkababa agad ni Zoey ng sasakyan tumakbo kaagad ito kay Ate Zayra.
Nakangiti namang sinalubong ni Ate si Zoey at pinupog ng halik sa mukha. Sumunod naman kami kay Zoey habang si Darius dala-dala ang gamit ni Zoey.
“Nag-enjoy ka ba? Hmm?”
“Yes po, Mama. Nagpunta po kaming park ni Tito Ganda marami po akong nagfriends doon then we play sa swing, seesaw and slides. And then nag-eat rin po kami kasi nagutom ako. Sorry po hindi ka na namin naantay.” Mahabang kwento ni Zoey.
Nakatuwa talaga kasi sa edad pa lang nito ay halos tuwid na itong magsalita. Kapag talaga kinakausap ang bata ng deretcho, natututo rin kaagad itong magsalita.
“Mukha ngang nag-enjoy ang baby ko. It’s okay sa dinner na lang tayo magsabay.” Nakangiting sabi ni Ate Zayra sabay pisil sa pisngi ni Zoey.
“Thanks, Ken for taking care of Zoey. And also, sayo Darius.” Masayang turan ni Ate Zayra.
“No problem. Besides, I miss Zoey. So, its kinda refreshing for me.” Reply ni Darius habang sinusukbit ang bag sa balikat.
“I hope hindi kami nakaabala sa work mo. Anyway, dito kana magstay para sa dinner. Magluluto ako ng paborito ni Zoey, Abodo.” Tumingin si Ate sa akin parang pinapahiwatig na sang-ayunan ko ang kanyang pag-aaya kay Darius. Saglit kong tiningnan si Ate, ano na naman kaya ang binabalik ng babaeng ito.
“Yes po, Tito Pogi. Dito kana po magdinner sa amin.” Si Zoey ang sumeganda sa turan ni Ate.
Dalawa silang nakatingin sa akin at kay Darius kaya naman wala na akong nagawa kundi ayain si Darius kahit na dapat ay nagpapahinga na ito dahil alam kong balik trabaho na naman ito.
“If its okay with you, Dar. Come join us.” I was hoping na pumayag siya, I don’t even know why. I mean he’s been part of our family naman na since we were little but I don’t know kung bakit hindi pa rin ako mapakali sa tuwing iimbatahin naming si Darius.
“Sure, I don’t mind.” Para akong nabutan ng tinik ng pumayag si Darius. Weird. Ngumiti sa akin si Darius kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.
“YEHEY!” Nagtatatalon si Zoey matapos marinig ang sagot ni Darius.
“Great. Tara pasok na kayo at ng makapagpahinga kayo sa living room muna.” Hila-hila ni Ate si Zoey ng makapasok kami ng bahay.
Sobrang homey at cozy talaga ng bahay ni Ate, masasabi mong comfortable ka sa bahay once na tumapak ka at sobrang linis rin. Kahit kelan talaga napakaclean freak ni Ate. Oh well, may allergy kasi sa alikabok si Zoey kaya sobrang alaga at talagang maselan sa pagiging malinis si Ate sa bahay.
“Papalitan ko lang ng damit si Zoey. Ken, ikaw na muna mag-asikaso kay Darius. Bigyan mo siya ng maiinom, kuha kana lang sa ref. Darius, akin na yang gamit ni Zoey. Mabilis lang kami. “ Nakangiting sabi ni Ate. Binigay naman ni Darius ang gamit ni Zoey kay Ate.
Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Habang sila naman ay tinahak ang kwarto ni Zoey.
“Upo kana muna, Dar. What do you want? Coffee? Tea? Juice or Water?” Tanong ko sa kanya.
“Just water.” Sagot ni Darius sabay upo sa couch. Tumango na lang ako sa sinabi niya sabay punta sa kitchen. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng malamig na tubig galing sa ref. Pagbalik ko sa living room naabutan kong napikit si Darius habang nakasandal sa couch. Nilapag ko ang baso niya na may lamang tubig sa center table.
Pinakiramdaman ko muna ito kung gising ba o hindi. Mukhang tulog ang tao kasi ang lalim na ng pahinga niya. Ngayon ang pagkakataon ko para pagmasdan ang kanyang pagmumukha. Pointed nose, chiseled jawlines, thick eyebrows, his lips. Ano ba naman itong pinagsasabi ko?
Nilapitan ko siya at niyugyog sa may braso ng dahan-dahan. Hindi siya kumibo kaya niyugyog ko ulit siya sa may braso. Nilakasan ko na rin para magising siya at ng makainom ng tubig. Napatili ako sa gulat dahil ilang segundo lang nakahiga na ako sa couch at nasa ibabaw ko si Darius. Napalunok ako sa paraan ng pagtititig niya sa akin. Papalit-palit ang tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko.
Nakahawak sa magkabilang balikat niya ang kamay ko. Hindi ako makahinga sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, I feel like I was being hypnotize looking into his eyes. I gulp so many times na feel ko mauubusan na ako ng laway.
“Tito Pogi, bakit po ganyan ang pwesto niyo?” I pushed Darius kaya naman nalaglag ito at malakas na napaupo sa sahig. Napahawak ako sa may dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
“Oh Darius, anong ginagawa mo dyan?” nagtatakang tanong ni Ate.
“Tinulak po ni Tito Ganda si Tito Pogi, mama.” si Zoey na ang sumagot sa tanong ni Ate.
Nakangiting pilit lang ako kay Ate dahil sa paraan ng pagkakatingin nito sa amin ni Darius. Mukhang hindi sang-ayon sa nakita ng kanyang anak. Bumangon naman si Darius at umupo sa tabi ko kaya napausog ako palayo.
“Ganun ba anak? Tara na lang sa kitchen Zoey let’s prep na our dinner.” Tumango naman si Zoey sa sinabi ni Ate at excited na pumunta ng kitche habang pinandilatan ako ng mata ni Ate at si Darius.
Walang nag-imikan sa amin ni Darius pagkaalis nila Ate at Joey para pumunta sa kitchen. Nakayuko lang ako habang nakahawak sa dibdib dahil ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko matapos ang nangyari.
“I’m sorry I must’ve scared you.” Bagsak ni Darius sa katahimikang namayani sa aming dalawa.
Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko at nanatiling nakayuko. Ayoko kasing makita niya na namumula ang mukha ko. Binalot ulit kami ng katahimikin, hindi tanging tunog lang ng orasan at ingay na nanggagaling ang maririnig sa kusina.
Ano ba kasing naisip ni Darius at ginawa niya ang bagay na iyon? Magkaibigan kami kaya malabong gawin niya sa akin iyon. Kaibigan ng aba ang turing niya sa akin?
“Hey, malapit ng maluto ang adobo. Okay lang ba kayong dalawa?” Napaangat ako ng tingin sa biglang sulpot ni Ate sa living room.
“Yeah, were fine. Just tired.” Napatingin ako saglit kay Darius at halos malagutan ako ng hininga ng makitang nakatingin siya sa akin. Kanina pa ba siya nakatingin sa akin?
“Okay. 20 minutes at ready na ang dinner.” Nakangiting sabi ni Ate sabay alis.
Bumalik ang tingin ko sa papaalis na bulto ni Ate. Gustuhin ko mang magsalita at pigilan si Ate sa pag-alis pero magiging weird naman kung ganoon.
“Um, punta lang ako sa cr.” Sa wakas nakayanan ko na ring magsalita. Tumayo ako kahit alam kong nangangatog ang mga tuhod ko. At pinilit na pumunta sa banyo. Pagpasok ko agad sa banyo ay nagpakawala ako ng hinga dahil pakiramdam ko pigil ang hininga ko sa living room.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at talaga namang namumula ako ang pagmumukha ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng mukha para naman mahimasmasan ako. Pagkatapos pinunasan ko ang mukha ko at nag-inhale exhale ng ilang minuto.
After calming myself, tiningnan ko ulit saglit ang sarili ko sa salamin at sinubukang ngumiti. Ilang seconds pa napagpasiyahan kong lumabas na rin ng banyo pero sa di inaasahan pagbukas ko ng pinto nasa labas si Darius at nakataas ang kanang kamay hudyat na kakatok.
“Um, Zayra told me that were gonna eat dinner.” Seryosong sabi niya habang tinititigan ako ng maigi. Binaba niya ang kamay niya at sumandal sa hamba ng pintuan.
“Are you okay?”
First of all, hindi. But I know hindi ko yan pwedeng sabihin sa kanya.
“You’re not okay.” Siya na rin ang sumagot sa tanong niya. “This is about what happen in the living room, right?” Sunod niya pang tanong.
Napalunok ulit ako dahil bumalik na naman sa alaala ko ang nangyari sa amin kanina.
“Look, Edy. Just forget it. Come, I’m sure they’re waiting for us.” Hindi na niya inantay pa akong sumagot at umalis na.
Forget it? How could I? Kung ganun lang kasimpleng gawin iyon. Naiinis na umalis ako ng banyo at nagtungo sa kusina. Naabutan ko sila Ate at Zoey na nakaupo habang si Darius naman ay halatang kauupo lang. Pumwesto ako sa tabi ni Ate at kung minamalas ka nga naman tapat ko si Darius na hindi ko mabasa ang mukha. Inirapan ko lang ito at umaayos ng pagkakaupo at nagsimulang sumandok ng kanin at ulam.
Buong hapunang hindi ko tinapunan ng tingin si Darius. Bahala siya diyan, naiinis ako sa kanya. Masayang natapos ang hapunan naming na puno ng kwentuhan at heto ako ngayon tinutulungan si Ate na magligpit. Ilang minuto rin at natapos rin naman agad kami maglinis ng mga pinagkainan.
“Ate, thank you sa dinner. Sa susunod ulit, sobrang namiss ko ang luto mo.” Nakangiti kong turan kay Ate habang nagpupunas ng lamesa.
“Nambola ka pa, I’m sure naman na mas gusto mo pa rin ang luto ni Ate Gina kesa sa akin.” Natatawang reply ni Ate Zayra sa akin. Natawa na lang rin ako dahil totoo namn ang sinabi niya.
“At least pangalawa sa masarap magluto.”
“Sige, sabi mo eh. Thank you rin sa pagbantay kay Zoey. Sa susunod ulit ha.” Napangiti na lang ako kay Ate. Kahit na single mother siya kay Zoey ang tatag at independent niya talaga kahit kelan.
“Ano ka ba naman, Ate. Wala iyon.”
Nagyakapan muna kaming dalawa, si Zoey at Darius naman magkasama sa kwarto. Si Darius na ang nagpresinta na magpatulog kay Zoey.
“And she finally sleeps. With a lot of negotiations, along the way.” Bumitaw kami sa pagyayakapan ni Ate sa pagdating ni Darius.
“Hmm, mukhang napasubok ka ah. Thank you, Darius.” Natatawang sabi ni Ate.
“Well, its just toys and park. No problem. It’s no big deal, actually.” Reply naman ni Darius sabay tingin sa akin. Inirapan ko lang ito habang ang gago ngumiti lang.
“Anyway Ken, sasabay ka ba kay Darius? Wala ng tricycle ang nabiyahe ng ganitong oras.” Nag-aalalang sabi ni Ate habang nakatingin sa akin at sa orasan.
“Yeah, were going in the same directions. I’ll just drop him off.” Naunahan ako ni Darius sa pagsagot. Sinamaan ko ito ng tingin na parang wala lang sa kanya.
“Great. Mapapanatag na ako niya. Ayaw naman niyang dito na magpahinga. Oh siya, ingat kayo sa biyahe.” Masayang turan ni Ate na may halo pang palakpak. Mukhang wala na akong takas nito.
Ngumiti lang si Darius kay Ate sabay tingin sa akin.
“Ingat kayo sa daan, bye.” Hinatid pa kami sa gate ni Ate na kahit na ang sabi ko ay manaliti na lang sa loob at gabi na rin naman. Pagpasok ni Ate sa loob ng bahay at ng masigurong okay na. Bumusina pa muna si Darius sabay pinatakbo na ang sasakyan. Mukhang malamig na katahimikan ang mamayani sa amin nito. Hindi na ako makapag-antay pangmakarating ng condo unit ko.
Comments (0)
See all