Pag-uwi ko sa garahe, lahat ay tahimik. Kahit ang tunog ng mga metal galing sa mga trabaho ni Valentine hindi rinig. Hindi ko alam kung paano natapos ang away. Naabutan ko lamang sila nag-iimpake na ang kanilang mga gamit. “Huh?” Inilabas ko. “Ah, Hugo. Tapos ko na yun time machine. Nasa sayo kung sasama ka o hindi,” Sabi ni Valentine, ipinasa sa akin ang aking bag.
Tinitigan ko ito. Sama ba ako? Iiwanan ko ba ganito ang kasaysayan? Paano ito makaapekto ang panahon namin ngayon? Umuwi ba ako…?
…
Huminga ako ng malalim ng panoorin ko sumarado ang pintuan ng time machine. Ayan na, uuwi na ako. Sumama na ko hindi alintana sa aking pagkakasala na iiwanan ko ang panahon na ito sa ganitong kaanyuan. Bat parang ang hirap huminga dito sa loob? Parang mabigat ang kapaligiran ngayon ah.
Iniglagay ni Eugene ang taon namin. 2080… Nanginig ang makina. Kumpara sa nangyari noon, parang wala lang siya ngayon. Ilang minuto ang lumipas, noong nagsalita ang sistema “Sigurado po ba kayo na tumuloy sa taon ninyo?” Sabi ng sistema “Ano nanaman?!” Reklamo ni Valentine. “Ayon sa aking mga kalkulasyon, dahil sa mga pagbabago na nagawa sa panahon na ito. Marami din ang nagbago sa panahon niyo. Nais no pa po ba tumulog hindi alintana sa pagbabago ng bayan ninyo?”
“Ah…Tuloy pa rin ba tayo?” Tanong ni Eugene. “Payag ka ba panganiban ang pagkakaiba ng ating ngayon?” Tahimik namin pinag-iisipan, ngunit hindi pinag-uusapan sa isa’t isa. “Sige, tigil muna tayo dito.” Desisyon ni Eugene, habang mayroon pinindot sa tablet ng nasa tabi ninya. Walang tumanggi, pero wala din naman pagsang-ayon.
1937…Naisilip ko sa tablet bago bumukas ang mga pinto ng time machine. Andito parin kami, sa aming garahe. Mga naiwan naming gamit nawawala o niluluma. Ang mga pader, at lamesa tinutubuan na ng mga dahon. Sampung taon ang lumipas sa mundo, habang samin mga minuto lamang. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala.

Comments (0)
See all