ANDY
Hindi ako gaanong nakatulog kagabi kaya maaga akong nagising at nagluto ng breakfast namin ni Kate.
Gumawa ako ng pancake at nagluto ng fried rice, longganisa at egg omelette. Nang matapos ako ay saktong kagigising lang ni Kate at naghihikab pa.
“Good morning Kate. Halika, mag-breakfast na tayo,” masaya kong bati kay Kate.
“Good morning din Andy. Ang aga mo atang nagising?” medyo inaantok pa niyang tanong sa akin.
“Nakaidlip lang ata ako eh. Anyway, tara kumain na tayo at baka gutom na gutom ka na dahil sa bakbakan kagabi,” pang-aasar ko naman.
“Hmm? Sino kaya diyan ‘yong round one pa lang, pagod na? Saka hindi ako nagutom ‘no, busog na busog kaya ako. Gusto ko pa,” sabay ngisi sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagsimula na kaming kumain.
“Andy, ang sarap mo talagang magluto! Hindi lang pala luto mo ang masarap, ikaw din,” pang-aasar na naman niya.
“Kate! Ang aga-aga ha, nagsisimula ka na naman!” sita ko sa kanya.
“Eh totoo naman Andy saka lakas mong umungol. Nasarapan ka ba sa ginawa natin?” nang-aakit niyang tanong habang malandi nitong nili-lick ang kutsarang may syrup.
Napaiwas naman ako ng tingin. Ang aga-aga ang naughty naughty na naman niya.
“Tigilan mo nga ako Kate! saka ano na namang kabastusan ‘yang ginagawa mo sa kutsara?!” medyo pasigaw kong sabi rito.
“Huh? Wala naman akong ginagawa ah. Ikaw kamo Andy, ang dumi ng isip mo,” sabay lick nito sa labi niya.
“Ewan ko sa’yo Kate. Nga pala, nasaan si manang?” pag-iiba ko ng topic.
“Umuwi muna sa kanila dahil nagkasakit ang asawa niya,” balewalang sagot niya.
Tumango na lang ako at nang matapos kaming kumain ay nagligpit na ako habang si Kate ay naligo na.
Nang matapos ito ay sumunod na akong maligo.
“Kate, anong isusuot ko?” tanong ko kay Kate nang matapos akong maligo.
“Huwag ka ng magdamit Andy. Okay na ‘yang nakatapis ka lang ng tuwalya,” at tiningnan ang kabuuan ko at ngumisi.
“Kate?! Dalian mo na, nilalamig na ako,” medyo naiinis na ako.
“Ang sungit mo naman Andy. Nabitin ka ata kagabi eh. Pumunta ka na sa kwarto ko, naka-ready na lahat ng kailangan mo,” loko-lokong sabi nito.
Nagmadali na akong pumunta sa kwarto niya at nagbihis.
Buti na lang at alam na alam ni Kate ang tipo ko sa mga damit.
Nang satisfied na ako sa look ko ay lumabas na ako at umalis na kami ni Kate at pumasok na.
“Hoy Andy, huwag na huwag mong tatanggalin ‘yang binigay kong bracelet sa’yo ha! Bugbog ka sa’kin,” paalala ni Kate sa akin habang nagda-drive ako.
“Opo boss. Hinding-hindi ko ‘to tatanggalin. Kahit matanggal na ‘tong kamay ko ‘wag lang ‘yang bracelet ko,” sarcastic na sagot ko rito.
Inirapan lang naman ako nito sabay lamas sa tiyan ko.
Napakagaling ‘di ba? May kasama pang pisil yan.
“Nga pala Kate, kailan uuwi si tito at tita?” pag-iiba ko ng topic.
“I don’t know Andy. Busy pa sila sa kung ano-anong business. Eh sila tito at tita rin kailan uuwi?” balik tanong nito sa akin.
“Hindi ko rin alam eh. Biglaan na lang naman uuwi si Mom and Dad,” medyo malungkot kong sagot dahil sobra ko na silang nami-miss.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa university at pumasok na.
“See you later Andy,” sabay kiss nito sa cheeks ko.
“Okay Kate. Take care,” at kiniss ko rin siya sa cheeks at pumunta na sa aming mga klase.
Pagdating ko sa room ay nadatnan ko si Luce at Hazel na tila hinihintay ako.
“Good morning Luce, Hazel. Bakit ganyan ang mukha mo Luce? Ano namang ginagawa mo rito Hazel?” nagtataka kong tanong sa dalawa.
“Walang good sa morning Andrew. You owe me an explanation later Torregozon,” masungit na sagot sa akin ni Luce.
“Good morning din Dee, my baby! Ahm nandito kasi ako because I just want to invite you at my house later. Birthday kasi ni Mom kung ayos lang ba?” nahihiyang tanong sa akin ni Hazel.
“Ay birthday ni Tita Lorrie ngayon? Happy birthday pala kay tita. Sure, pupunta ako mamaya. Kasama ba si Luce?” sabay turo ko rito.
“Bakit Drew? Ayaw mo ba akong kasama ha? Syempre invited din ako duh!” at inirapan lang ako nito.
“Kayong dalawa lang ang in-invite ko dahil mga relatives at close friends lang namin ang invited. Sabay-sabay na lang tayong pumunta sa bahay mamaya after uwian. Sunduin ka na lang namin, 6:30 pm,” singit naman ni Hazel sa amin.
“Sige Hazel pero pwede bang umuwi muna ako? May aayusin pa kasi ako sa bahay,” sabi ko naman sa kanya.
“Sige Dee. Sunduin ka na lang namin ni Luce. Anyways, I gotta go. May klase pa ako,” at humalik muna ito sa cheeks ko bago umalis.
Dumating na si prof at nagpasulat agad. Grabe
naman talaga, bigla akong tinamad.
Ang dami kasing pinapasulat nitong prof na ‘to eh.
Malapit ng mag-time nang mag-discuss ito kaya kami ay bwisit na dahil may balak pa ata itong mag-OT.
Buti na lang at nagpaalam na ito at umalis na. Wala kaming next subject dahil may sakit ang prof namin.
“Hoy Drew! Bakit ka umuungol kagabi ha? Milagroso ka na ata ngayon ah pero hindi ka naman santo. Itigil-tigil niyo nga ‘yan lalo ka na! Isusumbong na talaga kita sige ka!” pananakot sa akin ni Luce.
“Hindi naman kasi eh, wala kam—
“Oh tingnan mo, sabi-sabihin mo pang wala kang kasama. Hindi ako ipinanganak kahapon Torregozon. Tama bang umungol ka nang kausap mo ako? Kilabutan ka nga!” sabay kurot sa akin nang madiin.
“Aray ko Luce, aray! Bakit mo ko kinurot? Sinaway ko naman na si Kate eh at hindi na mauulit ‘yon,” sabi ko habang himas-himas ang kinurot niya.
“Hindi raw mauulit, baka kamo hindi titigil at kung saan-saan kayo. Alam niyo kayong dalawa ng bestfriend mo, parang laging taglibog sa inyo. Infected ka na rin ata Drew,” kuda na naman ni Luce.
“Manahimik ka nga diyan Luce! Kuda ka nang kuda eh saka inosente ako ‘no. Ikaw lang din ‘tong green-minded,” pagmamalaki kong sagot sa kanya.
“Ay wow! Over my virgin and sexy body Drew! ‘Wag ako. Mabait at malinis ang kalooban ko. Walang bahid ng lumot.” kontra naman nito.
Patuloy lang kami sa aming bangayan at asaran. Ilang saglit lang ay lunch na namin.
Nagpaalam na rin ako kay Luce at dumiretso na sa canteen baka nandoon na ang dragon.
Tama nga ako, nandoon na ang dragon at bumubuga na ng laway, just kidding. Pinuntahan ko muna sila ng mga kaibigan niya at binati naman ako ng mga ito.
“Hello rin sa inyo. Dragon ay este Kate, anong gusto mong kainin ngayon?” muntikan pa ako roon ah.
“I want chicken wings, lasagna and carbonara with large iced tea,” sunod-sunod nitong sabi.
Grabe talaga ‘to, parang may python sa loob ng tiyan.
“Andy, samahan na kita. Ako na rin ang bibili ng pagkain namin,” presinta ni Skye kaya pumunta na kami.
Nang maka-order na kami ay nagkukuwentuhan lang kami pabalik dala ang mga orders namin.
“Andy, kumusta ka na? Kayo ni Kate? May pagbabago ba?” nang-aasar na tanong sa akin ni Skye.
“Ha? What do you mean? Okay naman kami ni Kate,” naguguluhan kong sagot.
“Wala Andy, ang sabi ko ang ganda ng suot mo ngayon,” at natawa naman ito.
“Si Kate kasi ang pumili at nagpahiram nito sa akin,” tugon ko naman.
“Ah kaya naman pala bagay na bagay sa’yo. Walang dudang si Kate nga. Hay nako Kate, good luck,” hindi ko na narinig ang huling sinabi nito kaya hinayaan ko na.
Inilapag na namin ang aming mga in-order at nagsimula nang kumain.
Ako naman ay pasulyap-sulyap kay Kate dahil para siyang gutom na gutom sa bilis niyang kumain.
Hay Kate, sa susunod ipagluluto kita niyan. Para kahit diyan lang ay masarapan at matuwa ka.
“Hoy Kate! Couple bracelet ba ‘yang suot niyo ni Drew ha? Kayo ha, ano ‘yan? Hmm?” panunukso sa amin ni Claire.
“So? Kung couple bracelet ‘to? Pake niyo ba? Saka Claire ‘wag tanga ha? Tatanong-tanong ka pa kung ano ‘to, malamang bracelet,” sabay irap ni Kate kay Claire.
“Ayie para kayong mag-jowa sa lagay niyong ‘yan ha. Ang sweet sweet niyo naman!” tila kinikilig na sambit ni Alice.
“Kaya nga eh. Nakakainggit! Sana may Andrew din ako na handang gawin lahat at caring pa,” sabi ni Skye habang nakatingin kay Kate at hinahampas-hampas si Claire.
Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Kate at si Claire naman ay nanghampas pabalik at nakihampas na rin si Alice.
Mga abnormal talaga.
Nang matapos kaming kumain ay nag-usap usap muna silang apat at nagpaalam na.
Ako naman ay dumiretso na sa aking klase. Halos sabay lang kami ni prof na dumating. Binati na namin ito at nagsimula na ang discussion.
Nang matapos na ang klase ay tinawag naman ako ni prof.
“Miss Torregozon, pwede bang pakidala ito kay Mrs. Cordova sa student council office?” sabay abot nito ng folder.
“Sige po ma’am,” at nagpasalamat na ito at umalis.
Aalis na rin sana ako nang bigla akong tinawag ni Luce.
“Hoy Drew, saan ang punta mo ha? May klase pa tayo oh,” talak na naman ni Luce sa akin.
“Pupunta ako sa student council office. Pinapabigay ni prof ‘tong folder kay Mrs. Cordova,” at hinampas ko nang mahina sa mukha niya ‘yong folder.
“Hoy Drew! Umayos ka nga. Mada-damage ‘yong mukha ko. Sama ako sa’yo dali alis na tayo!” sabay higit sa akin palabas ng room.
“Dati naman nang damaged ‘yang mukha mo,” tawa-tawa kong sabi sa kanya habang siya ay kinaladkad ako na halos ikadapa ako.
Nang makarating na kami sa SC office ay agad ko nang ibinigay kay Mrs. Cordova ‘yong folder at umalis na rin kami.
“Drew, sa canteen na lang tayo. ‘Wag na tayong magklase. Wala naman tayong gagawin sa last sub,” nandedemonyo naman niyang yaya.
“Demonyo ka talaga kahit kailan. Pero ayoko ko rin kaya tara na!” sabay hila ko sa kanya at tumakbo na.
Naririnig kong nagrereklamo siya habang ako naman ay tumatawa.
Nag-order lang kami ng mga paborito naming pagkain at lumamon nang lumamon. Ganito ang bonding namin ni Luce.
Food is life ugh.
Sa panahon kasi ngayon pagkain na lang ang nagpapasaya sa amin ni Luce.
Ay totoo ba Drew? Ano pala si Kate? Pampalipas oras?
Iba si Kate. saka hindi ko siya pampalipas oras!
Okay sabi mo eh.
Masaya kaming nagsusubuan ni Luce dito at nagtatawanan. Halos kami lang ang estudyante rito pero may mangilan-ngilan din dahil may mga klase pa.
Nang matapos kaming kumain ay nagyaya na itong umuwi.
“Drew! Uwi na tayo. Kita-kits mamaya kina Hazel. Sasabay na ako sa kanya pauwi. Ikaw ba? ‘Di ka sasabay sa amin?” tanong sa akin nito.
“Hindi eh. May gagawin pa ako saglit sa bahay. Susunduin niyo na lang daw ako mamaya,” sagot ko naman.
“Okay. At ‘yang gagawin na ‘yan ha siguradong gawain talaga hindi ‘yong gawaing papuntang langit ha!” sabay irap nito at umalis na.
Nag-text naman ako kay Kate na may aasikasuhin ako at hindi makakasabay sa kanya. Pumunta na ako sa mall para mamili ng regalo para kay tita Lorrie.
Nang makabili na ako at maipa-gift wrap ito ay nag-commute na ako pauwi.
Pagdating ko sa bahay ay inilapag ko muna ang regalo at naligo na agad at nag-tooth brush.
Nang matapos ako ay nagbihis na ako. Isang Lacoste white polo shirt at black jeans na tinernuhan ko ng white sneakers. Tinuck-in ko ito at nag-belt na.
Syempre nagpabango na rin ako ng aking Yves Saint Laurent perfume at sinuot na ang aking bracelet at wrist watch. Nag-apply lang ako nang kaunting powder sa mukha at lip balm sa aking labi. Tapos kaunting suklay lang ay okay na ako.
Ang fresh fresh mo ngayon self!
Mayamaya ay narinig ko na ang busina ng isang kotse. Sina Hazel na siguro ‘yon. Kinuha ko na ang regalo at lumabas na.
Nang mai-lock ko na ang bahay at gate ay umalis na kami.
Masaya ako ngayon dahil makakapag-bonding na naman kaming tatlo.
Comments (0)
See all