Isang Kwento ng Pagmamahal na Hindi Inangkin, Pero Totoo.
Para sa lahat ng minahal nang tahimik, totoo, at walang hinihinging kapalit.
Sa mga puso na piniling hindi ipaglaban—pero hindi rin iniwan.
At para sa kanya...
Kung alam mong ikaw 'yon—salamat.
Nahanap kita sa buhay na ito.
Kaunting mensahe sa mga mambabasa:
Naisip kong gumawa naman ng kwento na gamit ang aming wika.
Hirap na rin kasi ako mag-Ingles.
At saka...
Mas gusto ko sanang ilahad ang kwentong ito na parang kwentuhan lang sa gabi—habang nakaupo sa baywalk, may hawak na kape, at may kasamang tahimik na buntong-hininga.
Kung nandito ka para sa kwentong di kailangang sumigaw para maramdaman...salamat.
Kasi ito 'yon.
Walang iwanan ng asawa.
Walang eskandalo.
Pero baka may matagal ka nang damdamin na naririnig sa pagitan ng katahimikan.
At nais mo lang maranasan na ilabas ang damdaming 'yon—
kahit lamang sa pagbabasa ng isang kwentong kathang-isip gaya nito.
Comments (0)
See all