Sa clinic ni Dra. Anne—isang kilalang cardiologist—nakaupo si Marco Velasquez sa kabilang dulo ng mesa.
Medyo nakayuko siya. Tila iniiwasan ang tingin ni doktora habang pinupulot nito ang kanyang ECG results.
"Tsk, tsk, tsk... Marco," sabi ni Dra. Anne habang nangingiti pero halatang may pag-aalala ang tono,
"Kailangan mo na talagang magbawas ng timbang. Papaano bubuti ang kondisyon mo sa heart failure kung hindi tayo umaabante?"
Itinaas nito ang papel, pinakita ang mga readings.
"Tatlong taon na tayong ganito, Marco. Full dosage na ang metformin mo, pero parang wala pa ring epekto."
Si Marco, pilit ngumiti. Pero halatang pagod ang katawan... at lalo na ang loob.
"Wala na ba talaga akong pag-asa, Doc?"
"Hindi ko na rin kasi talaga makatulog ng maayos. Pag humiga ako, parang akong nilulunod.
Kailangan naka-upo lang palagi."
"Tapos 'yung talampakan ko, Diyos ko, Doc... kahit konting lakad, masakit.
Hindi na rin ako maka-akyat ng hagdan nang hindi hinihingal."
Tahimik si Dra. Anne saglit. Tumitig kay Marco.
Alam niyang hindi lang medical ang bigat na dala nito.
Kaya kinuha niya ang referral pad.
Sinulat ang pangalan ng isang doktor.
"Marco, may kakilala ako. Magaling. Endocrinologist.
Si Dra. Celina Ramos. Dito lang din siya sa St. Elora.
Sa susunod na floor lang."
"Tuwing Sabado lang ang schedule niya.
Pero tingin ko... makakatulong siya sa'yo."
Lumipas ang ilang araw. At dumating na ang Sabado.
Sa clinic ni Dra. Celina Ramos, nakaupo si Marco.
Pinagpapawisan ang palad niya.
Hindi niya alam kung dahil sa kaba, o dahil sa dami ng iniisip.
Hindi lang gamot ang hanap niya—May parte sa kanya na umaasang may maririnig siyang bago. May konting pag-asa.
Pero nang lumabas ang doktora mula sa likod ng kurtina, nagulat siya.
Simple. Kalmado. Maaliwalas ang mukha.
At ang pinaka-hindi niya inasahan: walang bakas ng panghuhusga.
"Good morning po, Mr. Velasquez?"
"Yes po... ako po 'yon."
Mula sa boses pa lang ni Celina, ramdam mo ang propesyonalismo—pero hindi malamig.
Hindi mataas.
May lambing. May malasakit.
Matapos ang maikling konsultasyon at pag-review ng records, binigyan siya ng doktora ng reseta.
"Magkano po ito, Doktora?" tanong ni Marco habang hawak ang papel.
"Walong libo, apat na turok sa isang buwan," sagot ni Dra. Celina.
"Matutulungan ka nito para ma-kontrol ang gana mo sa pagkain.
At unti-unti kang makakababa ng timbang."
"Ang mahal pala, Doktora..."
Bumuntong-hininga si Marco.
"Oo," sagot ni Celina, "pero subok na ito. Kahit sa Amerika, ginagamit na siya.
Maraming nagtitiwala."
Tumango si Marco.
Tumayo. Nagpasalamat.
"Salamat po, Doktora."
Lumabas siya ng clinic, hawak ang reseta.
Pero may mas mabigat na bitbit—pag-asa.
Habang naglalakad palabas ng ospital, tumingin siya sa langit mula sa isang salamin sa lobby.
"Baka sakali..."
"...baka hindi pa talaga huli ang lahat."
Itutuloy...
Comments (0)
See all