Pagkatapos ng check-up sa ospital, nakauwi na si Marco sa kanilang bahay sa Pasig.
Binuksan niya ang gate, marahang naglakad papasok habang naririnig ang tunog ng kutsarang tumatama sa plato mula sa loob ng bahay.
Sinalubong siya ng kanyang asawa—si Susan.
Suot nito ang apron. Amoy adobo ang buong bahay. Lumapit ito, humalik sa pisngi niya.
"Mahal, kamusta ang check-up mo?"
"Mabuti naman," sagot ni Marco.
Inabot niya ang reseta.
Tahimik lang si Susan habang tinitingnan ito—hanggang mapunta sa ibabang bahagi, kung saan nakasulat ang presyo ng gamot.
"Aba... ang mahal pala nito."
"Honga nga eh," sabi ni Marco habang naupo sa sofa.
"Pero sabi ni doktora, makakatulong daw talaga.
Pang-control ng gana, para makabawas ako ng timbang."
Si Marco Velasquez.
Ama ng tahanan.
May tatlong anak.
At si Susan—ang naging una at huling babae sa buhay niya.
Ang panganay nilang lalaki, si Nathan, ay pa-graduate na ng Senior High.
Nakapasa na sa entrance exam sa isang unibersidad.
Ang kasunod, si Ella, ay pa-graduate naman ng Junior High.
Tahimik, responsable, at mahilig magsulat sa journal.
Ang bunso, si Lianne, ay nasa ikalawang taon sa high school.
Maganda. Matalino. At may karismang parang laging bida sa school play.
Lahat ng mga anak ni Marco ay masisipag mag-aral.
Walang bisyo. Walang reklamo.
Palaging may kwento tuwing hapunan.
Si Susan, sa kabila ng trabaho niya sa isang accounting firm, ay hindi nagpapabaya bilang ina at asawa.
Alaga sa pagkain, alaga sa tao, alaga sa tahanan.
At si Marco, may maayos na trabaho.
Maayos ang kita.
Hindi marangya ang pamumuhay, pero sapat.
At higit sa lahat—masaya.
Sa isang banda, parang wala nang kulang.
Iisipin mo, ito na ang ideal life.
May bahay, pamilya, trabaho, pagmamahal.
Pero isang araw...
sa gitna ng katahimikan, may pumasok na pakiramdam.
Parang may kulang.
Hindi mo mailarawan.
Hindi mo masabi kung saan nanggagaling.
Parang pangako.
Isang pangakong binitawan—pero hindi mo maalala kung kailan, kung saan, at kanino.
Nanatili ito sa puso ni Marco.
Tahimik. Maliit.
Pero sapat para mag-iwan ng isang maliit na butas sa kanyang kaluluwa.
Pero sa ngayon...
inisang tabi muna niya ang lahat ng iyon.
Mas mahalagang ayusin muna niya ang sarili niya.
Ang kalusugan niya.
Alang-alang sa mga anak niya.
Sa asawa niya.
Sa pamilya.
Kailangan siya.
Wala siyang puwedeng isakripisyo.
Siya ang haligi ng tahanan.
Sabi nga ng mga tunay na lalaki,
"Kahit may bitak na sa loob—dapat matibay pa rin sa labas."
Itutuloy...
Comments (0)
See all