Makalipas ang tatlong buwan, muling bumalik si Marco sa clinic ni Dra. Celina para sa follow-up appointment.
Pagpasok pa lang niya sa exam room, ngumiti agad ang doktora.
"Wow! Marco, mukhang epektibo ang gamot sa'yo ah," sabi ni Celina habang tinitingnan ang chart niya.
"Nabawasan ka ng apat na kilo simula nung sinimulan mo 'tong gamot na nireseta ko."
Tumango si Marco. "Tama po kayo, doktora. Napansin ko rin—hindi na ako nagdadagdag ng pagkain pagkatapos kong kumuha sa plato. Parang busog na agad kahit konti lang."
Ngumiti si Celina, may halong tuwa sa boses.
"Mabuti naman kung ganun. May nakikita tayong magandang resulta. Hindi natin kailangang magmadali. Pero alam mo, Marco... nakikita ko talaga na meron kang disiplina. Kaya mo 'to."
"Maraming salamat po, doktora," sagot ni Marco, medyo nahihiyang ngumiti.
"Sana tuloy-tuloy lang 'to. Balang araw, baka makatakbo na ako sa labas—wala nang masakit sa paa, sa tuhod, sa binti..."
Napangiti si Celina, sabay tawa.
"Asahan natin 'yan," sagot niya.
At ganun nga ang nangyari.
Tuwing bumabalik si Marco sa clinic sa nakatakdang appointment kada tatlong buwan, palaging may magandang balita. Unti-unti, tuloy-tuloy ang pagbagsak ng timbang niya.
Napapansin din ni Marco:
Nakakalakad na siya nang mas matagal—hindi na kailangang huminto para magpahinga.
Hindi na rin ganoon kahirap umakyat ng hagdan.
Unti-unti, parang bumabalik ang lakas. Parang bumabalik siya... sa dating siya.
Isang araw, habang nagbibihis sa kwarto...
"Hon," tawag niya kay Susan, "naitabi mo pa ba 'yung mga lumang sinturon ko?"
"Ha?" sagot ni Susan mula sa kusina. "Bakit hon?"
"Kasi 'tong mga pantalon ko, bumabagsak na eh. Parang lumuwag."
Lumapit si Susan, hawak pa ang ladle ng adobo.
"Aba siya nga!" bigkas niya, parang na-excite sa resulta.
"Teka, teka, hanapin ko..."
Ilang saglit lang, inabot ni Susan ang isang kahon—nandoon ang mga lumang sinturon ni Marco, matagal nang nakaipit sa aparador.
At ayun, nang isuot niya iyon, hindi na bumaba ang pantalon niya sa baywang. Tamang-tama lang.
"Natutuwa ako," sabi ni Susan habang pinagmamasdan si Marco. "Maganda 'yung resulta ng pagda-diet mo. Balang araw, babalik na 'yung itsura mo—'yung Marco na nililigawan pa lang ako."
"Excited ka na ba?" tanong ni Marco, nakangisi.
Yumakap si Susan sa kanya.
"Syempre naman. Ang gwapo mo kaya dati."
"Ha? Ngayon ba, hindi na?" Nagkunwaring nasaktan si Marco.
"Hindi na gwapo... pero cute pa rin naman."
"Animal ka talaga," natatawang sabi ni Marco.
"Ikaw ang animal—pero cute na piggy!" balik ni Susan habang pinisil ang tagiliran niya.
Umikot ang mga mata ni Marco. "Hayy, ikaw talaga..."
"Kung di lang kita asawa, sinapak na kita," sabay tawa nilang dalawa.
Humalik si Marco sa pisngi ni Susan bago lumabas ng bahay.
Paglapit niya sa pinto, lumingon pa siya sandali.
Sinulyapan ang asawa, ngumiti, at kumaway.
"Tuloy na ako ha."
"Ingats!" sagot ni Susan.
At sa sulyap niyang 'yon, parang may bumalik na parte ng sarili niyang matagal nang nawala.
KAHIT SA BATANES
Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na.
Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog.
Ngunit si Celina ay hindi rin buo.
Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya.
Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon.
Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan.
Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa.
Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang...
Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam.
KAHIT SA BATANES
Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.
Comments (0)
See all