Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Kahit sa Batanes

Part 5: Ang Kwento sa Gabi ng Sabado

Part 5: Ang Kwento sa Gabi ng Sabado

Apr 30, 2025

Miyerkules ng gabi. Nakabakasyon si Celina kasama ang kanyang mga magulang at ilang pamangkin sa isang resort sa Batangas.

Araw ng Kwaresma. Nakagawian na nila na tuwing Holy Week, nagfi-file ng isang linggong vacation leave si Celina sa ospital para makasama ang kanyang pamilya.

Nasa isa siyang kwarto sa resort—naka-shorts, naka-maluwag na T-shirt, at may hawak na tablet.

Naisip niyang mag-scroll ng stories sa Wattpad bago matulog. Wala lang. Pampalipas-oras.

Habang umiinom ng chamomile tea, napatingin siya sa isang shared link na ilang ulit na niyang nakita sa Facebook timeline:"In the Time We Had – A Short Story" by m.velasquez_0928

"Hmm... ito 'yung sinasabi ni Angela dati.
'Yung sinulat daw ng pasyente namin... si Marco?"

Binuksan niya ang link, dala ng simpleng curiosity.

"At least maikli lang..."

sabi niya sa sarili.

Pero nang simulan niyang basahin—naging tahimik ang gabi.

Tahimik na hindi mapakali.

Tahimik na may bumubukas sa loob niya.

Si Kei.

Ang mga linyang sinasabi niya...

Ang mga pinagdadaanan...

Ang takot. Ang lungkot.

Parang tinulak siyang tumingin sa salamin na hindi naman niya hiniling.

At habang binabasa niya ang ilang linya ng dialogue ni Serena—isang eksenang sinesermunan siya sa loob ng exam room habang naghihintay si Kei sa waiting area ng clinic.

Biglang pumasok sa isip niya ang isang tawag mula sa dean ng isang unibersidad—mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Nakatanggap siya noon ng reklamo galing sa mga med student na bumagsak sa kanilang midterm prep test. Hindi raw siya nagtuturo at hindi nagbibigay ng reviewers nang maayos.

"No, I told them exactly what to review—line by line,"

"It's not my fault 95% of them didn't take it seriously."
"I understand, Dean. But putting the blame entirely on me is unfair—yes, I know my role. Yes. Understood."

Ito yung mga linya na nakasaad sa kwento. Hindi man sakto ang mga salita at mga pangungusap sa pangyayari noon, ang eksena-saktong sakto.

Tumingin lang siya noon sa pader. Tahimik.

Sinubukan niyang mangatwiran at ipagtanggol ang sarili, pero hindi siya pinakinggan.

Damang-dama niya ang bigat sa loob habang nakikinig sa sermon mula sa kabilang linya.

At ngayong binabasa niya ang mga sumunod na linya ng kwento...

sa bawat eksenang mabait si Serena,
sa bawat tinig hindi judgmental,
sa bawat eksenang unti-unting nagkakamabutihan sila ni Kei...

parang may bahaging natunaw sa kanya.

"Tangina... ako 'to,"

bulong niya sa sarili.

Hindi niya alam kung dapat ba siyang matawa...o mapaiyak.

At nung lumapit na ang huling bahagi...

kung saan hindi na kayang iligtas ni Serena si Kei...

hindi na tea ang iniinom ni Celina—kundi sarili niyang luha.

At nang marating niya ang farewell letter—

nag-pause siya.

Binaba ang tablet.

Tumingin sa kisame.

Pumikit. Huminga.

At binasa pa rin.

Narito yung liham na mula sa kwento:

My beloved Serena,

There are no words to express how much love and joy you brought to my life.

You didn't just treat me as a patient. You saw me — really saw me — and believed in me when I couldn't believe in myself.

Thank you for helping me realize... that life is not always about transformation. It's not just about changing what's outside, or proving something to the world.

You taught me that even in the body I once hated, I was already worth loving.

That there will always be someone out there who will see you as you are, no matter what you look like.

For me, that someone... was you.

My only regret is that I will be going to a place without you.

I would have given anything for one more coffee date, one more slow dance in the living room, one more sunset on the beach. But if I had to choose between forever without you or a few precious months with you...

I would still choose this.

Every time.

And if there is indeed another life after this one...

I promise that I will find you again.

No matter how long it takes. No matter what I become.

I will always remember.

And I will always see you as Serena —

My love...

My life...

My everything.

Love,
Kei

Pagkatapos ng huling linya,hindi na siya umiyak—

pero tumulo pa rin ang luha.

Tahimik. Tuluy-tuloy.

Biglang may narinig siyang katok sa pinto ng kwarto.

"Celina?"

Boses ng ina niya, galing lang sa labas ng pinto ng kanyang silid.

"Anak, ayos ka lang ba? Narinig kasi kita na para kang umiiyak?"

Hindi siya agad sumagot.

Itinabi ang tablet. Pinunasan ang pisngi.

"Ma... kwento lang. Ang ganda eh. Medyo natamaan ako."

Paglabas niya ng kwarto, pinagmamasdan siya ng ina.

May bahagyang ngiti, pero may tanong sa mata.

"Anak... sino sumulat?"

"Pasyente ko, Ma."

"Pero... hindi lang pasyente.
Sa kwento niya... parang ako 'yung minahal."

Walang sagot ang ina.

Lumapit lang ito at niyakap siya.

At sa yakap na 'yon,parang dahan-dahang binabalot ng gabi ang lahat ng di masabi sa mga salita.

Sa kabilang banda ng lungsod, si Marco ay tulog na.

Walang kaalam-alam...

Na ang kwento niyang sinulat isang Sabado ng gabi—ay unti-unting ginising ang pusong matagal nang piniling manahimik.

Mula sa Journal ni Celina – Entry #63
"April 16, Miyerkules ng Gabi – Somewhere in Mabini, Batangas (Resort)"
Ngayon ko lang binasa.
'Yung kwento na sinulat ni Marco...
'Yung kwento na ibinigay sa akin ni Angela, isang linggo na ang nakalilipas.
Akala ko fanfiction lang.
Simpleng thank you lang mula sa isang pasyente.
Pero hindi eh.
Ako 'yung nasa kwento.
Ako si Serena.
Hindi ko man aminin nang malakas—
alam ko sa puso ko, ako 'yon.
Hindi lang dahil doktora siya.
Kundi dahil sa bawat pagod...
sa bawat tanong...
sa bawat linyang puno ng pagdududa sa sarili...
Parang may sinulat siya para sa akin—
kahit hindi niya sinabi.

Tangina, Marco.
Lagot ka sa'kin sa susunod mong appointment.

-C

Pagkababa ng ballpen sa desk...

(pause)
(nguso. flip ng bangs.)

At binulong niya sa sarili:

"Sana ready ka—'cause I'm not..."

Tahimik siyang napatingin sa salamin sa harap ng desk. Sandali lang. Pero sapat na 'yon para makita ang sarili—isang mukha ng doktora...

Seryoso. Pero may bahid ng pag-aalala.

Hindi takot sa sakit.

Hindi kaba sa trabaho.

Kundi takot na baka, sa wakas, may damdaming hindi na niya kayang itago.

Itutuloy...


sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Kahit sa Batanes
Kahit sa Batanes

1.3k views3 subscribers

KAHIT SA BATANES
Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na.

Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog.

Ngunit si Celina ay hindi rin buo.

Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya.
Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon.
Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan.
Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa.
Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang...

Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam.

KAHIT SA BATANES
Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.
Subscribe

24 episodes

Part 5: Ang Kwento sa Gabi ng Sabado

Part 5: Ang Kwento sa Gabi ng Sabado

67 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next