Please note that Tapas no longer supports Internet Explorer.
We recommend upgrading to the latest Microsoft Edge, Google Chrome, or Firefox.
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
Publish
Home
Comics
Novels
Community
Mature
More
Help Discord Forums Newsfeed Contact Merch Shop
__anonymous__
__anonymous__
0
  • Publish
  • Ink shop
  • Redeem code
  • Settings
  • Log out

Kahit sa Batanes

Part 6: Ang Appointment na May Period

Part 6: Ang Appointment na May Period

Apr 30, 2025

Clinic ni Dra. Celina, Sabado ng umaga.

Pumasok si Marco, parang normal lang.

Nakangiti. May bitbit pang bottled water at face towel.
Marco:
"Good morning po, Doktora."

Celina: (hindi tumingin agad, tap tap sa tablet)
"Good morning."
(dry. no energy. walang ngiti.)
Hindi agad napansin ni Marco.

Akala niya, baka pagod lang si doktora.

O baka late nagising.

Pero habang tumatagal ang katahimikan... parang may kinikimkim.

Celina: (binabasa ang file)
"Okay. Maganda naman ang result ng fasting blood sugar mo."
"Tuloy mo lang 'yung meds and diet mo. Period."

Marco: (napakunot noo)
"...Doktora? Parang... iba ka ngayon ah. Parang weird ang dating mo."

Celina: (finally, tumingin. Diretso. Matalas.)
"At may gana ka pang mag-Ingles?"
"For your information, I'm not acting weird."
"I'm normal."
"You should think clearly if you've done something to offend me."
"Didn't you notice? PERIOD!"

Tumigil si Marco.

Pero may kakaiba nga talaga. Ramdam na ramdam niya yun.

Marco:
"But you are... really acting weird..."

Celina: (sumandal sa upuan, ang larawan ng mukha niya, kasing lamig ng isang bloke ng yelo)
"For your information, Mr. Velasquez, I'm the same doctor you first met months ago."
"But maybe you only notice when I smile at you."
(sabay tap sa tablet, walang tingin)
"And today, I'm not in the mood to smile. PERIOD."

Parang binagsakan ng exam paper na may pulang "FAILED" sa harap niya.

Hindi niya alam kung saan galing.

Pero alam niyang may mali.

Pakiramdam na niya ngayon - hindi na ito basta isang konsultasyon...
Para siyang isang akusado sa korte na binasahan na ng sentensya.
Guilty siya. Pero hindi niya alam kung anong kasalanan.

Marco: (mahina ang tono)
"Hindi ko alam... pero gusto kong malaman."

"Kailangan ko na kaya ng abugado?" pabulong niyang nasabi.

Celina: (Tumaas ang isang kilay)
"Narinig ko yun."

Nanigas si Marco.

Celina: (balik sa tablet, hindi na tumingin ulit)
"Ito na ang reseta mo.
At ito ang lab request mo para sa susunod na tatlong buwan."

(itinulak ang mga papel sa mesa. eksaktong tinapat sa kanya.)

"See you in three months. PERIOD."

Wala na. End of discussion.

Hindi na siya sinulyapan.

Parang bintana ng check-out counter na sinarado bigla sa harap niya.

Pero sa likod ng ngiting pilit,
sa likod ng pagka-professional...

Ramdam ni Marco:
May nasaktan.

At hindi niya alam kung paano hihilumin ito.

Tahimik lang si Marco. Hindi niya alam kung magpapaliwanag, hihingi ng tawad, o tatakbo palabas ng exam room.

Pero syempre, hindi pa siya handang sumuko. Alright! Here we go... (:D)

Marco: (mahina ang boses)
"I'm sorry, Doc... may nagawa po ba ako?"

Celina: (deadpan, pero may sumbat sa mata)
"Oo. Yung pinost mong story... ako 'yon, 'di ba?"

Marco: (napakunot-noo, natigilan)
"Ha? Hindi ko pa binibigay 'yung link sa'yo ah...?"

Celina: (sumimangot)
"Na-share na sa'kin ni Angela."
"Binasa ko... nung long vacation."
(Iwas tingin. Nilalaro ang dulo ng ballpen. Hindi makatingin.)
"Grabe ka..."

(humikbi)

"Pinaiyak mo ko."


(Napakamot sa batok si Marco, parang batang nahuli sa kalokohan.)
Marco:
"Nabasa mo rin... yung farewell letter?"

(Walang salita si Dra. Celina. Tumango lang. Mabagal. Nakasimangot, pero may bahid ng lungkot sa mga mata.)

Marco: (marahang tono, may kaba pero buo ang loob)
"Gusto mo... basahin ko sa'yo?"

(Nandilat ang mata ni Celina. Hindi makapaniwala sa narinig.)
Celina:
"Ano?!"

Marco: (tumayo ng dahan-dahan, inilabas ang cellphone)
"Basahin ko yung liham sa'yo.
Liham ni Kei... para kay Serena."

(Hindi gumalaw si Celina. Natulala. Pero tumango siya. Bahagyang ngumiti—hindi ngiti ng saya... kundi ng "Sige na nga. Bahala ka.")

Celina:
"Si... sige."

Binuksan ni Marco ang phone. Inayos ang screen brightness.

Pumunta sa bookmarked story.

Pinindot ang YouTube.

At habang nagsimula ang acoustic instrumental ng "Bato sa Buhangin"—
...nag-umpisa na ring bumalik ang alaala kay Kei at Serena.

Marco: (mahinahon, kalmadong tinig)

"My beloved Serena..."

(Sa unang linya pa lang, napayuko si Dra. Celina. Hindi pa umiiyak—
pero nanigas ang katawan.
Parang gusto niyang umalis pero hindi niya magawa. Pinili niyang manatili.)

"There are no words to express how much love and joy you brought to my life..."

(Napapikit si Celina. Hinila ang tissue box sa gilid ng mesa. Isa, dalawa—
hindi para punasan. Para lang may hawak.)

"You didn't just treat me as a patient. You saw me—really saw me..."

(Napatak ang unang luha sa pisngi niya. Hindi iyak na may tunog. Hindi hikbi. Tahimik. Tuluy-tuloy.)

"You taught me that even in the body I once hated, I was already worth loving..."

(Napatakip ng bibig si Celina. Hindi para pigilan ang luha—kundi para hindi makasigaw.)

Angela: (biglang bumukas ang pinto, may dalang envelope ng lab results)
"Doktora, 'yung—"

(Napanganga siya. Tumigil sa paglakad.
Ang eksenang nakita niya: si Marco, nakatayo, nagbabasa ng liham...
Si Dra. Celina, tahimik na lumuluha...
At ang tunog ng "Bato sa Buhangin" na umaalingawngaw sa background.)

Hindi siya nagsalita. Napakapit sa dibdib si Angela—
hindi dahil sa takot, kundi dahil parang may tumusok sa puso niya.

At dahan-dahang sumandal sa pader.

Nakisabay sa katahimikan.

Nakinig.

Marco: (habang nanginginig ang boses sa huling linya)

"I will always remember...
And I will always see you as Serena—
My love.
My life.
My everything."

Walang kumibo.

Walang gumalaw.

At sa loob ng exam room na 'yon,
ang kwentong kathang-isip—
ay naging kwento ng damdaming matagal nang hindi nasambit.

Itutuloy...

sherwinrreyes
AninoNgPusa

Creator

Comments (0)

See all
Add a comment

Recommendation for you

  • Blood Moon

    Recommendation

    Blood Moon

    BL 47.6k likes

  • Silence | book 1

    Recommendation

    Silence | book 1

    LGBTQ+ 27.2k likes

  • What Makes a Monster

    Recommendation

    What Makes a Monster

    BL 75.2k likes

  • Secunda

    Recommendation

    Secunda

    Romance Fantasy 43.2k likes

  • Touch

    Recommendation

    Touch

    BL 15.5k likes

  • Silence | book 2

    Recommendation

    Silence | book 2

    LGBTQ+ 32.3k likes

  • feeling lucky

    Feeling lucky

    Random series you may like

Kahit sa Batanes
Kahit sa Batanes

1.3k views3 subscribers

KAHIT SA BATANES
Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na.

Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog.

Ngunit si Celina ay hindi rin buo.

Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya.
Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon.
Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan.
Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa.
Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang...

Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam.

KAHIT SA BATANES
Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.
Subscribe

24 episodes

Part 6: Ang Appointment na May Period

Part 6: Ang Appointment na May Period

67 views 0 likes 0 comments


Style
More
Like
List
Comment

Prev
Next

Full
Exit
0
0
Prev
Next