Nakahawak si Celina sa laylayan ng kanyang scrub pants.
Mahigpit.
Hindi para ayusin—kundi para pigilan ang sariling gumuho.
"Love,
Kei."
Tahimik.
Isang patak ng luha ang tumulo sa screen ng cellphone ni Marco.
Hindi niya agad napansin.
Pero nang sumunod na linya ng luha ay umabot sa gilid ng phone—doon niya lang narealize na...pati siya, umiiyak na.
Hawak niya ang phone nang mahigpit.
Hindi na si Marco ang nagsasalita.
Parang si Kei na siya.
At sa harap niya...
hindi na si Dra. Celina lang—si Serena na rin ito.
Nanginginig ang kamay niya. Hindi sa kaba—kundi sa bigat.
Bigat ng pag-ibig na hindi isinambit, kundi isinulat na lang.
Sa kabilang dulo ng lamesa, si Dra. Celina...hindi na nagsasalita.
Ang mascara niya, umagos na.
Hindi niya pinansin.
Pati sipon niya, dumaloy na rin.
Pero hindi siya gumalaw.
Nakahawak pa rin siya sa laylayan ng scrub pants niya.
Parang 'yon lang ang nagpapakapit sa kanya sa realidad.
Gusto niyang punasan ang luha.
Gusto niyang tumawa.
Gusto niyang magalit.
Pero wala.
Wala siyang masabi.
Angela:(nakasandal pa rin sa pader, tahimik, nangingilid ang luha)
"Putangina, ang sakit," mahina niyang bulong sa sarili, di napigilang madama.
Marco:(tumingin kay Celina. Mahinang tinig.)
"Sorry, Doktora...
Hindi ko alam kung karapat-dapat akong magbasa ng ganito sa'yo."
Celina:(mahina rin, halos pabulong)
"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, Marco."
(saglit na katahimikan)
Celina:
"Ang totoo... matagal na akong hindi pinaiyak ng ganitong klase ng sulat."
Naging mahinahon ang mga sandaling iyon. Paglipas ng ilang segundo. Bumigat ulit ang tensyon sa paligid.
Celina (mahinahon, halos walang emosyon sa mukha):
"Maupo ka."
Marco (nalilito, nangingiti pa pero kabado):
"Do—Doktora?"
Celina (tumigil sa pagtitig sa tissue sa kamay niya, at sa malamig, teacher-like tone):
"I said... sit down."
Tahimik.
Umupo si Marco.
Hindi niya alam kung may masakit sa kanya—o kung nagsisimula pa lang masaktan.
Celina (diretso, walang ngiti):
"Pangalawang beses na 'to."
Marco (kumikunot ang noo, nalito):
"Na...?"
Celina (lumunok ng laway. Pinipigilang gumuhit ulit ang luha):
"Pinaiyak mo ako."
Hindi nagalaw si Marco.
Hindi rin siya agad nakasagot.
Pero bago pa siya makapagsalita—
Celina (bumuntong-hininga, parang pagod na pagod):
"Bale tatlo na pala.
Kasi pati si Angela...
pinaluha mo rin."
Angela (nasa gilid pa rin, nanonood sa eksena. Nagulat):
"Doc?"
Tahimik si Dra. Celina.
Tumingin lang sa kanya.
Isang tango.
Isang tingin.
Angela (tumango pabalik, nilunok ang luha, tumayo):
Tahimik siyang lumabas.
Paglapit niya sa sliding door ng exam room—
isinara niya ito. Dahan-dahan.
Ang tunog ng pagsara, parang curtain call ng isang eksenang walang script.
Sa loob ng kwarto, walang nagsalita.
Wala nang musika.
Ang natira lang—ay ang ingay ng dalawang damdaming hindi na kayang itago.
Celina:
"You owe me three favors."
Marco (napaangat ang kilay, lutang pa):
"Ha?"
Celina (nag-ayos ng buhok, calm but may bahid ng panloloko):
"Yes.
Hindi naman mahirap na favors ang hihingin ko sa'yo. Kaya... you don't need to worry."
Marco (huminga ng malalim, di alam kung natatawa o kinakabahan):
"Kung gawin ko ba 'yung mga favors na 'yon...
patatawarin mo na ako?"
Celina (tumingin diretso sa kanya, bahagyang ngumiti—smirk):
"Of course."
Marco:
"Anong favors?"
Celina (tumingin sa kisame, kunwari nag-iisip):
"Well...
Pinag-iisipan ko pa."
"Pero sabihan kita pag may naisip na ako. Okay?"
At parang ganun lang...
nawala ang tensyon.
Parang tinanggal ang plaster sa sugat—at kahit may kirot...
nakakahinga na ulit.
Marco (napakamot sa batok, napa-oo na lang):
Wala siyang magawa sa ngayon.
Pero wala rin namang masama.
Basta sigurado siya sa sarili niya—na wala siyang mga boundaries na kailangang tawirin pagdating kay Dra. Celina.
Tahimik siyang tumayo.
Kinuha ang reseta at lab request na nasa lamesa.
Marco (magalang, may paggalang sa tinig):
"Okay na po ba ito, Doktora?
Mauuna na po ako.
See you in three months."
Celina (tumango, this time—may totoong ngiti sa labi):
"Ingat ka, Marco."
(pause. smirk ulit.)
"Pero I think... baka mas maaga pa sa three months."
At sa ngiting 'yon...
May laman. May biro.
May paasa.
O baka may inaamin.
Hindi na alam ni Marco.
Pero paglabas niya ng clinic,
isang bagay lang ang sigurado:
Hindi pa tapos ang kwento nila.
Magsisiumula pa lang.
Itutuloy...
Comments (0)
See all