Baywalk, Manila. Hapon. Humahampas ang alon sa breakwater. Maaliwalas ang langit, pero malamig ang simoy ng hangin.
Nasa isang bench si Marco, may hawak na papel na cup ng convenience store na may laman na coffee. Halatang hindi mapakali—may iniisip, may bitbit sa dibdib.
Maya-maya, may lumapit. Matikas. May bigat sa bawat hakbang.
Roberto Ramos.
Ama ni Celina.
Roberto: "Marco Velasquez?"
Tumayo si Marco agad, magalang. Iniabot ang kamay.
Marco: "Opo, ako po 'yan, Sir. Kayo po si—?"
Roberto: "Robby. Ama ni Celina."
Nagkamayan sila. Umupo si Roberto sa tabi niya.
Roberto: "Relax lang. Wala akong dalang baril."
(ngumisi siya-smirk)
Marco:(mahina ang tawa) "Opo. Akala ko ho... interrogation 'to."
Roberto: "Depende sa sagot mo."
Tumingin si Roberto sa dagat. Tahimik.
Roberto: "Nabasa ko 'yung kwento mo. 'In the Time We Had.' Masakit. Tahimik. Hindi pilit."
(pause)
"Tinamaan ako."
Marco: "Salamat po... pero para po 'yun kay Dra. Celina— pasasalamat lang po talaga."
Roberto: "Yun nga ang problema eh. Hindi na lang siya basta doktora mo ngayon, 'di ba?"
Tahimik si Marco.
Roberto: "Nakita ko 'yung anak ko pagkatapos basahin 'yon. Iba 'yung mata niya, Marco. Parang may bagay na gumalaw sa loob niya... at ikaw 'yung may hawak."
Marco: "Sir... wala po akong intensyong guluhin ang buhay niya. May asawa po ako. May anak. At kung may nagawa po akong mali—"
Roberto:(hawak sa balikat ni Marco) "Relax. Hindi kita huhusgahan."
(pause)
"Gusto lang kitang marinig. Gusto ko lang malaman kung sino ka bilang lalaki. Dahil kahit kathang-isip 'yung kwento mo... totoong damdamin ang nilalaman nun."
Marco: "Sir, sa totoo lang... Sa kwento— si Serena ang nagligtas kay Kei. Pero sa totoong buhay... Parang ako 'yung niligtas ni Dra. Celina."
(saglit na katahimikan)
Roberto: "Alam mo ba kung gaano kahirap pagkatiwalaan ang isang lalaking may sariling buhay na?"
"Pero minsan... may taong dumarating sa buhay natin, hindi para guluhin tayo, kundi para ipaalala— may parte pa tayong hindi nararanasan habang tayo ay nabubuhay."
Tumingin si Marco sa kanya. Mahinahon ang tinig, pero matatag:
Marco: "Makakaasa po kayo... Na gagabayan ko ng mabuti si Celina sa paglalakbay niya para sa pagtuklas ng tunay na pagmamahal."
"Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan. Pero sisiguraduhin kong kahit papaano... may kasama siya sa bawat hakbang."
Tahimik si Roberto.
Walang ngiti. Pero napalalim ang tingin.
Tumayo siya. Tumango.
Roberto: "Mag-ingat ka, Marco." "At sana totoo ang mga sinabi mo."
Umalis siya. Walang drama. Walang ibang bitbit.
Pero alam ni Marco— sinimulan na niyang patunayan ang sarili.
KAHIT SA BATANES
Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na.
Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog.
Ngunit si Celina ay hindi rin buo.
Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya.
Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon.
Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan.
Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa.
Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang...
Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam.
KAHIT SA BATANES
Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.
Comments (0)
See all