Hindi pa man dumarating ang susunod na appointment ni Marco, nakatadhana na namang magkita sila ni Dra. Celina—this time, hindi bilang doktor at pasyente.
Isang araw, habang nasa clinic siya, natanggap niya ang isang text mula sa isang group chat na matagal na niyang hindi binubuksan:Dra. Jules created an event: Catch-up Café Night – Med School Barkada Style Who's in? Thurs 7PM, Tomas Morato.
Si Dra. Jules, isa nang gynecologist ngayon, at si Dr. Farinas, pediatrician at longtime jowa ni Jules, ay ilan sa mga dating kaklase ni Celina sa med school. Sila na nga ang nag-aya. Pero sa totoo lang, si Celina ang pinili nila na pumili ng araw at oras. Ang pressure ay parang thesis defense ulit.
"Hanep tong mag-dyowang doktor na 'to, ang dami nilang time," iritadong sabi niya habang nagta-type ng "Thursday, 7PM. After rounds."
Bilang may prinsipyo na hindi basta umaatras sa commitments, kinailangan niyang sumunod. Pero may isang problema: ayaw niyang magmukhang kawawa.
At dito papasok si Marco.
Steady na ang boses? Check. Confidence? Check. Script ng pinaka-maamong version ng "faaaavor please?" – locked and loaded na.
Celina: (bulong sa sarili, nakatitig sa contact name sa screen)
"Marco Velasquez... we can do this all day."
Tinawagan niya si Marco.
(tap. call. ring.)
Nag-ring. Saglit lang at sumagot na ito.
Celina:
"Marco..."
(sinusubukang kalmado, pero medyo kinakabahan)
"Favor #1 na yata 'to."
Marco:(natawa)
"Bilis naman ng claim. Anong kailangan mo, Doktora?"
Celina:
"May lakad kasi ako... sa Thursday. 7PM. Café sa Tomas Morato. With med school friends. May mga jowa na silang lahat. Ayokong magmukhang... well... ako lang mag-isa. Parang awa mo na."
(tumigil saglit, then tinuloy)
"Samahan mo naman ako."
Tila humaba ang katahimikan sa kabilang linya.
Marco:
"Pasensya na, Doktora... may trabaho pa ako n'yan. May scheduled meeting kami. Hindi ako makakaalis ng maaga."
Celina:
"Wala bang puwedeng humalili sa'yo? Kahit saglit lang?"
(halos pabulong)
"Marco, please. Ayoko talaga mag-isa."
Marco:(bumuntong-hininga)
"Wala talaga. Next time na lang natin gamitin 'yung Favor #1, ha? Promise. Sorry talaga, Celina."
Walang sagot.
Sa loob ng clinic, napasubsob si Celina sa counter. Parang binuhusan ng malamig na tubig—may kasamang ice cubes, snow cone, at isang timba ng disappointment.
"Grabe na 'to. Wala nang mas worst dito," mahina niyang sabi, halos hindi marinig.
Pero ang puso niya?
Parang nalaglagan ng isang mabigat na adobe — nahulog mula sa kung anong mataas na pader — diretso sa puso niya, walang salo, walang babala.
Basag.
Huwebes, 6:45PM. Café Juan, Tomas Morato.
Nasa harap na siya ng pinto. Mula sa labas, kita niya ang lamesa na may couch. Doon nakaupo na sina Dra. Jules at Dr. Farinas. Nagtatawanan habang umiinom ng cappuccino.
Celina:
"Kaya ko 'to."
(hinga ng malalim)
Natural professional smile—engage.
Bubuksan na niya ang pinto nang...
Marco:
"Dra. Celina?"
Parang slow motion ang paglingon niya.
At nakita niya si Marco—nakatayo, naka-blue polo, may hawak pang eco bag ng cookies. Nakangisi ito.
Marco:
"Hindi natuloy 'yung meeting namin. Nagka-early announcement. So... nakarating ako."
Natigilan si Celina. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tapos—boom. Ngiting abot-tenga. Yung parang bata na biglang niregaluhan ng Hello Kitty na wallet.
Celina:(pabulong habang lumilihis ng tingin)
"Sinungaling."
Pero kita sa mukha niya—tuwang-tuwa.
Magkasabay silang pumasok sa café.
Tumungo sa lamesa. At habang papalapit, iniayos ni Celina ang buhok niya. Natural. Ganda lang. Professional lang.
Sa loob ng isip niya:
Okay. Favor #1, success.
Pagpasok nila sa café, sabay na tumingin sa kanilang direksyon sina Dra. Jules at Dr. Farinas. Nang makita ni Dra. Jules na may kasamang lalaki si Dra. Celina, halos lumuwa ang mata nito sa gulat—at kilig.
Para bang may bago na namang chismis ang maglalakbay sa Med School Barkada Group Chat mamayang gabi.
Dra. Jules:
"Hi! Celina, pakilala mo naman kami sa friend mo."
Dr. Farinas:
"Honga. Ako si Dr. Farinas, siya naman si Dra. Jules. Mga kaklase kami ni Dra. Celina sa Med School ng FEU."
Tumayo si Dr. Farinas, kinamayan si Marco.
Marco:
"Ako naman po si Marco Velasquez. IT Consultant po sa isang tech company sa Makati. Nice to meet you, Dra. Jules at Dr. Farinas."
Ngisi agad si Dra. Jules. Napatingin kay Celina—at kinindatan ito na parang may gustong ipahiwatig.
Si Dra. Celina, halatang aligaga. Hindi mapakali. Parang may tinatagong sikreto na ayaw mabuking.
Umorder si Marco ng dalawang latte at dalawang slice ng cake para sa kanila ni Celina. Habang iniinom ang mga ito, nagsimula ang tanungan.
Dr. Farinas:
"Marco Velasquez? Parang pamilyar ang apelyido mo. May na-meet ako sa isang seminar sa Region 3. Velasquez din ang apelyido. Parang may hawig kayo, medyo mas mataba lang. Dr. Roel Velasquez?"
Marco:
"Dr. Roel Velasquez? Kapatid ko po 'yon. Panganay namin. Graduate siya ng Medicine sa Fatima University. Nasa DOH Region 3 siya ngayon."
Celina:
"Ma... may kapatid kang doktor?"
Marco:
"Oo, Celina. Actually, gusto ko rin noon magdoktor. Kaso takot ako sa dugo. Nanghihina ako pag nakakakita ako niyan."
(sabay tawa)
Tawanan silang lahat. Pero biglang...
Dra. Jules: "Pero teka, kayo na ba?"
Para silang mga dagang nahuli ng pusa. Nagkatinginan sina Marco at Celina, parehong natataranta.
Marco:
"Ha? Eh... magkaibigan pa lang kami."
Celina:
"Oo, bago pa lang kami magkakilala."
(pilit ang ngiti)
Dra. Jules:
"Grabe kayo, parang kayo'y natatarantang sumagot. Ang cute niyong tignan!"
Dr. Farinas:
"Tingin ko nga, para na kayong mag-asawa!"
Natawa ang apat, pero hindi pa rin nawala ang kilig sa mata ni Dra. Jules.
Dra. Jules:
"Pero Marco, alam mo ba—ikaw lang ang unang lalaking pinakilala sa amin ni Dra. Celina."
Biglang tumahimik si Marco at si Celina. Pero hindi pa tapos si Jules.
Dra. Jules:
"Sa tingin mo ba... may gusto ka sa kanya?"
Biglang nabulunan si Celina sa iniinom niyang latte. Umubo siya. Nagpahid ng tissue.
Marco:
"Sa ngayon... masaya ako tuwing kasama ko si Dra. Celina. Umaasa ako na balang araw... matatawag ko na rin siya sa pangalan niya. Wala nang 'Dra.'"
Napakagat-labi si Celina. Napatitig sa tasa. Pero sa loob-loob niya, may kung anong init ang dumaan sa puso niya.
Dr. Farinas:
"Masaya kami para sa'yo, Dra. Celina."
At doon, nagpatuloy ang kwentuhan ng magkakaibigan. Ang mga tawanan at kwento ni Dra. Jules, Dr. Farinas, at Marco ay napuno ng mga maliliit na detalye, mga biruan, at mga kwento ng nakaraan. Hanggang sa dumating ang oras ng paalam. Masaya silang naghiwalay, ngunit ramdam pa rin ang init ng kanilang mga usapan, at ang bagong koneksyon na nabuo sa gabing iyon.
Habang naglalakad papunta sa parking lot, nagtanong si Dra. Celina kay Marco, ang tanong na tila isa sa mga hindi niya pa nasasabi.
Dra. Celina:
"Marco, nung high school ka ba, nagkaroon ka na ng kasintahan?"
Marco:
"Ha? Bakit mo naman naitanong, Celina?"
Tinutok ni Celina ang mga mata kay Marco, seryoso. Hindi siya sigurado kung makikita niyang matuturn off si Marco sa tanong, pero kailangan niyang itanong ito. Hindi naman siya magmamadali—tulad ng lahat ng tanong, mas magandang makita ang tunay na nararamdaman sa bawat sagot.
Dra. Celina:
"Seryoso, Marco. Ok lang ba? Sasagutin mo ba yung tanong ko?"
Marco:
"Sure. Sige."
Si Marco, medyo nahihirapan, ngumiti nang malumanay. Biglang lumabas ang mga alaala ng kanyang high school days—yung mga hindi makalimutang tao, mga pagkakataon ng pagkatalo sa puso. Umupo siya saglit at nag-isip ng mga pangyayari.
Marco:
"Nung 3rd year high school ako, may isa akong crush na babae... kaso 4th year siya, ka-batch ni Kuya Roel."
Dra. Celina:
"Maganda siya? Matangkad? Maputi?"
Marco:
"Oo, maganda siya. Maputi, matangkad. Yung mukha niya, parang may halong ibang lahi. Parang... artista. Medyo kulot, brunette."
Dra. Celina:
"Artistahin pala ang dating."
Marco:
"Oo, parang ganun na nga."
Si Celina, habang nakikinig, magtatangka sanang i-smile ang pagka insecure—pero may kakaibang ngiti na nagsimula siyang makita kay Marco. Hindi lang ito isang kwento. Ito ang unang pagkakataon na may nakita siyang pagpapakumbaba mula kay Marco, na mas totoo kaysa sa lahat ng kanilang iniwasang tanong.
Marco:
"Syempre, bata pa ako noon. Hindi malakas ang loob ko, at hindi rin buo ang kumpiyansa ko sa sarili ko. Kaya inisip ko na lang na 'naging kami na,' kahit sa puso at isipan ko lang."
Dra. Celina:
"Tapos?"
Marco:
"Nakwento ko yun sa best friend ko... Yung gago ko naman na best friend, kinuwento sa iba. Hanggang nakarating sa kanya."
Tumigil si Celina at nagmuni-muni, humarap kay Marco. Sa pagkakataong ito, nagsimula niyang maramdaman ang pabigat ng mga salitang binigkas niya. Pati siya, hindi niya inaasahan ang tawa na sumunod.
Marco:
"Isang araw, yung crush ko, sumugod siya sa classroom namin, hinahanap niya ako. Nagtanong siya-malakas ang boses. Dinig ng lahat ng nasa room, 'Sino dito si Marco Velasquez?' Tumayo ako, dahan-dahang lumapit sa kanya."
Isang matamis na ngiti ang umusli kay Celina, isang sulyap sa makulay na nangyari sa buhay ni Marco noon—ang simpleng high school crush na naging isang kwentong puno ng kabiguan at kahihiyan.
Marco:
"Kinompronta niya ako, tapos sinabi niya, 'Bakit mo pinagkakalat na naging tayo na ha?'"
Dra. Celina:
"Anong sinabi mo pagkatapos?"
Marco:
"Sabi ko sa kanya, 'Hindi mo dapat malaman ang sikreto na 'yon. Dahil dyan, break na tayo!'"
Napakawala ng tawa si Celina, parang nasaktan pa siya sa kwento, pero hindi maiwasang humalakhak. Parang ang saya niya na marinig ang ganitong kwento mula kay Marco.
Dra. Celina:
"Totoo ba yun? Gago ka talaga!"
(sabay tawa)
Marco:
"Oo, totoo yun."
Ang katahimikan ng parking lot ay nawala, at sa huling hakbang nilang magkasama, ramdam ni Dra. Celina ang pag-alis ng bawat pagkabigla, mga kwento ng nakaraan. Walang mabigat. Walang takot. Tanging ang magaan na pagkakaibigan, na tinatangi ni Celina.
Habang nagda-drive pauwi si Celina, naalala niyang hindi na siya galit kay Marco. Hindi na rin siya inis. Nakita niya ito sa bagong paraan, bilang isang tao—isang kaibigan na maaari pang maging higit pa. Kung dati ay hindi niya matanggap ang sarili niyang nararamdaman, ngayon, unti-unti niyang inaamin sa kanyang puso na... nahulog na siya.
Pumasok siya sa bahay, kinuha ang kanyang journal, at nagsimulang magsulat, nang buo ang kanyang nararamdaman.
Journal Entry #79
May 29, Huwebes ng Gabi – After the Café at Tomas Morato
Favor #1 — mission accomplished.
Akala ko talaga ako lang mag-isa.
Akala ko magmumukha akong kawawa habang pinapanood sina Dra. Jules at Dr. Farinas na parang couple goals sa Pinterest.
Pero dumating siya.
Si Marco.
Wala akong kaide-idea. Hindi siya nag-text. Hindi tumawag.
Bigla na lang — BOOM — "Dra. Celina?"
Parang pelikula. Parang eksena sa Korean drama.
At ang ngiti ko... shet. Seryoso. Buti na lang may blush on ako.'
Yung feeling na parang... may isa pang taong nakakaalala sa'yo.
Na kahit hindi mo sabihin nang direkta, kahit hindi mo ipilit — darating pa rin.
Tapos nang pinakilala ko siya kina Jules at Farinas...
Aaminin ko, kinabahan ako.
Pero ang galing niyang makisama. Natural lang. Chill. Parang hindi siya nawawala sa lugar.
At nung tinanong siya ni Jules kung may gusto siya sa'kin...
Putek."Umaasa ako na balang araw, matatawag ko na rin siya sa kanyang pangalan — wala nang Doktora."
Ay, Diyos ko.Kahit wala pang dinner, busog na puso ko.
Pero siyempre, wala munang assumptions. Walang expectations.
Kasi sabi nga ng utak ko — chill lang.
Pero 'yung puso ko?
Nagpi-fistbump ng "YES NA YES NA 'TO."
Nakakatawa lang isipin...
Ang taong akala mo ay pasyente lang —
unti-unti nang nagiging dahilan ng mga ngiti mo.
-C
Itutuloy...
Comments (0)
See all