Sabado ng umaga. Tahimik ang clinic. Tahimik din si Dra. Celina—hindi lang ang paligid ang walang sigla, pati siya rin.
Parang wala sa sarili. Nakatulala habang nililista ang mga detalye sa chart. Wala sa usual energy niya. Wala ang professional smile. Wala ang tikas.
Pagpasok ni Marco sa exam room, napansin agad niya ang lungkot sa mukha ni Doktora.
Marco:
"Good morning, Doktora. Oh, bakit parang... wala ka sa mood? Ang lungkot mo ngayon ah."
Celina:
"Hindi ko alam, Marco. Gusto ko nga ngumiti kahit 'yung pang-professional lang, pero pilit talaga."
Marco:
"Hmm... ganito na lang. After ng consultation at rounds mo ngayon, ipasyal kita. Wala ka namang duty bukas, 'di ba?"
Celina:
"Saan mo naman ako balak dalhin?"
Marco:
"Basta, dito lang sa malapit. Pero..." (teasing tone)
Celina:
"Pero ano?"
Marco: (nakangisi)
"Favor #2 na ito ha. Sagot ko ang gastos."
Napangiti rin si Celina, sa wakas. Ang unang ngiti niya ngayong araw. Excited siyang matapos ang kanyang duty—para siyang batang pinangakuang ipapasyal pagkatapos ng klase. Sabado na matagal nang inaasam ng isang estudyanteng pagod sa buong linggo. Parang araw ng Sabadong matagal nang inaabangan ng isang estudyante sa elementarya.
Kinahapunan...
Habang busy pa rin si Dra. Celina sa rounds, may isa ring abalang nagtetext—si Angela. Pero kung kanino siya nagtetext, walang may alam. Isang lihim na tila may kinalaman sa inaabangang hapon.
Celina: (curious)
"Oh Angela, sino naman tine-text mo ha?"
Angela: (Nagulat)
"Haayyy!!! Dra. Celina, wala po. Secret" sabay tawa na may nerbyos.
Celina: (Deadpan)
"Bahala ka na nga..." sabi niya pabulong.
"Mag out na kasi ako. Pa file na lang nung mga charts para madaling makita bukas ha?"
Angela: (kabadong smile)
"Opo doktora."
tapos
"Enjoy po kayo"
Pagkatapos ng rounds, bumalik si Celina sa clinic para kunin ang personal na gamit. Naghihintay na si Marco sa lobby.
Parang batang excited si Celina nang makita si Marco.
Celina:
"Saan mo nga ba ako dadalhin?"
Marco:
"Dito lang sa malapit. Sayang kasi oras kung sa traffic lang mapupunta. Tara, sakay na."
Celina:
"Nasa parking 'yung kotse ko."
Parking Lot Scene (mga references sa kwentong 'In the Time We Had')
Sa gilid ng pinto ng driver's seat, paikot-ikot sa daliri ni Celina ang susi.
Celina:
"Want me to drive us there?" (halatang galing sa isang eksena sa kuwento)
Marco:
"Actually... mind if I drive?" (tugma rin sa quote)
Celina:
"You know how to drive?" (kunwaring gulat, sabay ngisi)
tapos hinagis ang susi kay Marco.
Marco:
"You sure I can fit behind the wheel now?" (parehong reference sa kwento, iniba lang para mag fit sa eksena)
(tumatawa)
"Ano, magpapalitan na lang ba tayo ng quote?"
Pareho silang tumawa, sabay pasok sa kotse.
Playlist ni Marco habang nasa biyahe:
Tatlong Bente Singko – Dingdong Avanzado
Mr. Kupido – Rachel Alejandro
Di Bale Na Lang – Gary Valenciano
Ale (Nasa Langit Na Ba Ako) – Richard Reynoso
Paligaw-ligaw Tingin – Ashley
...
Habang bumabaybay sila sa kalsada, patungo sa Quezon Memorial Circle, parang bumalik si Celina sa high school. May mga akward na tinginan, pero mas marami ang palihim na ngiti. Habang tumutugtog ang playlist, parang bumalik si Celina sa panahong high school pa siya—panahon ng crush, notebook-sharing, at ligaw-tingin.
Dinner + Kwentuhan sa Restaurant
Habang hinhahantay nila yung mga pagkain na na-order na ni Marco sa waiter...
Marco:
"Okay lang ba na Celina muna ang itawag ko? Wala muna 'yung 'Doktora'?"
Celina:
"Basta ikaw. Sige."
Marco:
"Celina... bakit single ka pa rin hanggang ngayon?"
Tahimik si Celina sandali. Pero alam niya ang sagot.
Celina:
"Naging focus ako sa pag-aaral at career. Hindi ko binigyan ng espasyo ang pag-ibig. Kasi para sa akin, dati, sagabal siya."
Marco:
"Eh 'yung mga nanligaw? Wala ba ni isa?"
Celina: (halatang nahihiya)
"Naku! Wala. Walang nagtapat sa akin noon."
Marco:
"Parang ang hirap paniwalaan n'yan. Hindi ka man artistahin, pero maganda ka. Matapang, matalino, smart kung magdamit—"
Celina:
"Binobola mo lang ako eh."
Marco:
"Hindi. Seryoso ako. Sige nga, nung high school, ilang lalaki ang nanghiram sa'yo ng notebook?"
Celina:
"Ahhh... marami. Baka lampas trenta."
Marco:
"Tapos wala ni isa na nagka-crush sa'yo? C'mon." (naka-ngisi)
Celina:
"Gago ka talaga!" (parang iiyak sa tawa)
Marco:
"Biro lang, Celina. Baka tingnan tayo ng mga tao dito." (sabay tawa)
After Dinner – Carnival Moments
Nagpunta sila sa Circle of Fun. Sumakay sila ng Vikings. Si Celina, todo tili. Si Marco naman—kalalaking tao—tumatawa na parang baklang tambay sa jeep.
Naglaro sila ng carnival games. Nanalo si Marco ng stuffed toys para kay Celina.
End of the Night – Sa Parking
Celina:
"Marco, salamat talaga. Ang saya ng gabi ko."
Marco:
"Basta ikaw. Favor #2, completed na!"
Celina:
"Ihatid na kita?"
Marco:
"Okay lang ako. Grab na lang ako. Para makauwi ka na rin."
Nagkatinginan pa sila bago siya sumakay ng kotse. Isang simpleng paalam, pero may bitbit na damdamin.
Surprise Encounter – Mang Rob
Pagkaalis ng kotse ni Celina, papalayo na si Marco nang may tumawag.
Voice:
"Marco."
Lumingon siya. Si Mang Rob.
Marco:
"Sir? Nandito po kayo?"
Tahimik silang naglakad papunta sa isang bakanteng bench. Doon sila naupo, magkatabi pero may distansyang respeto.
Mang Rob:
"Sinundan ko kayo. Hindi ko alam bakit... pero gusto ko lang makita kung anong meron."
Marco:
"Sir... wala pong masama sa ginagawa namin. Kaibigan ko si Celina. Gusto ko lang siyang mapasaya, kahit sandali."
Mang Rob:
"Alam ko. At nakita ko rin... masaya siya. Ngayon lang uli."
Tahimik.
Mang Rob:
"Noong bata pa si Celina, tinuruan ko siyang ituon ang buong lakas niya sa pag-aaral. Dahil 'yun ang naging sandalan ko noon."
Ikinuwento ni Mang Rob ang hirap ng buhay niya bilang anak ng mahirap, ang pagsusumikap bilang seaman, at ang paniniwalang tagumpay ay nasa diploma, titulo, at karera.
Marco:
"Sir, naiintindihan ko na... at sana maintindihan din ninyo. Alam kong masasaktan si Celina. Kasi hindi ako pwedeng maging para sa kanya."
Mang Rob:
"Alam ko. Pero kailangan niya rin matutong masaktan. Kailangan niyang lumaya sa takot. Para sa wakas... mag mature ang puso niya."
Nauunawaan ni Marco si Mang Rob. Totoo—hindi maiiwasan. May masasaktan. At si Celina 'yon.
Sa isip niya, kung puwede lang... siya na lang sana.
Pero alam niya—ang lahat ng ito'y hindi tungkol sa kanya.
Ito ay sariling paglalakbay ni Celina. Isang paglalakbay ng puso, na siya lang ang puwedeng tumahak.
Celina's Journal Entry That Night Entry #84
June 21
Hindi ko na kayang itago. Confirmed na. Hindi lang crush. Hindi lang kilig. Na-fall na talaga ako.
Hindi dahil sa kung sino siya sa panlabas...
kundi kung paano niya ako tinitingnan, kausapin, pasayahin—
parang ako lang ang babae sa mundo.
Kung puwede lang...
Pero alam ko, hindi puwede.
At least ngayon, may mga alaala akong babalik-balikan—sa isip, sa gabi, sa gitna ng katahimikan.
Favor #2. Thank you, Marco.
-C
Itutuloy...
Comments (0)
See all